Chapter Eleven (Meet Daniel)

Start from the beginning
                                    

“Sino namang may sabing hindi? Hindi mo naman ako kailangang hintayin eh” Inasar ko lang siya. Hahaha. Bigla siyang sumimangot.

“Okay” Sabi niya.

“Oy lalake, joke lang yun! Hahaha” Lumingon siya at ngumiti. Umalis na siya at ako naman, nagpractice ulit.

*Kinabukasan*

Aya’s POV

Friday na pala ngayon. Last practice mamaya kasi next week intrams na. Excited na ako. >:D. Buti na lang busy na ang mga teachers para sa intrams kaya wala ng magkaklase. Puro practice na lang! YEY!

“Aya!” si Alexis tumatakbo. Ano na namang problema nito?!

“Oh?”

“Ang sungit mo naman! Sasabihin ko lang naman na invited ka sa birthday ko bukas!” Oh? Birthday niya bukas?

“Akalain mo yun may birthday ka pala. Joke. Hahaha. Sige pupunta ako.”

“Ang sama mo talaga e noh. Anong akala mo sa akin sumulpot na lang basta jan sa tabi-tabi? Isama mo na rin sila Jmy! Sige bye aalis na ako. May gagawin pa ako eh. BYE!” Umalis siya kaagad. Anong problema nun? Nagmamadali. Taxi? Taxi? WEHHH AYA!! WALEY. Hahaha. Ang weird ko talaga.

Pagdating ko sa room wala na si Jmy dun. Tinanong ko na lang si Jenelle.

“Jenelle, nasaan na si Jmy?”

“Nauna sa court. Nakita ko sinundo siya ni Daniel” AH kaya pala. Yung babae talagang yun. Lagot siya sa akin.

“Yun talaga si Jmy. Bakit hindi niya pa kasi sagutin si Daniel eh. Oh sige, punta na rin akong court. See you later!” Aalis na sana ako bigla nagsalita ulit si Jenelle.

“E bakit ikaw? Kailan mo ba sasabihin kay kuya Tyrone?” Ngumiti ako at nagsalita.

“Soon! Hahaha!” Tumakbo na ako para di na siya magsalita.

Oo nga kailan ko nga ba sasabihin sa kanya? Pero natatakot ako. Haaaay! Bahala na! Pagdating ko sa court, nakita ko si Jmy.

“JMY!” Hinanap niya yung boses. Medyo may pagkabulag kasi to si Jmy eh. Hahaha! Lumapit na lang ako para makita na niya ako. Nung nakita niya ako,

“Oh Aya! Ikaw pala! Bakit?” May Alzheimer’s disease talaga to si ate.

“Nakalimutan mo na ba? Nagpapahintay ako sa’yo ate”

“Ay! Oo nga! Nakalimutan ko. Eto kasi si Daniel eh.” Sabay hampas niya kay Daniel.

“Aray! Eto kamo, bakit ako may kasalanan?!”

“Ikaw naman talaga eh!” Sabi naman ni Jmy.

Nagpatuloy sila sa pagtatalo. Buti pa sila kahit hindi sila magboyfriend/girlfriend masaya. Tumigil sila ng medyo napansin nilang di na ako kumikibo.

“Buti pa kayo. Masaya” Naalala ko na naman kasi yung sinabi ni Jenelle kanina. Kailan ko nga ba sasabihin?

“Eto naman! Emote emote ka pa jan, eh andun lang  naman yung prince charming mo! Papalapit dito! Mag-ayos ka girl!” si Jmy talaga ang ingay!

“Ssssh! Wag ka ngang maingay!” Sabay tumingin ako kay Daniel.

“Hay nako. Alam ko na yan!” Alam niya?! Tumingin ako kay Jmy nakangiti!

“Ooops. Sorry. Wag kang mag-alala, napagkakatiwalaan naman yan eh.” Oo na lang. Hahaha. Ngumiti na lang ako.

“Oh bakit na naman kasi nag-eemote ka jan?” si Jmy.

“Eh kasi si Jenelle eh. Pinaisip na naman sa akin kung kailan ko sasabihin kay Tyrone”

“Aah.. Yun talaga si Jenelle. Pero tama siya dapat alam mo na kung kailan mo sasabihin”

“Sasabihin ang ano?” Nagulat kami may nagsalita sa bandang likuran. Pagkalingon ko si Tyrone! OMG! Narinig niya kaya na sa kanya sasabihin? :O

“Sasabihin ang ano? HOY!” Natulala ako.

“Ah…eh…wala yun! Magpapaalam lang siya sa Daddy niya gagala kami bukas” Thanks for the ‘palusot’ Jmy! Keep up the good work.

“Aah. Akala ko naman kung ano.” Tumingin siya ulit sa akin “HOY AYA! MATUTUNAW NA AKO SA KAKATITIG MO NIYAN!” sabay snap sa harap ng mata ko. Nahimas-masan ako sa sinabi niya, ANO? Matunaw!

“Oh talaga? Nagulat kasi ako may sumulpot na multo eh” Inasar ko nga.

“Abaa. Ganun ah! Humanda ka sa akin!” Alam kong hahabulin niya ako kaya tumakbo ako.

Naghabulan lang kami sa court habang wala pa si coach. Nakakatuwa naman para lang kaming mga bata.

End Of Chapter

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Next Chapter Birthday na po ni Alexis! Abangan ang mga mangyayari! :D

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now