C3: Son

1.3K 44 0

-

C3: Son

[Madeline]

Lumabas ako dahil tinawag ako ni Nanay at bumungad sa akin ang dalawang lasing.

"Anak, kami na an bahala kay Tatay mo. Ikaw na an bahala dun sa asawa mo."
(Anak, kami na ang bahala sa Tatay mo. Ikaw na ang bahala diyan sa asawa mo.)

"Nay naman!" Reklamo ko.

"Nano an gusto mo? Kami an maasikaso dun?" Seryosong tanong ni Nanay.
(Anong gusto mo? Kami ang mag-aasikaso diyan?)

No choice. Nakakainis! Ba't kasi ang pogi pa rin nitong lalaking 'to?!

"Oo na! Makauyam! Si Tatay pan-o! Pinainom pa!" Reklamo ko habang inaalalayan ito papasok sa kwarto.
(Oo na! Nakakainis! Si Tatay kasi! Pinainom pa!)

Nang maipasok ko ito sa kwarto ay saka ko inalis ang T-shirt nito. Sh*t!

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at maliit na towel para ipunas sa kanya. Napagmasdan ko pa ang mukha nito habang pinupunasan. Kamukhang-kamukha ng kilay niya ang kilay ng anak ko. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya.

Tinatago ko talaga si Matty sa kanya simula no'ng nalaman namin nila Nanay isang buwan pagkatapos niyang umalis dito noon na buntis ako.

Matty became a big blessing to us lalo na sa akin. Napawi nito ang sakit na naramdaman ko noon.

Napagdesisyunan kong hindi na ipaalam sa kanya lalo naman sa magulang niya. Ayoko ng pakialaman pa niya kami. Ayokong maranasan ng anak kong hindi magawang tanggapin.

"Love..." Napatigil ako sa pagpupunas nang hawakan niya ang wrist ko bigla.

Biglang nagmulat ang mapupungay na mga mata nito saka hinila ako papalapit sa kanya at pumikit. He put his arms around my waist kaya hindi ako makawala.

Grabe namang lasing 'to! Ang lakas pa rin! Lasing ba talaga ito?

"Dayne! Hoy!"

"Hmmm. I...love...you...so...much..." Mahinang sabi nito.

Naiiyak ako. Sh*t! Bakit kasi nagtagal ka pa dito?! Ok na kaya kami ng anak kong wala ka! Hinihintay ko lang naman talaga 'yung annulment eh! Pero bakit parang ngayon nagdadalawang isip na ako?!

Pasalamat pa rin talaga akong walang nagsasalita sa pamilya ko about kay Matty dahil sinabihan ko sila.

Nakaalis pa rin ako nang humihilik na siya.

Pagbalik ko sa kwarto ay mahimbing pa rin ang tulog ng anak ko.

Maaga naman akong nagising sa iyak niya kinabukasan.

Buhat-buhat ko ito palabas ng kwarto nang makasalubong namin si Dayne.

"Good morning!" Bati nito na tinanguan ko lang. "...Ba't umiiyak?" Dugtong pa nito nang nakatingin kay Matty.

"Hindi ko nga alam eh. Ayaw naman dumede kaya naisipan kong ilabas." Sagot ko habang inaalo ito at medyo natataranta.

"Let me carry him." Mahinang sabi nito na sakto lang para marinig ko.

"Huh?" Baling ko dito.

"Please?"

Sh*t! Sige na nga. Ngayon lang ito.

Binuhat niya ito habang pinapatahan.

Patigil-tigil na itong umiyak habang patingin-tingin sa bumubuhat sa kanya at sa akin. He sucked his right thumb kaya binigay ko 'yung feeding bottle niya na kinuha naman kaagad nito. Marunong na kasi itong humawak ng bote niya.

"Good boy!" Sabi ni Dayne dito.

Natutuwa ang puso kong nakatingin sa kanila. Humiga naman agad sa balikat niya si Matty na ikinakonsenya ko. Mukhang naghahanap ng ama 'yung bata.

Masaya akong nakikitang magaan ang loob ni Matty sa kanyang ama pero hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi ko ito magawang ipakilala.

"Ang cute niyo naman Ate!"

Bigla kaming napalingon kay Mandy na pinandilatan ko ng tingin kaya umalis agad.

"Hindi ka pa naman siguro nag aalmusal noh?" Tanong ko dito.

"Hindi pa." Sagot nito habang hinahaplos ang likod ni Matty.

"Sumabay ka na sa amin." Mahinang sabi ko dito.

"Sige." Sagot nito agad.

For the first time after a long time nagkasabay ulit kaming kumain. Hindi kasi talaga ako sumasabay lalo na kapag siya ang kasabay ko mula no'ng dumating siya ulit dito.

"Akin na." Sabi ko nang mahimbing nang nakatulog si Matty sa bisig niya.

"Ok lang. Akin na muna. Ngayon mo nga lang ako hinayaang buhatin eh. Baka wala ng kasunod kaya lulubos-lubusin ko na." Dire-diretsong sagot nito.

"Paano ka niyan makakakain?"

"Aw. Hungita na!"
(Edi subuan mo na!)

Napatingin ako ng masama sa kapatid kong mapag-asar ang mukha.

"Mamaya na lang ako kakain. Mauna ka ng kumain." Sabi nito habang pinagmamasdan ang anak ko. "...Ang pogi ni Matty. Mana siguro 'to sa ama."

Nasamid ako bigla sa sinabi niya kaya napaimon ako ng tubig.

"Wow. Pareho pala kami ng kilay. Ang cute naman." Tuwang-tuwang sabi nito habang hinahaplos ang maliit na pisngi ng anak ko.

Pagkatapos kong kumain ay saka niya ibinalik sa akin si Matty para makakain siya.

"Tell me, anak ko si Matty 'diba? Dahil kahit hindi, tatanggapin ko siya. Balikan mo lang ako..." Mahinang sabi nito na ikinakaba ko.

Natatakot ako. Natatakot akong masaktan din ang anak ko dahil hindi siya matanggap.

"Kumain ka na. Ihahatid ko lang si Matty sa kwarto." Mahinang sabi ko.

"Aalis ka ng hindi ako sinasagot?" Kunot noong tanong nito.

"Mamaya na tayo mag-usap." Sabi ko na lamang.

"Sige." Sagot naman nito.

-

C3 Posted: January 7, 2017

Dedicated to nemiamay - Thank you for the votes in Substitute Personal Maid. God bless. 💋

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!