C11: Acceptance

1K 42 0

-

C11: Acceptance

[Madeline]

Hawak-hawak ni Dayne ang kamay ko habang buhat-buhat niya si Matty.

"Ano ba Dayne?! 'Wag ka ngang kabahan diyan! Dinaig mo pa 'ata ako!"

"Sorry... Ngayon ko na lang kasi talaga haharapin ulit sina Dad."

"Everything will be alright." Nakangiting sabi ko dito.

Dinampian naman nito ng halik ang kamay kong hawak niya saka ngumiti at hinalikan din ang ulo ni Matty na nag-sasalita ng kung ano-ano. Alien language nanaman.

We will be meeting his parents kasi ngayon sa bahay nila dahil napagdesisyunan ko ng ipakilala ang apo nila, after all they're still Matty's grandparents. Mas magandang malaman ko na ng maaga pa kung hindi nila tanggap ang anak namin habang bata pa si Matty nang mapaliwanagan ko siya paglaki nito.

Sumalubong sa amin ang parents niya na may gulat sa mukha lalo na nang mapatingin ito kay Matty na nakangiti sa kanila habang pumapalakpak.

"Good afternoon po." Bati ko saka binalingan ng tingin si Dayne. "...Akin na muna si Matty." Bulong ko dito saka kinuha si Matty sa kanya.

"Pasok kayo. Maupo muna kayo." Sabi ng Daddy nito.

Si Matty ay kalong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Katabi ko si Dayne.

"Kumusta?" Panimula ng ama nito.

"Ayos naman po kami, Dad. Where just here to introduce my son to their grandparents. Si Matty po." Pakilala nito sa anak namin.

"Kamukhang-kamukha mo siya noong bata ka pa..." Komento ng ina nito.

And our conversation goes on. Humingi sila ng tawad lalo na ang ina ni Dayne sa amin lalo na sa akin at sa tingin ko naman ay sincere. Hinayaan ko silang buhatin si Matty.

"Salamat sa pagpunta niyo. Hayaan niyo't kami naman ang dadalaw sa bahay niyo minsan." His father said as her mother smiled.

"Sige po. We'll go ahead." Dayne answered.

Humalik naman si Matty sa kanila saka nag wave-wave ng kamay.

Masaya ang puso kong nakauwi ng bahay. Syempre, thankful akong ngayon ramdam kong tanggap na kami ng parents ni Dayne. Masaya na nga sana ako kahit si Matty lang ang tanggapin nila pero pati ako tinanggap na rin nila. Thank you Lord.

Kinagabihan ay si Dayne na ang nagpakain kay Matty. Bumabawi daw kasi siya sa mga panahong wala siya sa tabi namin.

"Ang kaunti ng kinain mo Love..."

"Wala lang talaga akong gana." Sagot ko saka pumasok sa banyo.

"What's wrong? May problema ka ba?" Kunot noong tanong ni Dayne nang makalabas ako sa banyo.

"Si Matty?"

"Tulog na. Masama ba pakiramdam mo Love?"

"Good night..." Pilit akong ngumiti saka siya hinalikan sa pisngi at tumungo na sa kama.

Yinakap niya ako mula sa likod nang makahiga ito kaya bigla akong napaupo para hanapin si Matty. Inilipat pala niya ito sa crib. Sanay akong sa gitna namin siya natutulog.

"Sorry... Linipat ko. Gusto lang naman kitang makatabi. Tyaka iniiwasan mo ang mga tanong ko Love. I'm worried." Sabi nito saka bumangon.

Huminga ako ng malalim saka siya tinitigan. Yinakap ko siya at pumikit ako para maramdaman ko ang saya ng puso kong kasama ko sila ng anak namin. I'm just over thinking.

"Natatakot ako Dayne... Natatakot akong makakita ka ng higit pa sa akin at kahit pa hindi higit sa akin, natatakot ako." Naiiyak na pag-amin ko dito.

Humigpit ang yakap nito sa akin.

"Love... Hindi ko sasayangin ang isang katulad mo. Pinagdasal at pinangarap kita kaya paano naman kita sasayangin? Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na hindi matapos ang pagmamahal ko sa'yo." Sabi nito nang nakatingin sa mga mata ko.

He kissed my forehead, my eyes, the tip of my nose, my cheeks then he slowly smiled before leaning down to kiss me softly on the lips.

I was about to kiss him back when he stopped and smiled widely.

"Alam mo bang natakot din ako?"

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi mo kasi sinasagot mga tanong ko kanina. Akala ko kinausap ka nanaman ni Mom at may sinabi nanamang mali na hindi ko alam. Kung natatakot ka, mas natatakot akong mawala ka ulit sa akin lalo na't may Matty na tayo... Natrauma na 'ata ako no'ng umalis ka kaya ako ganito." Paliwanag nito.

Then he leaned down and kiss me gently again.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magprepare ng breakfast. Hinanda ko na din ang damit niya para sa trabaho.

"Good morning, Mommy!" Bati ni Dayne habang buhat-buhat si Matty na mukhang inaantok pa.

"Ginising mo ba 'yang anak mo?!" Pagalit ko dito.

"Hindi! Nakaupo na siya sa crib nang kunin ko. Nagpapaawa pa nga 'yung mukha niyang nakatingin sa akin habang nagbibihis eh kaya binuhat ko na."

"Ok. Kain na." Sagot ko saka kinuha sa kanya si Matty.

Pagkatapos kumain ay hinatid namin ni Matty ang Daddy niya sa may pintuan.

"Alis na si Daddy." Sabi nito kay Matty saka humalik ng ilang beses sa pisngi nito.

"Ingat ka." Sabi ko naman saka ako nito mabilisang hinalikan sa labi.

"Yes Ma'am!" Nakangiting sabi nito saka humalik naman sa noo ko.

Binalingan ko ng tingin si Matty na parang iiyak na kaya hinaplos ko ang pisngi nito ng paulit-ulit.

"Dadada... Dyyyyyyy! Daddy!" At tuluyan na ngang umiyak ang bata nang makaalis ang sasakyan ni Dayne.

"Babalik agad si Daddy..." Pagpapatahan ko dito na tumingin lang sa akin na puno ng luha ang mga mata.

Nagpapaawa ang Baby.

-

C11 Posted: January 12, 2017

Dedicated to MichelleServidad4, KaiSehun88EXO, KleaViscarra, jryzelle28, TrishaNemenzo6, dandeleon12, XineLopez3, Yokorui, Eyangsssss, & NessaPuso - Thank you for adding It Started In A Vacation to your reading list guys. Sana mabasa at magustuhan niyo. Votes & Comments are highly appreciated! God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!