C20: The Kids

976 39 2

-

C20: The Kids

[Dayne]

Nasa gate pa lang ako rinig ko na ang tili ni Mara. She's already 3 years old. 7 years old naman na ang Kuya Matty nito.

"Daddy! Daddy! Daddy!" Patalon-talon na na sinalubong ako ni Mara na agad ko namang binuhat.

"Where's your Kuya Matty?" Tanong ko dito saka hinalikan ito sa pisngi.

"He's busy playing computer games..." May pagtatampong sagot nito.

Pinuntahan ko muna ang asawa kong nasa kusina na nagluluto.

"Love!" Tawag ko dito saka lumapit at humalik sa ulo niya.

"Tawagin mo na lang si Matty sa kwarto niya, kakain na tayo..." Sabi nito saka kumuha ng mga plato.

"Yes Ma'am!" Sabi ko sa mabilisang hinalikan ito sa labi habang nakayakap sa leeg ko si Mara.

"Let's go to Kuya!" Sabi ko kay Mara saka namin pinuntahan si Matty.

"Kuya!" Tawag ni Mara dito pero nakafocus ito sa paglalaro at may headphones pa.

Ginulo ko ang buhok nito saka lang inalis ang headphones at tumingin sa amin.

"Kakain na Kuya..." Sabi ko dito. "...Tapos mo na ba ang homework mo?"

"Yes Dad."

"Good. Ayokong naglalaro ka na hindi mo pa tapos 'yung dapat tapusin tyaka 'wag masyado tumutok sa kakacomputer anak. Baka masira ang mata mo. Laro na lang kayo ni Mara."

Tumango-tango lang ito saka ko ibinaba si Mara na humawak sa kamay niya.

"Mauna na kayo sa dinning. Magbibihis lang ako." Sabi ko sa mga ito saka pumasok sa kwarto namin mag-asawa.

Pagkabihis ko ay agad na akong tumungo sa dinning area at naupo sa tabi ng asawa kong amoy ulam.

"Lead the prayer Kuya..." Utos ko dito.

"Bless us, O Lord, and these, Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty. Through Christ, our Lord... Amen."

"Amen!" Sabay-sabay naming sambit.

Habang lumalaki si Matty, tumatahimik siyang bata. Nawawala na nga ang kakulitan niya eh.

"Kuya, how's school pala anak?" Tanong ko dito.

"It's fine Dad."

"May mga kaibigan ka naman ba? Wala ka 'atang naikikwento sa amin."

"Friends are annoying kaya ayoko po."

May pagkaloner na pala itong anak namin?

"But having friends are good tyaka may nakakalaro ka kapag may kaibigan ka."

"Mara is enough to be my playmate."

"I love you Kuya!" Biglang sabi ni Mara na ikinangiti naming mag-asawa.

"I love you too Baby." Sabi ni Matty saka humalik sa pisngi ng kapatid niya.

"Sweet naman ng Baby Mara namin. You still love Kuya kahit computer games siya ng computer games?"

"Yes Mommy... Because he still play with me and he's my brother..." Malumanay na sabi nito.

"Pag nag school na po si Baby Mara, siya na ang parati kong kasama hindi ko kailangan ng kaibigan Dad."

Napailing na lamang ako sa perception nito sa pagkakaroon ng kaibigan. It will eventually change kapag tumagal. Sana, dahil mahirap ang walang kaibigan lalo na ang walang masasandalan. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa tabi nila kami na pwede nilang masandalan kaya kailangan pa rin nila ng kaibigan.

"Pero anak, iba pa rin ang may kaibigan. Try mo minsan." Sabi naman ng Mommy nito.

After our dinner, ako na ang naghugas at naghilamos kay Mara. Marunong na kasing mag isa si Matty, ayaw na nitong inaasikaso siya lalo na kung kaya naman niya. Grabe ang pagkaindependent na ng batang ito.

Nag good night kiss sila sa amin saka lumabas ng kwarto namin. Si Matty na kasi ang madalas humatid kay Mara sa kwarto nito. Mahal na mahal talaga nito ang kapatid niya na ikinakasaya naman namin. Mabuting close sila para hindi nag-aaway. Bibihira lang silang mag-away dahil parating nagpaparaya si Matty. Napakaundertanding na din talaga ni Matty.

"Saan ba nagmana ng ugali 'yang anak mo?" Biglang tanong ng asawa ko.

Tumawa ako saka hinalikan ito sa noo.

"Si Kuya? Hindi ko din alam. Hayaan mo, magbabago din 'yan. "

"Sana nga. Magmumukha siyang loner kapag ganyan siya. Buti na lang talaga may kapatid siya."

"Buti na lang may tropa ako dahil only child ako noh?"

"Oo nga."

Yumakap ako dito at siniksik ang ulo ko sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"Meron ako, Love..." Mahinang sabi nito na ikinatawa ko.

"Alam ko, Love..." Sagot ko saka mabilisang hinalikan ang mga labi nito.

"Good night."

"Good night, Love. I love you so much..." Inaantok na sabi ko saka hinigpitan ang yakap dito.

-

C20 Posted: January 22, 2017

Dedicated to MsBitterSweetAuthor, sundaekiss, bts_fungurr__, adaiiching, Taehyungs_Maiden, & ParklinPL - Hi to my new found watty friends! Hahaha. #MedyoFC ✌😉😁😂

Visit their stories guys! Magaganda! Thanks. God bless. ❤💋

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!