C6: First Birthday

1.1K 45 0

-

C6: First Birthday

[Dayne]

"Akin na si Matty." Sabi ko doon sa Rocco nang makita ko itong buhat ang anak ko.

Ibinigay naman kaagad nito sa akin na para bang natakot o nagulat?

"Oh. Sa'n na si Rocco?" Bungad na tanong ni Madeline sa akin.

"Sa labas. Ba't mo pinapahawak doon ang anak ko?" Seryosong tanong ko.

"Ninong 'yon." Natatawang sagot nito.

"Ayoko. Naiinis pa rin ako no'ng siya pa ang napagkamalang ama ng anak ko."

"Kailan?"

"No'ng binyag."

"Ito naman. Napagkamalan lang naman. Hindi mo pa kasi sinabi na alam mo na edi sana nalaman nila." Natatawa paring sabi nito.

"Sino bang ayaw ipaalam sa akin?"

"Gutom lang 'yan. Kumain ka na nga lang. Aasikasuhin ko pa 'yung ibang bisita. Sina Neo at Xien pala nasaan?"

"Si Xien may katawagan sa labas. Si Neo pinopormahan kapatid mo kaya pagalitan mo na." Patawa-tawang sabi ko dito.

"Bata pa 'yung kapatid ko ah! Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo!"

Ngayon ang first birthday celebration ni Matty kaya inimbita ko sina Neo at Xien. Kahapon sila dumating at mamaya sila aalis. Sa kwarto ko sila natulog. Nagdagdag lang ng isang kutson dahil hindi sila kasya sa kama.

Natulog ako sa kwarto ng asawa ko. Nasa gitna namin si Matty.

Nakatulog na si Matty habang buhat ko kaya dinala ko na muna ito sa kwarto at pinalibutan ng unan sa paligid para kapag gumulong hindi siya mahuhulog.

"Kanina ka pa hinahanap nina Xien. Nandito ka lang pala. Puntahan mo na sila. Ako na ang magbabantay kay Matty." Bungad na sabi ng asawa ko nang maabutan kami nito sa kwarto.

"Bakit daw? Paano 'yung mga bisita?"

"Nagsiuwian na. Nawala kasi 'yung celebrant. Tama nga akong nakatulog ang bata."

"Sige. Puntahan ko muna." Sabi ko saka humalik sa noo ng anak ko at ulo niya.

Wala na 'atang tutumbas sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Pagbalik ko pati siya tulog na din kaya ako na lang ang tumulong sa pagligpit sa labas.

"Nay, gusto ko po sanang magbakasyon din kayo sa bahay namin para naman sa house blessing  nandoon kayo."

"Sige. Subukan namin." Sagot ni Nanay.

"Tingnan namin baka kasi wala kaming maiwanan sa mga manok." Sagot naman ni Tatay.

"Kay Rocco na lang Tay!" Biglang sabi ni Mandy.

"Pwede din. Kausapin ko na lang kung sakali."

"Puntahan ko lang po muna sila Matty sa kwarto."

"Teka ijo. Doon ka na lamang sa kwarto ng mag-ina mo matulog. Tutal ok na din naman kayo. Maglilipat ka nanaman ng gamit mo sa kabilang kwarto. Hayaan mo na 'yon. Kami na lamang ang bahala." Sabi ni Nanay.

"Ok lang po."

"Sige na. Nahiya ka pa." Sabi naman ni Tatay.

Pagbalik ko sa kwarto, gising na si Matty. Gumagapang-gapang sa kama. Buti may nakaharang. Tulog pa ang asawa ko.

"Baby... Baka mahulog ka." Mahinang sabi ko saka ito binuhat.

Naupo naman ako sa kama habang kalong si Matty. Nakatayo na ito sa mga hita ko habang pinaglalaruan ang buhok ko. Medyo mahaba na kasi. Hindi ako nakakapagpagupit simula ng dumating ako dito.

"Da... Da... dyyyyyy..."

"Halah! Baby? Wait." Kinuha ko ang phone ko at vi-ni-deo ito. "..Say it again..."

Tumawa ito saka ako sinabunutan. Ang galaw tuloy ng camera.

"Dyyyyyyy... Da... dyyy..."

"Da-ddy!" Sabi ko.

"Daaaaaa.... Daaaa... Dyyyy... Dy... Daddy! Dyyy!" Sabi nito saka nagtatalon sa hita ko. Yakap ng isa kong braso ang katawan nito para hindi mahulog.

"Very good... Mommy naman!"

"Mooooommmmmyyyyy!"

"Ang bilis naman kapag Mommy..."

"Myyyyy! Mommmyyy!" Bungis-ngis na sabi nito na tinawanan ko lamang.

-

C6 Posted: January 7, 2017

Dedicated to gywnethxzcs - Thank you for adding A Letters To You to your reading list. Happy Reading! God bless.

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!