C5: Chance

1.3K 50 1
                                    

-

C5: Chance

[Dayne]

"Wala ka talagang balak umuwi?" Tanong ni Madeline sa akin.

"Hangga't hindi ko kayo kasama, hindi ako uuwi. Tapos na 'yung bahay natin at hindi ako mag-isang titira doon." Sagot ko.

"Eh sinabi mo din 'yan dati na hindi ka aalis hangga't hindi mo ako kasama pero umalis ka din.." Mahinang sabi nito.

"Because you want me to!" Dahilan ko.

"Paano pala kung kabaliktaran ang ibig kong sabihin?!" Masungit na sabi nito.

"Gano'n ba 'yon?" Patawa-tawang sagot ko.

"If I know kaya ka umalis dahil may naghihintay sa'yo sa Manila." Mahinang sabi nito saka binuhat ang anak namin na inaabot ang kamay niya sa crib.

Tumabi ako sa kinauupuan niya.

"Meron."

Bigla itong napatingin sa akin. I chuckled at ninakawan siya ng halik sa pisngi. Biglang tumawa ang anak namin saka pumalakpak. Mukhang tuwang-tuwa.

"Sinasabi ko na nga ba eh tapos nilalandi mo ako ngayon!"

" 'Yung trabaho ko ang binalikan ko doon. Tyaka masama bang landiin ang ina ng anak ko? Ang asawa ko?" Malambing na paliwanag ko.

"Loko!"

"Love, tama na. Umamin ka na. Mahal mo pa ako. Mahal naman kita eh kaya no need to be shy b--"

"Oo na! Nakakainis 'to! Kapag nagkontrabida nanaman 'yang magulang mo malalagot ka sa akin. Ayokong madadamay ang anak ko."

"Narinig mo ba 'yun Baby?" Tanong ko sa anak namin na mukhang nakakaintindi na dahil nakatingin lang sa mga mata ko. "...Happy family na tayo."

Hinalikan ko sila sa noo. Ang saya ko naman.

Masaya sila Nanay at Tatay nang sabihin kong alam ko na ang tungkol sa anak namin. Inasar-asar naman kami ni Mandy.

Isang buwan na nga ako dito eh.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong pinuntahan sa kwarto niya ang anak namin pero nangunot ang noo ko nang makitang namumugto ang mga mata niya. Umiiwas pa ito ng tingin sa akin kaya hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi.

"Umiyak ka? Ba't ka umiyak?" Tarantang tanong ko.

"Wala."

"Meron. Sabihin mo. Ano nga?"

"Wala nga!" Inis na sabi nito saka binuhat si Matty at inabot sa akin ang phone ko. "...Oh! Naiwan mo kagabi dito. Tumatawag babae mo!"

Anong babae?

"Sinong babae?"

"Ewan ko sa'yo!"

Pagtingin ko sa call logs. It's my secretary Gladys. Napailing ako saka sila sinundan sa living room. Inilalagay niya sa crib si Matty nang yumakap ako mula sa likod nito.

"Ano ba?! Pinapauwi ka na 'ata ng babae mo at ang daming missed calls sa'yo!"

Iniharap ko siya sa akin saka pinagmasdan ang mga mata niya na halatang nagseselos.

"Wala akong babae. Ikaw lang." I said while chuckling. "..It's my secretary Gladys... Kung kailan nagkaanak tayo saka ka nagselos ng ganito. Ayan! maga na ang mga mata mo. Tanong-tanong muna kasi Love bago umiyak. I love you." Sabi ko saka binigyan ng magagaang halik ang mga labi nito.

Sh*t!

"Halah! Sorry! Ano ba 'yan! Ba't kasi dito kayo?!" Tarantang sabi ni Mandy na ikinatawa ko. "..'Di niyo man lang tinakpan ang mga mata ni Matty!" Sabi pa nito saka kinuha si Matty.

"Saan mo dadalhin?" Tanong ng asawa ko.

"Makikipaglaro lang ako. Tyaka bawal makita ng bata yang ginagawa niyo!" Patawa-tawang sabi nito saka umalis na buhat si Matty.

Namumulang tiningnan ko ang babaeng mahal na mahal ko. I smiled and held her face.

"Ikaw kasi!" Nahihiyang sabi nito.

"I have something to give you."

"Ano?"

Hinila ko siya papunta sa kwarto ko saka binuksan ang maleta ko at kinuha ang red small box doon.

Lumuhod ako sa harapan niya saka binuksan ito at tumingala sa kanya.

"Will you marry me again Love? A church wedding this time. Hindi ko man maipapangakong matatanggap ka ng mga magulang ko pero maipapangako kong matatanggap nila ang anak natin at darating ang araw na matatanggap ka din naman nila."

"Hindi naman kailangan pa ng church wedding Dayne.."

"Kailangan. Para makita ni Matty." Dahilan ko.

"How about your parents?"

"Don't worry about them. Hindi na sila magkokontrabida. I also want to give our son the best family na hindi mabubuo kung hindi tayo magsasama-sama. So, will you marry me Love? Nangangawit na ang tuhod ko."

"Syempre, yes!"

Isinuot ko ang sing-sing sa kanya saka namin pinagsaluhan ang isang matamis na halik.

My proposal supposed to be on our wedding anniversary pero ngayon nangyari. Ohw well I still Thank God. 

-

C5 Posted: January 7, 2017

Dedicated to BeverlyAlejandro - Thank you for the votes in It Started In A Vacation. I really appreciate it. Feel free to try my other stories. God bless. 💋

At Best (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon