C19: Baby Mara

990 44 2

-

C19: Baby Mara

[Madeline]

Nakakatuwang pagmasdan sila Nanay at Tatay na hawak si Mara. Naaalala daw nila noong bata pa ako.

Si Matty naman na kay Dayne. Nakapasan sa likod habang nag susuperman.

Lumuwas talaga ng Maynila sila Nanay para daw madalaw kami lalo na sila Mara at Matty. Nakakamiss daw ang maingay sa bahay. Isang linggo lang naman sila dito.

Kahapon dumalaw din sa amin ang parents ni Dayne at tuwang-tuwa din sila kay Mara. Sabi pa nga ng Mommy nito ay dagdagan pa namin ng isa pang babae. Natawa lang kami ni Dayne.

May mga pasalubong pa kay Matty. Ang dami na nga ng laruan ni Matty, dinagdagan nanaman kaya 'di na kami bumibili eh. Kung hindi sila ang bumili ng toys ni Matty, sila Neo at Xien naman.

"Dayne! Baka basa na ng pawis 'yang likod ni Matty. Tingnan mo." Sabi ko dito.

"Yes Ma'am!" Nakangiting sagot naman nito saka ibinaba si Matty at hinawakan ang likod.

Kinuha nito ang towel niya sa balikat saka inilagay sa likuran ni Matty.

"Breastfeeding time!" Sabi ko kay Nanay saka kinuha si Mara.

Three weeks old pa lang si Mara kaya kailangan na kailangan pa talaga niya ng breast milk from Mommy.

Naupo ako sa single sofa saka nagpabreastfeed kay Mara habang si Mandy nag aasikaso na sa kusina ng kakainin namin for dinner.

Maya-maya ay lumapit ang mag-ama ko.

"Mommy, kailan po lalaki si Baby Mara?" Inosenteng tanong ni Matty.

"Lalaki na lang siya ng hindi mo namamalayan. Bakit Kuya?"

"Gusto ko na pong makipagaro sa kanya..."

"You'll play with her soon Kuya, sa ngayon kayo muna ni Daddy ang magkalaro."

Pagkatapos kong mag pa-breastfeed kay Mara ay tumulong na akong maghanda ng hapunan namin.

Sabay-sabay kaming kumain na na-miss ko talaga. Masayang kumain na marami kayo sa hapagkainan dahil kahit matagalan sa pagkain dahil sa tagal ng kwentuhan ay ma-eenjoy mo naman. Hindi ka lang mabubusog sa pagkain kundi pati na rin sa kwentuhan.

"Hihilamusan ko na si Matty!" Pagpapaalam ni Dayne sa amin.

Si Tatay ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

Ilang oras muna kaming nag stay sa living area para manood pagkatapos hilamusan ni Dayne si Matty.

Nang makatulog si Matty sa braso ni Dayne ay hinatid na niya ito sa kwarto saka siya bumalik sa tabi ko.

Maya-maya'y nakaramdam na ako ng antok pero bigla namang umiyak si Mara kaya pumasok na kami sa kwarto para mag pa-breastfeed ulit kay Mara.

"Good night, Love..." Sabi ni Dayne saka ako hinalikan ng mabilisan sa labi. "...Good night, Baby Mara." Mahinang sabi nito kay Mara na namumungay ang mga matang nagbi-breastfeed sa akin.

"Good night... Mauna ka ng matulog. Mapupuyat ka nanaman kay Mara mamaya." Sabi ko dito.

"Ok lang. Ngayon lang naman 'yan eh..."

"Matulog ka na."

"Hindi pa ako inaantok."

"Bahala ka."

Hinihila na talaga ako ng antok. Binalingan ko si Mara and thank God, sleep na ang Baby namin. Inayos ko ang pagkakahiga nito saka binalingan ang asawa kong kasasabi lang na hindi pa inaantok pero siya itong naunang makatulog sa amin.

Napangiti na lamang ako saka natulog na rin. At katulad ng mga gabing nagdaan ay pagising-gising nanaman kami sa iyak ni Mara na talagang sinisipagan ni Dayne na bumangon kahit antok na antok na.

"Ako na Dayne. Matulog ka na ulit..." Sabi ko nang bigla nanamang umiyak si Mara.

Napatingin ako sa orasan namin sa ding-ding. It's already five in the morning.

"Ok ka lang?" Tanong nito.

"Matulog ka na. May two hours ka pa. Ako na ang bahala."

"P--"

"No buts, Love. Sleep." Sabi ko dito.

Agad naman itong nakatulog. Ilang minuto muna ang lumipas bago nakatulog ulit si Mara saka ulit ako natulog.

Nagising ako dahil sa padampi-damping halik sa ulo. Napamulat ako't kunot noong tingingnan ito.

"Good morning, Love!" Nakangiting bati nito.

"Anong oras na?"

"Seven."

Babangon na ako sana ako para asikasuhin ang isusuot niya sa trabaho nang hilahin ako nito.

"Dayne!"

"Ten pasok ko ngayon. Tumawag secretary ko."

"Aah. Pero kailangan na nating bumangon para mag-almusal."

"Mamaya na. After 30 minutes... Please?"

Huminga ako ng malalim saka ngumiti at tumango.

-

C19 Posted: January 20, 2017

Dedicated to Greeetahh - Thank you for supporting my stories. I really appreciate your votes! God bless. Enjoy my stories! ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!