C7: Father and Son

1.1K 44 0

-

C7: Father and Son

[Dayne]

"Ayaw mo pa talagang bumalik tayo ng Manila?" Tanong ko dito habang pinupulbuhan ang anak namin. Kakapaligo ko lang kasi kay Matty.

"Hindi pa ako handang harapin ang parents mo." Mahinang sagot nito.

"Hindi naman sila ang babalikan natin doon, Love." Dahilan ko.

"Pero kahit pagbalik-baliktarin natin ang mundo. Magulang mo pa rin sila kaya magkakaroon at magkakaroon kayo ng kaugnayan. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob na harapin sila ng may paninindigan na ulit sa pagmamahal ko sa'yo lalo na't may anak na tayo. Sa ayaw at sa gusto ko, makikilala at makikilala ng anak natin ang grandparents niya. Ikaw nga nakilala niya kahit ayaw ko noon eh." Dahilan naman nito.

"Because God made a way for us." Mahinahong sabi ko saka napabuntong hininga na lamang.

Isang dahilan sa napakaraming dahilan kaya ko siya minahal, because she always thinks about what others would feel before herself na minsan ay naabuso ang kabaitan niya.

She's too good to my parents kaya siguro hindi niya sinasabi sa akin noon na hindi maganda ang trato sa kanya ng magulang ko, hindi pa sasabihin kung hindi ko malalaman.

"Kukunin ko lang 'yung mga sinampay." Biglang sabi nito.

"Sige. Tutulungan kitang tupiin dito." Sabi ko na lamang.

Limang buwan na rin akong nandito. Buti nga't kunsintidor ang mga kaibigan ko't sila ang nag-aasikaso ng naiwan kong trabaho hanggang ngayon. Nag uupdate lang sila every week sa akin through phone calls.

"Dadadadaddyyyyyyy..."

"I love you!" Sabi ko dito saka nanggigigil na hinalikan ang leeg. "...I love you! I love you! I love you! Sabihin mo nga Matty! I love you." Sabi ko pa nang nakangiti dito.

"Ayabyuuu! Yabyuuu!" Hagikgik na sabi nito.

"Very good!"

Tumawa lang ito saka kinuha ang feeding bottle niyang may tira pa niyang gatas bago maligo kanina.

Pataas-taas pa ang mga paa nito habang umiinom siya na nginingitian ko lang. Bigla nitong binitawan ang iniinom niya kaya kinuha ko agad para takpan. Gumapang ito palapit sa akin at tumayo habang nakahawak sa braso ko.

"Dyyy!"

Habang nakikipaghilahan naman ang anak namin ng tinutupi namin ay patuloy lang kaming nagtutupi ng asawa ko.

Nag i-alien nanaman ng salita si Matty. Nakakatawa dahil parang nakikipagkwentuhan siya sa amin na iba ang lenggwahe.

"Ano bang gusto mong iparating anak?" Natatawang tanong ng Mommy niya.

Sinagot siya nito sa pamamagitan ng paghila sa tinutupi niya.

"Ang kulit mo ah!" Patawa-tawang sabi pa nito saka binuhat si Matty at pinupog ng halik sa tyan at leeg. Hagihik naman ito ng hagikhik.

"Kabagin 'yan kakatawa, Love." Sabi ko kaya ito tumigil.

"Nanggigigil ako! Ang laki na niya!" Natatawa pang sabi nito saka binalik sa kama.

Kinagabihan ay tumulong akong maghanda for dinner habang palakad-lakad si Matty. Nasa stroller niya ito na regalo ni Xien.

"Da... Dadadada... Dyyyyy!" Pagtingin ko nakasunod ito sa akin habang kinakaway ang laruan niyang tumutunog.

"Yes Baby? Gusto mo rin tumulong?"

Tinaas nito ang kanyang mga kamay kaya naghugas muna ako ng kamay saka binuhat ito.

"Naku! Nagpakarga nanaman!" Sabi ng Mommy niya saka pinisil ang pisngi nito.

Pagkatapos kumain ay hinilamusan ko na si Matty at binihisan ng pantulog niya.

Nakatulog itong nakadapa sa dib-dib ko.

"Tulog na tulog na ang Baby ah!" Sabi ng asawa ko nang makalabas sa bathroom.

Dumukwang ito para mahalikan ang ulo ni Matty saka ako ngumuso.

" 'Wag ka na!" Mahinang sabi nito habang kinukuha ang kumot sa paanan namin.

Inayos nito ang kumot pabalot sa amin saka humiga sa braso ko.

"Good night, kiss ko Love..." Bulong ko.

"Dahil good Daddy ka. Sige na nga!"

Humalik naman ito kaagad sa labi ko saka ngumiti.

Bitin!

"Good night!" Sabi nito saka nakangiting pumikit.

-

C7 Posted: January 10, 2017

Dedicated to Mjmaligat, 120719rubz, & ekamandilu - Thank you for adding Substitute Personal Maid to your reading lists guys. Sana mabasa at magustuhan niyo. God bless. 💋

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!