C17: This Old Man

941 35 0

-

C17: This Old Man

[Dayne]

Pagkatapos mag-good night ni Matty sa amin ay agad na itong nakatulog nang maihatid ko sa kwarto niya.

Nang makapasok ako sa kwarto naming mag-asawa ay nakita ko itong nakasimangot kaya tumabi agad ako para mag-tanong.

"Ba't nakasimangot ang Love ko?" Malambing na sabi ko.

"Alam mo ba 'yung kantang This Old Man?" She asked, pouting.

Hinalikan ko ito sa labi saka ngumiti.

"Ano 'yon?"

"Childrens song 'yon."

"Bakit?"

"Hindi kasi ako makatulog, ok lang ba kung kakantahan mo ako no'n? Bigla kong namiss ang kantang 'yon eh." Sabi nito na nakakagat labi.

"Hindi ko 'yon alam Love eh. Search ko na lang at ipatugtog natin." I suggested, smiling.

"Ayoko no'n. Gusto ko akapela. Walang tugtog."

Napakamot ako ng ulo.

"Wala akong idea sa kantang 'yan, Love."

Tumayo ito saka lumabas ng kwarto na sinundan ko naman.

"Mandy?"

"Bakit Ate?" Inaantok na bungad ng kapatid nito.

"Alam mo 'yung This Old Man?"

"Hindi... Ano ba 'yon?" Kunot noong tanong ng kapatid nito.

"'Yung kinakanta no'ng elementary!"

"Ay. Oo. Bakit?"

"Kantahan mo naman ako. Gusto ko talagang marinig eh."

"Bakit ba? Bukas na lang Ate." Inaantok na sabi ni Mandy.

"Hindi nga ako makatulog!"

"Inaantok na talaga ako Ate eh. Maaga pa ako bukas." Reklamo pa nito.

"Tawagan mo na lang si Rocco..." Mahinang sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Don't tell me tatawagan mo siya para lang kantahan ka ng This Old Man?" Nagtatakang sabi ni Mandy saka nagtatanong na tiningnan ako.

"Bakit? Alam kong, alam niya 'yon eh."

"Eh ba't hindi si Kuya?"

"Hindi niya alam! Nakakainis naman eh!" Sabi nito saka nag walked out.

Binalingan ako ng tingin ni Mandy.

"Ganito gawin mo Kuya, search mo 'yung kanta saka mo pakinggan dahil madali lang naman 'yung tono at kantahan mo si Ate para hindi siya nakakaistorbo sa mga tulog. Good night!" Sabi nito saka isinara ang pinto ng kwarto niya.

Napahinga ako ng malalim saka pumasok sa kwarto. Nataranta ako nang makita ko itong umiiyak. Sh*t! Agad akong lumapit at yinakap siya.

"Love... Tahan na... Sorry. Hindi ko alam..."

"Patawagan mo na lang si Rocco, alam niya 'yon eh. Magkaklase kami no'ng grade 5!" Humihikbing sabi nito.

"Sandali. Pag-aaralan ko. Madali lang naman daw sabi ni Mandy. Give me 5 minutes. Ikakanta ko sa'yo para makatulog ka na. Ok lang ba?" Malambing na sabi ko.

Tumango ito saka humalik sa labi ko.

Thank God! Hindi naman pala mahirap pag-aralan.

Nakuha ko kaagad ang kanta. Nakangiti akong tumabi dito. Inihilig ko siya sa dib-dib ko saka nagsimulang kantahan siya ng marahan.

...

🎶...This old man, he plays one
He plays knick knack on my thumb
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays two
He plays knick knack on my shoe
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays three
He plays knick knack on my knee
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays four
He plays knick knack on my door
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays five
Don't play knick knack on that hive
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays six
He plays knick knack on my sticks
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays seven
He plays knick knack up in heaven
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays eight
He plays knick knack on my gate
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays nine
He plays knick knack on my vine
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home

This old man, he plays ten
He plays knick knack all over again
With a knick knack paddy wack
Give a dog a bone
This old man comes rolling home... 🎵

...

Sobra na akong inaantok nang makita ko itong mahimbing na natutulog sa braso ko. Hinalikan ko ang ulo nito saka pumikit at tuluyan ng sinakop ng antok.

-

C17 Posted: January 19, 2017

Dedicated to lellesoriano - Thank you for adding Fixing The Broken,  My Childhood Crush, When You Feel it,  & The Fall to your reading list. Sana mabasa at magustuhan mo. Don't forget to vote and comment. Happy Reading! God bless. ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!