C2: Baby Matty

1.4K 43 0

-

C2: Baby Matty

[Dayne]

Agad kong nilapitan si Mandy nang makita ko ito.

"Mandy, ako ba ang ama ni Matty?" Seryosong tanong ko.

Bigla itong nagulat sa tanong ko.

"Wala po ako sa lugar para sagutin ang tanong niyo Kuya. Si Ate dapat ang tinatanong niyo niyan." Nag aalangang sagot nito.

Bakit parang pare-pareho sila ng sagot nila Nanay at Tatay? Ilang araw na akong nagpapaka-investigator dito ah.

Buhat-buhat ni Nanay 'yung bata kaya lumapit ako.

"Hi Baby Matty!" Bati ko dito. "..Mag iisang taon na siya 'diba Nay?" Tanong ko kay Nanay.

"Oo ijo." Nakangiting sagot ni Nanay.

"Napabinyagan na po ba?"

"Isasabay nga namin sa fiesta ijo."

"Pwede ko po bang buhatin?"

Ilang segundo akong tiningnan ni Nanay bago nito inabot ang bata sa akin. Binuhat ko naman agad ang bata mula kay Nanay. Grabe 'yung pakiramdam na makabuhat ng bata sa unang pagkakataon. Bakit ang sarap sa feeling?

Natuwa ako nang bigla itong tumawa.  Ang sarap ding pakinggan! Sh*t! Ang sarap sigurong maging ama.

"Nay!"

Bigla kaming napalingon kay Madeline at dali-dali namang kinuha ni Nanay sa akin 'yung bata. Galit na galit ang mga mata ni Madeline na tumingin sa akin saka kinuha 'yung bata kay Nanay.

Gulat na gulat din ako sa reaksyon niya pati 'yung bata umiyak dahil din siguro sa gulat.

"Hindi mo naman kailangang magalit. Binuhat ko lang 'yung bata. Anong masama doon?" Pagsunod ko dito dahil naguguluhan ako sa ipinapakita niyang reaksyon.

"Wala kang karapatang buhatin ang anak ko!" Galit na sabi nito saka ako sinarhan ng pinto for a lot of times.

Hobby niyang sarhan ako ng pinto ah! Buti na lang hobby kong mahalin siya. Sh*t! Bakit kahit galit siya mahal na mahal ko pa rin?

"Pasensya ka na ijo. Hayaan mo na muna ang anak ko." Biglang sabi ni Nanay.

"Naiintindihan ko po Nay." May pilit na ngiting sabi ko.

Sumapit ang fiesta. Kasama ako sa binyag malamang kahit hindi naman talaga niya ako imbitado. Bisita naman nila ako. Nakakainis nga kasi 'yung Rocco pa ang napagkamalan ng pari na ama ng bata.

"Kailan birthday ni Baby Matty?" Tanong ko kay Mandy.

"Tanong mo si Ate." Pag-iwas ni Mandy sa akin.

"Kahit birthday kailangan Ate mo ang sumagot?"

"Ganoon talaga Kuya. Pasensya ka na." Nakangiting sagot nito saka pailing-iling na tinapik-tapik ang balikat ko.

Ano bang meron sa mga tanong ko't kailangan si Madeline talaga ang sumagot? It's kinda frustrating.

"Ijo, umiinom ka ba?" Tanong ni Tatay nang sumapit ang gabi sa bahay.

"Ng tubig Tay?" Tanong ko dito.

"Mapagbiro ka din pala ijo. Syempre, alak!" Natatawang sagot ni Tatay.

"Kaunti lang po."

"Samahan mo kami."

"Sige po." Sagot ko naman agad. Mukhang mapapasubo ako ngayon. Minsan lang naman.

Tumagay naman ako. Nagkikwentuhan sila pero hindi ako makarelate kaya nakikinig lang ako. Nang maramdaman kong parang tinatamaan na ako ng alak ay nagpaalam na akong umalis pero hindi pumayag si Tatay.

"Ngayon lang naman 'to ijo. Hayaan mo ng malasing ka. Nandiyan naman ang asawa mo." May kakaibang ngiting sabi sa akin ni Tatay.

Bigla akong napaisip. Tama naman, nandito naman ang asawa ko. Baka sakaling asikasuhin niya ako kahit ngayon lang.

"Sabagay. Boto pa rin naman po kayo sa akin noh Tay?" Nangingiting tanong ko.

"Oo naman. Amakaparinngapoko!" Tumatawang sabi nito na hindi ko masyado naintindihan.

"Ano po?"

"Tagay pa ijo."

"Sige po.." Mahinang sagot ko saka tumagay at muling nakinig sa usapan nila ng iba pa naming kainuman. Pinagmamalaki pa nga ako ni Tatay.

-

C2 Posted: January 6, 2017

Dedicated to ClarissaArcinue - Thank you for adding The Fall to your reading list. Sana mabasa at magustuhan mo. Happy Reading! God bless.

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!