C4: Revelation

1.3K 51 1

-

C4: Revelation

[Dayne]

Nakasunod ako kay Madeline ngayon.

"Hanggang kailan 'yung mamaya na tayo mag-uusap?" Tanong ko nang ma-corner ko ito sa kusina.

Isang linggo na mula no'ng sinabi niyang mamaya na kami mag-uusap at hanggang ngayon parati niyang sagot mamaya na.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Walang ganang tanong nito.

" 'Yung anak ko." Seryosong sagot ko.

"Sinong anak mo?"

"Si Matty."

"Anak k-ko 'yon."

"So, sinong ama?"

"Wala ka na doon. Mind your own business Dayne!" Halatang naiinis na ito.

Aalis nanaman ito at heto nanaman ako pipigilan siya.

"Yes, I'm minding my own business and you are my business!" Madiing sabi ko.

Sa isang linggong nagdaan ay hindi niya na muling pinahawak sa akin ang bata. Masyado siyang obvious!

"Bitawan mo nga ako!"

"Bibitawan kita pero 'wag kang aalis! Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mo akong iwasan."

Bigla namang umiyak si Matty sa kinalalagyan nitong crib kaya napalapit kami. Binigyan niya ito ng gatas pero itinapon nito ang bottle feeding niya kaya natapon ang laman.

Nagulat ako nang bigla niyang pinalo ang palad nito.

"Ba't mo pinalo?!" Pagtataka ko na medyo nainis.

"Para hindi na ulitin!" Sagot naman agad nito na para bang kasalanan ko kung bakit tinapon ng bata ang bottle feeding nito.

Binuhat niya ito pero mas lalo lang itong umiyak.

"Hindi mo dapat pinapalo 'yung bata. Bata pa 'yan. Wala pa 'yang alam." Komento ko sa ginawa niya.

"At anong alam mo sa mga bata, Dayne?!" Sabi nito saka ako tinalikuran.

Nakasunod ako sa kanya papunta sa kwarto nila na expected ko ng sasarahan ako kaya pinaghandaan ko na talagang pumasok agad.

"Ano? Palalabasin mo ako? Eh mag uusap pa nga tayo 'diba?"

Pinapatahan nito ang bata pero ayaw kaya kinuha ko na lang bigla.

"Ano ba?! Akin na 'yung anak ko!" Inis na sabi nito sa akin.

"Ayaw nga tumahan sa'yo 'diba? 'Wag mong ipagkait sa akin ang anak ko!" Seryosong sabi ko na may diin sa dulo.

"Anong anak mo?! Anak ko lang 'yan!" Tarantang sagot nito.

"Tama na nga Madeline! Marunong akong magbilang! Anak ko 'to! Ipa-DNA test pa natin!" Panghahamon ko.

She frustratedly closed her eyes saka umupo sa kama at tumingin ng seryoso sa akin.

"Kailan mo pa alam?" Mahinang tanong nito.

"Since day one na nandito ako." Normal ng sagot ko.

"Ano?! Tapos tanong ka pa ng tanong?!" Inis na sabi nito.

"Sinasakyan ko lang ang trip mo." Sabi ko saka binalingan ng tingin ang tahimik na bata na nag ta-thumb sucking habang patingin-tingin sa amin ng Mommy niyang hindi magaling magsinungaling.

"G*g*!" Mahinang sabi pa nito.

"Marinig ka ng anak natin!" Saway ko saka ngumisi dito na para bang naisahan ko ito.

Natatawa kasi ako sa mukha niya. Kitang-kita ang inis sa akin.

"Akin na. Tumahimik na diba?" Sabi nito saka tumayo at lumapit pero yumakap sa leeg ko si Matty kaya napatawa ako.

"Paano ba 'yan? Ayaw na sa Mommy niya? Namimiss kasi ang Daddy. 'Diba Baby?" Malumanay at malambing kong tanong.

Inirapan ako nito saka lumabas ng kwarto na sinundan ko naman habang mahigpit ang pagkakayakap sa leeg ko ni Matty.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi dahil naisahan ko ang asawa ko kundi dahil alam kong may pag-asa na akong muli.

"Oh!" Gulat na sambit ni Mandy na nginitian ko lang.

"So, kailan na birthday ng anak ko?" Tanong ko dito.

"A-alam mo na Kuya?" Gulat na tanong ni Mandy.

"Matagal ko ng alam." Natatawang sabi ko.

"Edi itanong mo na lang din kay Ate." May pang-aasar na sagot nito.

Sumunod naman ako sa asawa ko.

"Kailan ang birthday ni Matty?" Nakangiting tanong ko sa asawa kong nakasimangot lagi sa akin.

"Akala ko ba marunong kang magbilang? Edi bilangin mo!" Inis na sagot nito.

"Ok. First birthday niya 'yon kaya kailangan paghandaan."

"May plano na ako."

"Ano?"

"Secret."

"Sige. Magpaplano din ako." Nakangising sabi ko.

"Nakakainis ka!"

"Ikaw lang naman naiinis sa akin. Wala ka ba talagang balak na ipaalam sa akin na may anak tayo? Pilit mong tinatago eh."

"Wala naman talaga! Ayokong maranasan ng anak ko ang hindi pagtanggap ng mga magulang mo sa kanya." Dahilan nito.

"Eh 'yung pagtanggap ko sa kanya doesn't even matter to you? Anak ko din naman siya. Mahal pa rin kita kaya ako bumalik dito." Dahilan ko naman.

"Sabi mo dala mo 'yung annulment?"

"Dala ko, but don't tell me pipirmahan mo nga kahit may anak tayo? Ano na lang ang iisipin ng anak natin sa atin kapag naghiwalay na tayo? May iba ka na bang mahal? Kukunin ko ang anak ko kapag sumama ka sa iba." Seryosong sabi ko.

"Blackmail na 'yan ah!" Inis na sabi nito.

"So, you better don't have anyone. Hindi ako magdadalawang isip na kunin ang anak ko dahil may karapatan din naman ako dito! Magkamatayan na pero walang ibang magiging ama ang anak ko kundi ako lang!" Pagtatapos ko sa usapan.

-

C4 Posted: January 7, 2017

Dedicated to IvyJaneBarquin & MayRegaspi - Thank you for adding Substitute Personal Maid to your reading list. Sana mabasa at magustuhan niyo. Enjoy reading! God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!