C15: Rocco

1K 40 2

-

C15: Rocco

[Dayne]

Since ayaw naman ng asawa kong kumuha kami ng katulong para sana kahit makasama lang niya kapag wala ako sa bahay, si Mandy na lang ang pinapunta namin, dito na lang din ito sa Manila mag-ka-college.

It's Sunday kaya pagkatapos mag-simba ay naglaro lang kami ng kung ano-ano ni Matty.

Buhat-buhat ko si Matty nang tumungo kami sa living area kung saan nanonood ang asawa ko ng movie kasama si Mandy habang kumakain ng fries. Korean movie na ang title ay 100 days with Mr. Arrogant.

"Tawa kayo ng tawa diyan!" Puna ko dito nang makaupo kami sa tabi ng asawa ko.

"Nakakatawa kasi 'to! Naalala ko tuloy no'ng highschool kami ni Rocco!" Sabi nito na nagpasimangot sa akin. "...Ang kulit! Nakakamiss tuloy si Rocco!" Patawa-tawang dugtong pa nito na hindi maalis sa pinanonood ang mga mata.

Napatingin ako kay Mandy na tahimik na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Madeline.

Napatingin nal ang ako kay Matty na kumakain ng fries na galing sa lalagyan na hawak ng Mommy niya. Kumuha na pala ang bata.

Hinayaan ko na lang hanggang matapos ang pinanonood nila.

"Mandy!" Biglang baling nito sa kapatid.

"Huh?"

"May number ka ni Rocco?"

Nagulat ako.

"Love, aanhin mo naman ang number ng kababata niyo?" Kunot noong tanong ko.

"Tatawagan ko lang. Ang alam ko dito 'yon sa Manila lilipat ng trabaho eh." Masayang sagot nito.

"Pero Ate..."

"Bakit? Wala ka ba? Hindi ko nahingi number niyang bago no'ng umalis kami eh."

"Ako na lang tatawag, kausapin mo." Sabi na lamang ni Mandy.

"Ok. Para 'di na ako magpaload. May load ka naman."

Tahimik lang akong pinakikinggan sila. Pinapakalma ko ang sarili ko eh! Iniisip kong buntis ang asawa ko kaya kailangan ko ng mahabang pasensya.

"I-loud speaker mo na lang Mandy. Para makausap mo din." Nakangiting sabi nito sa kapatid.

Buti naman para marinig ko usapan.

"Himala! Akay gunahoy ka?"
(Himala!  Ba't tumawag ka?)

"Hi Rocco!" Bati ng asawa ko.

"Madeline?"

"Aram na aram pag si Ate an kaistorya ha!" Sabi ni Mandy na may pang-aasar.
(Alam na alam kapag si Ate ang kausap ah!)

"San-o ka mapamanila? Kumadi ka sa balay namo!"
(Kailan ka magpapamanila? Punta ka sa bahay namin!)

"Next week pa!"

"Sige. Tumawag ka lang kay Mandy pag nandito ka na huh?" Sabi ng asawa ko.

Napapamura na lang ako sa inis. Nag seselos ako malamang!

Hindi ko ito pinansin para naman maramdaman niyang nagseselos ako, pero walang epekto! Kwento pa siya ng kwento sa kapatid niya ng tungkol sa lalaking 'yon!

Maghapon 'atang bukang bibig niya ang lalaking 'yon at hindi man lang napapansing nandito ako. Si Matty nga lang ang napapansin niya!

Kinagabihan ay nakatalikod akong tumabi dito. Naramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Sh*t! Sa ganitong gestures pa lang niya ay napapaamo na ako. Humarap ako at yinakap din ito pero nagulat ako nang marinig ko ang paghikbi nito at nang maramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko sa parteng dib-dib ko.

"Love... Are you crying?" Malambing na tanong ko habang hinahaplos ang buhok at likod nito.

"Hindi mo ako pinapansin eh..." Nakatingalang sabi nito.

"Anong ako, ikaw ang hindi namamansin, Love. Rocco ka ng Rocco, alam mo namang selos na selos ako doon eh..." Mahinang sabi ko.

Pinunasan ko ang mga luha nito saka dinampian ng halik ang noo nito.

"Nakakamiss lang naman si Rocco eh. Ikaw pa rin ang love ko..." Dahilan nito na nagpatunaw sa inis ko maghapon.

" 'Wag ka ng umiyak. Imimeet natin 'yung dati mong OB-gyne bukas. Tinawagan ko kasi kahapon at bukas ang schedule natin sa kanya."

"Ok..."

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya at inilapat ang mga labi ko dito.

Dahan-dahan ko itong hinalikan sa labi na agad naman nitong tinugunan.

I was about to stop when she went on top of me. Nagising tuloy ang inaantok kong diwa. Sh*t!

"Love naman..." I said breathing heavily.

She just giggled saka muling nag-lapat ang aming mga labi that went to love making.

-

C15 Posted: January 19, 2017

Dedicated to carlacadayday - Thank you for the votes and comments in Hi Mr. Playboy. Sana maenjoy mo ang stories ko. I really appreciate it. God bless. 💋❤ Happy Reading!

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!