C18: Jealous Brother

1K 40 0

-

C18: Jealous Brother

[Dayne]

"Ilang araw na yatang tahimik si Matty... Hindi 'ata kumukulit simula nang manganak ako." Sabi ng asawa ko habang hinehele ko ang new born baby girl namin na si Mara.

Napakunot noo naman akong binalingan ng tingin ang asawa ko.

It's been a week since nakapanganak siya at hindi ko naman pinagtatakahan si Matty dahil sinabihan ko itong maging mabait na kuya sa kapatid.

"Kakausapin ko mamaya. Don't worry." Sabi ko na lamang dito.

Nang makatulog na si Mara ay saka ko ito itinabi sa Mommy.

Lumabas ako ng kwarto saka hinanap si Matty.

"Tita Mandy, love niyo po ba si Baby Mara?" Rinig kong tanong ni Matty.

Hindi muna ako lumapit. Pinakinggan ko muna sila sa living area.

"Oo naman!"

"Love niyo din po ba ako?" Malumanay na tanong ni Matty.

"Syempre. Ikaw kaya una kong inalagaan noon."

"Love din po ba nina Mommy at Daddy si Baby Mara?"

"Opo."

"Eh ako?"

"Syempre love ka din Matty."

"Eh bakit po parati na lang si Baby Mara ang kasama nila?" May pagtatampo sa boses ni Matty.

"Eh kasi po, Baby pa si Mara. Hindi katulad mo na Kuya na, ibig sabihin malaki ka na. 'Diba big boy ka na?" Malumanay na may paglalambing na sagot ni Mandy dito.

"Opo!"

"Love mo naman si Mara 'diba?"

"Opo."

" 'Wag ka ng malungkot Matty. Nandito pa naman si Tita kapag wala kang kasama."

Bigla naman akong nakonsensya. Nagseselos 'ata ang panganay namin.

"Matty!" Bigla kong sabi nang makalapit dito.

Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Binuhat ko naman ito at hinalik-halikan sa pisngi.

"Sleep na po ulit si Baby Mara? Bakit po parati siyang natutulog?" Inosenteng tanong nito.

"Kapag kasi Baby pa, parati talagang natutulog."

Buhat-buhat ko itong dinala sa kwarto namin ng asawa ko.

"Gusto mong makita ang Baby sister mo?"

"Opo!"

" 'Wag tayong maingay ah? Para hindi magising si Baby Mara."

"Opo."

Pagpasok namin ay agad na ngumiti sa amin ang asawa ko. Tumabi kami sa kanang bahagi niya samantalang si Mara ay nasa kaliwa niya. Humalik ito kay Matty saka ngumiti sa akin.

"Mommy, did I came from your tummy too?" Inosenteng tanong ni Matty.

"Yes Kuya." Sagot agad ng asawa ko.

"Did Daddy took care of me too?"

Bigla akong napasimangot.

"Of course, pero mag iisang taon ka na no'n eh. Dahil may problem kami. Hindi mo pa ngayon maiintindihan Kuya, but soon you'll understand."

Biglang yumakap si Matty sa Mommy niya na nagpangiti sa akin. Yumakap din ako sa kanila. Nasa likuran kasi ako ni Matty.

"I love you Mommy..." Mahinang sabi ni Matty dito.

"I love you Kuya..."

"Love din ba ako ni Baby Mara?"

"Yes Kuya, kaya you should take care of her too. Ok?"

Tumango naman si Matty.

"Oh, saan ka na pupunta Matty?" Tanong ko.

"Kay Tita Mandy!"

"Ok." Nakangiting sagot ko.

"So, anong nangyari?" Mahinang tanong ng asawa ko.

Hinalikan ko ito sa sintido saka ngumiti.

"Nagseselos kay Mara. Narinig kong nagtatanong kay Mandy kung love ba daw natin siya kasi parating si Mara ang kasama natin na siguro ang ibig sabihin ay 'yung atensyon natin ang nakay Mara..."

"May pinagmanahan 'yang anak mo!"

"Sayo?" Nangingiting tanong ko.

"Sayo!"

Mahina akong napatawa saka yinakap ito sa tagiliran.

"Mag-ama nga kayo!" Sabi pa nito saka mahina ring tumawa.

"Mabuti nga 'yun eh, at least alam kong may namana nga sa akin."

"Marami kayang namana 'yan sa'yo."

"Kaya hindi mo maitanggi no'ng tinatago mo sa akin eh. Iba talaga ang pagmamahal mo sa akin noh? I love you so much..." Paglalambing ko dito.

"Ano namang konek ng pagmamahal ko sa'yo sa namana ni Matty sa'yo?"

"Sabi kasi ng iba kapag daw kamukhang-kamukha no'ng ama ang anak nila ay mahal na mahal daw ng ina ng bata..."

"Nagpapaniwala ka naman. So, hindi mo ako mahal na mahal dahil hindi ko masyado kamukha ang anak natin gano'n?"

"Kamukha mo naman si Mara eh kaya pareho na tayo. Syempre, kamukha ko si Matty dahil lalaki." Dahilan ko.

"Dami mo namang alam."

"Hindi naman. Ang alam ko lang naman ay ang minahal kita, mahal kita at mamahalin pa kita..." Sabi ko saka hinalikan ang pisngi nito.

"Baka langgamin tayo ah! Ba't ang corny mo?" Natatawang sabi nito.

"Ganun talaga, Love."

"Masaya ka ba?" Biglang pag-iiba ng topic nito.

"Napakasaya dahil kasama ko kayo. Bakit mo ba parating natatanong 'yan?"

"Syempre, gusto kong malaman na masaya ka."

"Bakit? Hindi mo ba maramdaman?"

"Nararamdaman naman."

"Nag o-over thinking ka nanaman noh?" Panghuhula ko.

"Medyo."

"Avoid it."

"I'll try. Alam mo naman..." Mahinang sabi nito saka humalik sa labi ko at ngumiti.

Hahalikan ko sana ulit nang bigla namang umiyak si Mara at dahil gusto kong maexperience ang naexperience niya no'ng bago pa lang ipinanganak si Matty ay ako na ang nagpatahan.

"Bakit mukhang tuwang-tuwa ka pa kapag umiiyak?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Nabubuhat ko kasi..."

"Kahit napupuyat ka sa gabi-gabing kakaiyak ni Mara?"

"Ok lang. Hindi ko naman ito nagawa noon kay Matty eh..."

"Sorry..."

"You don't have to say sorry, Love. I understand." Nakangiting sabi ko dito.

-

C18 Posted: January 19, 2017

Dedicated to supremo-dp, BlackAceDrei, LezzelGetalado, abigaelmaria, lellesoriano, & maracce - Thank you for adding Substitute Personal Maid to your reading list guys. Sana mabasa at magustuhan niyo. Feel free to share your thoughts, opinions, & suggestions. Thanks again. God bless. I really appreciate it. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!