[Anong Taekook?---Teka pinagshiship mo ba sila? Aba! Binabayaran kaya kita para tulungan ako tapos kumakampi ka sa kanila? Aba! Di ata to tama!] Ang daldal ni Jimin bat ganun.

"Hahaha ganun talaga. Pero kamusta nga?"

[Ayun. Akala mo 100 years silang hindi nagkita. Nung nagkita sila todo selfie. Tapos sabay silang kumain. Tapos sabay rin silang umuwi! Sobrang sakit Gab, sobrang sakit!] Sobrang daldal niya... Dami niyang sinasabi.

"Haha wag kang mag-alala pagbalik ko gagawan natin yan ng paraan."

[Dapat lang! Pero parang nawawalan ako ng pag-asa...] Alam mo, gusto kong sabihin sa kaniya na wag siyang mawalan ng pag-asa kasi gusto siya ni Jungkook. Masiyado lang mapagtago si Jungkook kaya di niya mahalata, pero gusto siya nito. Hindi ko alam kung bakit di ko yun magawa... Hindi ko alam.

Nanahimik ako kasi di ko alam sasabihin. Mukhang siya rin di alam. [Hello? Andiyan ka pa ba Gabi?]

"Ah? Oo..." Narinig ko ang paghinga niya. Grabe sobrang sayang mo Jimin. Teka ilang beses ko na ba yan inulit. Sobrang nakakapanghinayang kasi. "Alam mo sobrang sayang mo..."

[Ha? Bakit naman?]

"Pogi ka. Mabait ka. Mayaman pa. Hayy madami sana akong irereto sa'yo kung di ka lang bakla!"

[Di naman talaga ako bakla eh. Sadiyang gusto ko lang talaga si Jungkook.]

"Whatever. Bakla pa rin yun."

[Whatever whatever ka diyan...] At nanahimik nanaman kami. [Ui sige naiistorbo na ata kita...Pahinga ka na! Pagaling ka ah?]

"Sige sige...---ah teka Jimin"

[Yes?]

"Kanta ka nga. Di ako makatulog eh. Buong araw akong tulog... baka sakaling makatulog ulit ako."

[Ano naman kakantahin ko?]

"Kahit ano... katamad mag-isip."

[Eh uhm...] Matagal tagal bago siya magsimula. Nakatulog na nga ako eh sa sobrang tagal. Di ko na narinig yung kanta niya. Ang naaalala ko na lang, nanaginip ako tas kumakanta si Jimin.

시간을 멈출래 [Will you stop time?]
이 순간이 지나면 [If this moment passes,]
없었던 일이 될까 널 잃을까 [As though it hadn't happened,]
겁나 겁나 겁나 [I'm scared, scared, scared that I'll lose you]

Butterfly, like a butterfly
마치 Butterfly, bu butterfly 처럼 [Just like a butterfly]

Wow ganda nga ng boses niya. Kinilig ako bigla. Wahhhhhhhh!!! Pero biglang naglaho kilig ko nang makita ko kung sino kinakantahan niya. Hindi ako. Hindi ako ang kinakantahan ni Jimin. Si Jeon Jungkook pala. Nasa tapat sila ng isang pintuan ng bahay. Nasa hagdan sila nito. Nahihiya pa si Jimin habang hawak-hawak ang kamay ni Jungkook. Mukhang kinikilig ang bayot.

"Jungkook, will you be my boyfriend?" Tanong nito matapos ang maikling kanta

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Jungkook, will you be my boyfriend?" Tanong nito matapos ang maikling kanta. What... Sht.. No...No... No... Hindi maari... Huwag... Huwag....

"Jimin..."

"

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"...Yes!" Sagot ni Jungkook. Iba yung tuwa sa mukha ni Jimin. Unexplainable! Dahan dahang naglapit ang mga mukha nila at at.......NoooOooooooooooooOOOOOOOOOoooo!!!---

Bigla akong nagising.

"What the fck." Thank you God! Panaginip lang ang lahat. Hinawakan ko sarili ko. At wala na akong lagnat. Oh my goodness. Nasilaw ako sa araw. Umaga na pala. Anong klaseng panaginip to... este bangungot. My goodness...!

HELP ME GIRLALOO | JiminTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang