C13: A Love Like This

972 40 0

-

C13: A Love Like This

[Madeline]

"Dayne! Mahulog 'yang anak mo!" Saway ko dito nang makita ko nanamang nakasakay sa likuran niya si Matty at nakayakap ang mga braso sa leeg niya.

Nagpupush up si Dayne habang tuwang-tuwa naman si Matty sa likod.

"Hindi 'yan! Ang higpit kaya ng kapit ni Matty!" Dahilan nito.

Parati kong naabutan ang mag-ama ko na ganyan ang madalas na bonding at madalas ko talagang paalalahanan si Dayne na baka mahulog si Matty sa likuran niya, buti nga at hindi. Sinisigurado naman niyang kapag nahulog si Matty ay masasalo ito ng malambot na carpet sa sahig. Sadyang OA mother lang ako madalas.

Matty is already 3 years old at isang napakadaldal na bata, dinaig pa ang babae sa pagiging madaldal. Halos lahat ng makita niya tinatanong o kapag curious siya nagtatanong.

"Love, ok lang ba kung bigyan na natin ng kapatid si Matty?"

Natawa ako sa tanong nito. Katatapos lang nitong paliguan si Matty. Actually, sabay silang naligo pagkatapos ng ilang minutong pahinga sa paglalaro nila.

"Hindi pa handang maging Kuya si Matty." Patawa-tawang sagot ko dito saka pinisil ang ilong nito.

"Pero Love, para lang naman may kalaro siya." Sabi nito saka yumakap sa bewang ko.

"Mapapagod ka kapag dalawa na sila..." Mahinang sabi ko.

"Hindi naman ako napapagod eh. Kayo kaya ang lakas ko. Kahit anong pagod ko sa trabaho, nawawala lahat kapag nakikita at nakakasama ko na kayo..." Puno ng damdaming saad nito saka masuyong dinampian ng halik ang noo ko kaya napapikit ako.

"Daddyyy! Mommyyy!"

Napatingin naman kami kay Matty at nanlalaki ang mga mata kong nilapitan ito. Puno ng chocolates ang bibig, pisngi at mga kamay nito.

"Binigyan mo?!" Baling ko kay Dayne.

"Sorry Love..."

"Sinubuan mo na lang sana. Alam mo namang makalat 'yan kumain eh!" Pagalit ko dito.

"Hihilamusan ko na lang." Sabi nito saka binuhat si Matty.

Bumalik silang malinis na si Matty na tumatalon-talon pa.

" 'Wag mo ng papakainin ng chocolates kung hindi ikaw ang susubo sa kanya. Ilang beses ko na bang sinabi 'yon?!" Inis na baling ko dito.

Huminga ito ng malalim at binuhat si Matty saka tumabi sa akin.

"Ayan. Nagalit na si Mommy sa akin. Anong gagawin natin Matty?"

"Mommy! Mommy!" Tawag sa akin ni Matty.

Kinuha ko ito kay Dayne saka inupo sa kandungan ko at yinakap ng mahigpit.

Hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi saka nginitian.

"Baby, 'yung chocolate hindi panghilamos ng mukha ok? Pagkain 'yun na para sa bibig lang." Malumanay na sabi ko dito saka hinalikan sa labi.

"Ako wala?"

Binalingan ko naman si Dayne na malapad ang ngiti sa amin.

"Anong wala?" Tanong ko habang yakap si Matty na nakatingin din sa Daddy niya.

"Kiss." Sabi nito saka lumapit pero bigla itong tinulak ni Matty na ikinatawa ko.

"Paano ba 'yan? Ayaw 'ata ni Matty na may kiss si Daddy. Ikaw kasi dahilan kung bakit niya hinilamos ang chocolate na binigay mo!"

"Hindi ka na makakaulit kay Daddy!" Seryosong sabi nito.

Pagtingin ko kay Matty, paiyak na ito kaya hinampas ko sa balikat si Dayne.

"G*g*!" Mahina kong sabi dito na tinawanan lang niya saka biglang hinalikan sa pisngi si Matty.

"Joke lang. Love 'yan ni Daddy eh." Sabi nito saka lang nawala ang namumuong luha sa mga mata ni Matty.

-

C13 Posted: January 17, 2017

Dedicated to larraine_19 - Thank you so much for adding my stories to your reading list. Sana mabasa mo kapag may free time ka. Don't forget to vote and comment kung gusto mo. Happy Reading! God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!