C8: Family Zamora

1.1K 41 0

-

C8: Family Zamora

[Madeline]

"Baby! Stop it! Kawawa naman si Daddy..." Mahinang sabi ko nang makita ko itong nakaupo habang sinasabunutan ang nakatalikod na si Dayne.

"Dadadadaddyyyyy! Daddy! Dyyy!" Mas lalo itong nag ingay at sinabunutan ang Daddy niya na may paghampas pa sa balikat.

Ginigising na 'ata!

He suddenly groaned and face his son na nakakunot noo saka nagmulat ng mga mata.

"Good morning Matty! Ang galing mo talagang manggising anak. Brutal!" Inaantok na sabi nito saka yinakap ang anak namin na humahagikhik.

Tinawanan ko lang sila saka tumayo at lumabas para maghanda ng almusal.

"Maogmahon ka."
(Ang saya mo.)

Nginitian ko lang si Nanay sa sinabi niya.

Bumalik akong buhat-buhat na ni Dayne si Matty.

"Tatawagin ko na sana kayo. Palabas na pala kayo."

Ngumiti ito saka lumapit sa akin at biglang humalik sa pisngi ko.

" 'Di ka nag good morning sa akin..." Sabi nito saka humalik sa labi ko na mukhang natuwa naman si Matty kaya kinuha ko sa kanya para panggigilan.

"Kain na tayo." Sabi ko na lang.

Pagkatapos kumain ay nagyaya si Dayne na maglakad-lakad daw kami sa labas kaya pumayag naman ako.

Buhat niya lang si Matty habang hawak ang isa kong kamay.

"Mao ngay-an un an asawa mo? Kaitsurahon san bata mo!" Salubong ng isang kumare ni Nanay.
('Yan na pala ang asawa mo? Kamukhang-kamukha ng anak mo!)

"Opo." Sagot ko naman nang nakangiti.

Maya-maya'y binalingan ko si Matty na nakahiga na ang ulo sa balikat niya.

"Tulog na ang makulit na bata." Sabi ko. "...Akin na. Ako naman ang magbubuhat. Baka nangangalay ka na." Dugtong ko pa.

"Hindi. Ok lang."

Bumalik naman kami kaagad sa bahay. Inihiga niya si Matty sa kama saka tumungo sa banyo para maligo.

Paglabas niya'y ako naman ang naligo.

"May mga gamit na ba 'yung bahay?" Mahinang tanong ko habang nagsusuklay at nakatapat sa salamin.

Ang tagal nitong sumagot kaya napalingon ako. Mukha itong gulat saka ngumiti.

"Kompleto na. Tayo na lang ang hinihintay. House blessing na lang din ang kulang. Gusto ko sanang  nandoon sila Nanay sa blessing." Sagot nito.

Bumaling muli ako sa salamin at pinagpatuloy ang pagsuklay.

"Nasabi nga sa akin nila Nanay. Kahit isang linggo lang daw sila dahil hindi maiwan ng matagal ni Tatay ang mga manok niya."

"Sige."

"Kasya ba tayo sa sasakyan mo?"

"Oo. Kahit buhatin ko na lang si Matty."

"Hindi pwede. Magdadrive ka eh. Ako na lang magbubuhat, salitan kami ni Mandy."

"Kailan punta natin?"

"Sa Monday na lang para makapag ayos pa ng gamit."

Naramdaman ko ang bigla nitong paglapit at pagyakap sa akin mula sa likod kaya natigil ako sa pagsusuklay.

Iniharap ako nito saka nakangiting tumitig sa mga mata ko habang nakayakap ang mga braso sa bewang ko.

"Kailan church wedding natin?" Malambing na tanong nito.

"Ikaw na bahala..." Mahinang sagot ko.

"Gusto ko sanang maging ring bearer natin si Matty eh... Pero hindi na ako makapaghintay. Pwede bang five months from now na? May nakausap na akong wedding planner actually, matagal ko na siyang nakausap hinihintay lang talaga kita para matuloy..."

"Ganyan mo ako kamahal?" Kinikilig na sabi ko. Sh*t! Para akong teenager kung kiligin!

"Syempre! Mahal na mahal na mahal na mahal kita... " Sabi nito saka inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko kaya napakapit ako ng mahigpit sa magkabilang balikat niya.

Hinapit ako nito lalo sa kanya saka ko naipulupot ang aking mga braso sa leeg niya.

His soft lips brushing gently against mine as I run my fingers through his hair, rubbing the back of his neck. Nakakamiss din itong asawa kong ito eh.

The kissed went deep and passionate na unti-unti akong nadadala.

Bigla kaming natigil at napalingon kay Matty nang bigla itong umiyak.

Tarantang kinuha ni Dayne ang feeding bottle nito na may gatas saka inabot kay Matty.

I bite my lower lip just to stop myself from laughing at him saka napailing.

"Ang galing ng timing mo anak ah!" Mahinang sabi nito na natatawa pa.

-

C8 Posted: January 10, 2017

Dedicated to MaryAlniePosposPeafl - Thank you for adding The Fall and It Started In A Vacation to your reading list. Sana mabasa at magustuhan mo. Feel free to read my other stories. Thanks again. God bless. 💋

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!