C10: Reality

1K 42 0

-

C10: Reality

[Dayne]

Katatapos lang ng house blessing namin at bukas na ang uwi nila Nanay sa probinsya.

Sila Nanay at Tatay ang nagluto ng pagkain dahil kaunti lang naman kami. Sila Neo at Xien lang ang nadagdag.

Pinag-aagawan nga ng dalawa si Matty. Sabi ko gumawa na lang sila ng anak nila.

"Love..." Tawag ko dito nang makatabi ako sa kanya.

"Ano?"

"Bakit hindi na lang mag eroplano sila Nanay?"

"Mas sanay sila sa bus."

"Nakabili na ba sila ng baon?"

"Oo. Sinabay ko no'ng nag grocery kami kahapon."

Nakaupo kami sa sofa sa living area nanonood ng tv habang palakad-lakad sa stroller si Matty.

"Uuwi na sila, tayo na lang... Malulungkot ka ba?" Malambing natanong ko.

"Syempre, pero masaya akong kasama ka namin ni Matty. Don't worry hindi na ako maglalayas. I love you so much."

I was about to kiss her nang maramdaman ko ang paghampas ng maliit na kamay ni Matty sa hita ko.

Natawa tuloy ako. Ang galing talaga magtyempo ng anak namin.

"Puntahan ko lang sila Nanay sa kusina." Biglang sabi ng asawa ko.

"Sige." Sabi ko saka hinalikan ang ulo nito.

Pagkatapos kumain ay tumulong siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin nila Nanay.

"Ok na 'yung mga dalahin nila Nanay?" Tanong ko nang makapasok ito sa kwarto namin.

"Mommy!"

She nodded saka lumapit kay Matty sa tabi ko at hinalikan ito ng paulit-ulit sa pisngi.

"Ako wala?" Sabi ko naman.

Napatingin ito sa akin saka ngumiti at humalik sa pisngi ko.

"I want more..." Mahinang sabi ko.

Pinandilatan ako nito ng tingin na tinawanan ko lang.

"Kailan ka babalik sa trabaho mo?" Biglang tanong nito.

"Kapag naka-score na ako sa'yo..." Sabi ko saka kinindatan ito.

Minura ako nito ng mahina.

"Seryoso nga Dayne! Baka nakakalimutan mong may mga buhay din sina Neo at Xien para intindihin pa 'yung dapat inaasikaso mo..."

"Sorry na po... Ito naman. Ang seryoso mo ngayon. Meron ka ba?" Nangingiting tanong ko because it's my simple way to ask kung pwede ko siyang masolo mamayang gabi.

Kinurot ako nito sa tagiliran pero tinawanan ko lang.

"Pagkauwi na nila Nanay. Babalik na po ako Ma'am." Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi.

Pagtingin ko kay Matty, namumungay na ang mga mata. Inaantok na ang bata. Tinimplahan ko ito ng gatas saka inabot sa kanya.

"Inaatok na ang Baby namin. Good night..." Sabi ko dito saka hinalikan ito sa noo.

Humiga na ito sa gitna namin. Ninakawan ko naman ng halik sa labi ang asawa ko saka humiga.

Kinabukasan ay inunahan ko na ang asawa ko sa pag-gising para ako ang maghahanda ng breakfast namin. After lunch kasi ang alis nila Nanay.

"Good morning, Daddy!"

Napangiti naman ako nang makitang buhat si Matty ng Mommy niya habang papalapit sa akin.

"Kiss Daddy!" Sabi nito saka naman humalik sa pisngi ko si Matty.

"Eh si Mommy? Walang kiss sa akin?"

Ngumiti ito saka binigyan ako ng mabilisang halik sa labi.

Sabay-sabay kaming nag almusal kasama sila Nanay, Tatay at Mandy.

Hindi ko maiwasang maalala ang parents ko. Kung sana naging mabait sila sa asawa ko edi sana masaya kaming magkakasamang nagsasalo-salo din.

-

C10 Posted: January 11, 2017

Dedicated to bbganda18, msharwood, & JerrenceMaePadilla - Thank you for the votes in Substitute Personal Maid. I really appreciate it. Sana mabasa niyo din ang iba ko pang stories. Thanks again. God bless. Happy Reading! ❤

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!