C14: Something Surprising

981 35 0

-

C14: Something Surprising

[Dayne]

"Why are you crying Baby?" Bungad na tanong ko kay Matty na umiiyak na yumakap sa akin pag-dating ko.

Nakita ko sa living area ang asawa kong nag pupulot ng mga laruan ni Matty.

"Anong nangyari?" Tanong ko dito habang buhat-buhat si Matty na humihikbi pa.

"Nakikita mo na, magtatanong ka pa! Hindi napagsasabihan 'yang anak mo! Sinasanay mo kasing ikaw ang nagliligpit sa pinaglaruan niya!" Inis na sabi nito saka binitbit ang lalagyan na pinaglagyan niya ng mga nagkalat na laruan.

Matty is already 4 years old at mas kumulit pa lalo. Hindi mapirmi sa iisang lugar sa paglalaro kaya madalas na kumakalat ang mga laruan nito na ako din naman ang madalas na nagliligpit.

Napailing na lamang ako saka mahinahong kinausap si Matty.

"Anong sabi ni Daddy? 'Diba, kapag wala ako at kayo lang ni Mommy hindi ka magpapasaway? At hindi mo ikakalat ang toys mo?"

Nakasimangot na tumango ito saka ko hinalikan sa noo.

"Now, you have to say sorry to Mommy ok? Puntahan na natin siya."

Pinunasan ko ang pisngi nito na may mga luha saka ko dinala kay Mommy niya.

Nakasalubong namin ito. Ngumiti ako at hinalikan ito sa pisngi.

"Sorry Mommy..." Naiiyak na sabi ni Matty.

"It's ok Baby. 'Wag mo ng uulitin." Sabi nito saka tiningnan ako ng seryoso.

"What?" Tanong ko.

Inirapan ako nito na ikinikunot ng noo ko. Kapag kasalanan talaga ni Matty, nadadamay ako parati.

Ibinaba ko si Matty saka nag-bihis bago ko tinungo ang asawa kong nasa kusina.

Naupo ako sa tabi ni Matty. May hawak na itong spoon and fork. Inabutan naman ako ng plato ng asawa kong nakasimangot sa akin. Ano kayang problema?

"Love, may kasalanan din ba ako? Sorry na." Nagpapaawang sabi ko dito.

"Kumain ka na." Hindi nakatinging sabi nito.

"Hindi ako makakakain. Tingnan mo muna ako!"

"Kumain ka na." Sabi nito nang nakatingin na sa akin.

Ngumiti ako.

Pagkatapos kumain ay hinilamusan ko na si Matty at binihisan ng pantulog.

"Good night Mommy, Good night Daddy..." Sabi ni Matty saka humalik sa pisngi ng Mommy niya at hinatid ko sa kwarto nito.

Hinalikan ako nito sa pisngi bago ako tumungo sa kwarto namin ng asawa ko.

Pagpasok ko ay naabutan ko itong nakaupo sa kama nakatapat sa laptop.

"Love... So, ano na? May problema ba? Galit ka ba sa akin?" Sabi ko nang makatabi ako dito.

"Wala. Gusto ko lang sanang sanayin mo 'yang anak mo na mag ingat sa pagkakalat ng toys niya. Ok lang matapakan ko 'wag lang akong madulas, mawawalan siya ng kapatid... " Sunod-sunod na sabi nito na ang tanging naintindihan ko lang ay ang salitang kapatid.

Sh*t!

Napatulala ako sa kanya. Pinatay nito ang laptop saka itinabi sa bedside table namin at humarap sa akin na may maliit na ngiti sa labi.

"Oh anong reaction 'yan, Dayne?!" Kunot noong sabi nito na nagpatawa sa akin saka siya yinakap.

"I love you so much..." Bulong ko. "...Don't worry, paaalalahanan ko na si Matty araw-araw." Dugtong ko pa saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya at nakangiting tinitigan siya.

"Masaya ka ba?" Kagat labing tanong nito.

"Hindi pa ba obvious?"

"Obvious..." Nakangiting sabi nito saka ako paulit-ulit na hinalikan sa pisngi habang nakayakap ang mga braso sa leeg ko.

"Sana babae para may Baby girl na tayo..." Nakangiting sabi ko.

"Kaya i-train mo na ang Kuya maging Big brother." Natatawang sabi nito.

"Yes Ma'am!"

"Good!"

Yakap ko siya nang makatulog ito kakakwento ko ng mga nangyari sa trabaho. Ganito kasi kami bago matulog simula nang mailipat namin si Matty sa kabilang kwarto dahil malaki na din naman na ito.

Nagising naman ako sa pakiramdam na may nagsusumiksik sa leeg ko. Napadilat ako ng mga mata saka ito binalingan ng tingin. Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagtigil nito. Mukhang komportable na siya. Malikot talagang matulog ang asawa ko lalo na kapag hindi siya makahanap ng pwestong komportable sa paghiga o pagtulog.

Nakapatong ang kanang kamay nito sa dib-dib ko habang nakasiksik sa leeg ko ang mukha nito.

-

C14 Posted: January 18, 2017

Dedicated to ziongive, tamaiko, & PalomaJeon - Thank you for adding It Started In A Vacation to your reading list guys. Sana mabasa at magustuhan niyo. Happy Reading! God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!