C9: Home Sweet Home

1K 46 0

-

C9: Home Sweet Home

[Dayne]

"Welcome Home!" Biglang bati nina Neo at Xien.

Alam kasi nilang ngayon ang dating namin sa bagong bahay kasama sila Nanay, Tatay at Mandy. 'Di ko naman inasahan na may pa-welcome pa sila.

"May pa-welcome pa kayo ah!" Komento ng asawa ko saka tumawa.

"Of course! Para sa tunay na pag-ibig ni Dayne!" Patawa-tawang sabi ni Neo.

Nag order ako ng pagkain para sa lahat saka lang umuwi sina Neo at Xien.

"Pinaasikaso ko na sa secretary ko 'yung pa-blessing ng bahay natin."

Nagulat ako nang irapan ako nito habang inaayos ang mga gamit namin kaya lumapit ako habang si Matty ay palakad-lakad sa loob ng kwarto namin habang naka-stroller.

"Love... May ginawa ba akong mali? Ba't mo ako iniirapan?" Nakasunod na sabi ko dito.

Hinarap ko ito then I put my arms around her waist. Nakasimangot itong tumingala ng bahagya sa akin.

"Bitawan mo nga ako!" Nakasimangot na sabi nito.

"Tell me, anong ginawa ko muna?"

"Alisin mo na 'yung secretary mo... Maghanap ka na lang ng lalaking secretary..." Mahinang sagot nito na ikinatawa ko.

"Hindi nakakatawa ang sinabi ko Dayne!" Sabi nito na kumawala sa pagkakayakap ko sa bewang nito.

" 'Wag mo ngang pagselosan ang secretary ko. Walang-wala 'yon sa'yo!" Patawa-tawang sabi ko habang nakasunod lang dito.

"Bahala ka sa buhay mo!"

"She's old. She's already 47 years old... Love, I'm telling the truth. Kahit kilalanin mo pa. Pupunta 'yon sa house blessing natin."

Lumapit ako nang ma-corner ko ito. Seryoso ko itong tinitigan saka ngumisi.

I stepped more closer and cupped her face. I slowly kiss her soft lips and feel every part of it. D*mn! She suddenly bite my lower lip and it makes me want for more. I missed kissing her.

"Dayne!"

Bigla ko itong pinangko habang gumagapang ang halik ko sa panga at leeg nito.

"Ate? Ate! Ate!"

Napamura ako nang marinig namin ang boses ni Mandy sa labas ng kwarto.

Tinawanan lang ako ng asawa ko saka bumaba sa pagkakabuhat ko at tumungo sa pintuan namin.

"Bakit?"

"Si Matty kasi ayaw tumigil umiyak. Tapos ang init niya."

Bigla akong napalapit sa kanila at hinanap ang anak namin sa living room. Binuhat ko kaagad ito at pinatahan. Sh*t!

"May sinat siya..." Sabi ko. "...Kunin ko lang ang susi ng kotse."  Pinasa ko muna si Matty saka kinuha ang susi sa lalagyan ko sa kwarto.

"Saan tayo pupunta?"

"Hospital Love. I'm worried." Sabi ko saka sila inalalayan papasok sa kotse.

"Hindi naman kailangan. Sinat lang 'to Dayne."

"Kahit na. Anong hindi kailangan? Baka kung ano na 'yan. Mahirap na. Mas mabuting sigurado!" Tarantang sabi ko.

Naramdaman ko ang paghimas nito sa balikat ko.

"Clam down Dayne..."

"Sorry, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaya sobra akong nag-aalala."

"I understand."

Pagdating namin sa hospital ay agad ko itong pinacheck up.

"It's part of growing up Mr. Zamora. Tinutubuan na kasi ng ngipin si Baby." Sabi ng Doctor.

Pagbalik namin ng bahay ay tahimik nang natutulog si Matty.

Sumapit ang gabi na hindi ko maiwan si Matty. Simula nang dumating kami kanina ay nasa tabi na niya ako. Maya't-maya kasi ang iyak nito kapag nagigising kaya pinapatahan ko.

"Kumain ka na muna. Ako na ang magbabantay." Sabi ng asawa ko pero tiningnan ko lang siya. Parang ayokong iwan si Matty. "...Dayne, 'wag ka ng mag-alala. Malalagpasan din 'yang stage ng anak mo. Hindi pwedeng pigilan ang ngipin."

"Sorry..."

"It's ok. Kumain ka na."

Siguro kaya ako ganito mag-alala sa anak namin dahil natatakot akong may mangyaring masama sa kanya na magiging dahilan nanaman ng paghihiwalay naming mag-asawa. Ayoko ng mangyari ulit 'yun.

Pagising-gising pa rin ito nang matulog kami kaya pinatulog ko na lang sa dib-dib ko para mapatahan ko kapag umiiyak. Hinahayaan ko lang ang asawa kong matulog dahil pangbawi ko na rin ito sa mga panahong wala ako sa tabi nila. Alam kong mas nahirapan ang asawa ko no'ng mga panahong baby na baby pa ang anak namin.

-

C9 Posted: January 10, 2017

Dedicated to sheenasalimbot -  Thank you for adding 30 Years Old NBSB and It Started In A Vacation to your reading list. I really appreciate it. Sana mabasa at magustuhan mo. Thanks again. God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!