C16: The Visitor

956 41 1

-

C16: The Visitor

[Dayne]

At talagang dumalaw ang loko este Rocco. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit selos na selos ako sa loko na ito! Este Rocco!

"Hi Baby Matty! Naalala mo pa ba ako?" Sabi nito sa anak kong naglalaro ng airplane niya.

Nasa tabi lang ako nakaupo at nagkakape.

"I'm not a Baby anymore! I'm already a Kuya!" Nakasimangot na sagot ni Matty na ikinangisi ko.

"Wow. Kuya ka na pala!"

"Matty, that's your Ninong Rocco. Inaalagaan ka niya noong Baby ka pa." Sabi naman ng asawa ko dito.

"Ok." Tipid na sagot ng anak ko. Kasing suplado ko pala anak namin.

Napainom naman ng kape si loko. Este Rocco.

"Nakakuha ka na ng trabaho?" Tanong ng asawa ko dito.

"Oo. Tinulungan ako ng kakilala ni Papa." Nakangiting sagot nito.

"Tumataba ka yata Rocco!" Sabi ng asawa ko na may pakurot pa sa pisngi ni loko.

Kung hindi ko lang talaga alam na mahal ako ng asawa ko, bubugbugin ko na itong loko!

"Aray naman!" Reklamo nito saka hinimas ang kinurot na pisngi nito. "..Ngayon mo lang ako kinurot sa pisngi sa tinagal-tagal nating magkaibigan!" Dugtong pa nito.

Tss.

"Sh*t!" Biglang kong nasabi nang mapaso ang dila ko ng kape.

Napatingin naman ang mga ito sa akin pati si Matty.

"Bad Daddy!" Sabi nito saka bumalik sa paglalaro.

May pagtatanong na nakatingin sa akin ang asawa ko.

"Napaso ako. Sorry." Sabi ko dito saka tumayo para kumuha ng malamig na tubig.

Pagbalik ko enjoy na enjoy naman ang loko sa pakikipagtawanan at biruan sa asawa ko.

Maya-maya hinakot na ni Matty ang mga nagkalat niyang laruan kaya tinulungan ko na.

"Very good Kuya Matty!" Sabi ko dito saka hinalikan sa ulo.

"Daddy, are you mad at Ninong?" Inosenteng tanong nito.

"Why?"

"You keep on glaring at him kapag nakatingin siya kay Mommy..." Malumanay na sagot nito.

Natawa ako saka hinalikan ito ng paulit-ulit sa pisngi.

"Sagutin mo muna, mas pogi si Daddy kaysa kay Ninong 'diba?"

"Yes, because I'm handsome like you Daddy!"

"Good. I love you."

"I love you!" Sabi din naman nito saka yumakap sa leeg ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay sa wakas umuwi na ang loko! My wife's attention is all mine!

Nakapunta na kami sa OB-gyne niya, she's 4 weeks pregnant kaya sinimulan ko ng i-train ang Kuya Matty na maging responsible Kuya.

Nagtitimpla ako ng orange juice sa kusina for Matty nang maramdaman ko ang pagyakap ng asawa ko mula sa aking likuran. Siya lang naman ang yayakap sa akin, malamang.

"Love..."

Aba tinawag akong Love. Naglalambing na dahil mahina ang boses. Dalawa lang naman ang dahilan ng pagtawag niya sa akin ng itinatawag ko sa kanya eh. It's either naglalambing o nang-aasar.

"Yes Love?" Tanong ko dito nang makaharap ako sa kanya.

Bahagya itong tumingala then bite her lower lip. Sh*t!

"Gusto kong guyabano juice..." Mahinang sagot nito.

"Guyabano juice?"

"Gusto ko 'yung fresh. Gawaan mo ako." She requested.

"Sige." Sabi ko saka dinampian ng halik ang noo nito.

Ibinigay ko muna ang orange juice ni Matty saka umalis para maghanap ng guyabano. Habang naghahanap ako ay nagsesearch na rin ako sa internet kung paano gumawa ng guyabano juice.

-

C16 Posted: January 19, 2017

Dedicated to ZoeMiraclescott - Thank you for the votes in Substitute Personal Maid. I really appreciate it. Sana nabasa mo din ung private chapter na chapter 26. Sana nagustuhan mo. Salamat talaga. Feel free to read my other stories. God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!