C1: Annulment

2.1K 55 0

-

C1: Annulment

[Dayne]

It's been almost a year since I left from their province and I still love her so f*ck*ng much!

Naging maayos man ang sarili kong publishing company, nangungulila pa rin talaga ako sa babaeng mahal ko.

Nasa akin na ang annulment papers na hinihingi niya at napakalinis pa nito. Gusto kong ako mismo ang dadala nito para pirmahan niya saka lang ako pipirma.

Hindi pa rin maaalis sa akin ang pag-asang sana hindi niya ito pirmahan at sana pagpunta ko ay bigyan niya ako ng chance to be with her again.

She's always been my inspiration in life kaya ako nagsusumikap ngayon kahit hindi ko siya kasama.

"So, pupuntahan mo lang pala siya para ibigay 'yan?" Tanong ni Neo.

"No, I also want to spend time with her before our marriage end. Susubukan ko paring maayos kahit sinabi ko ng susubukan ko na siyang bitawan."

"Don't worry. Kami pa rin ang bahala ni Xien kapag wala ka." Pangungumbinsi ni Neo sa akin.

"Thanks." Sabi ko naman dito.

Xien is busy with his girl kaya si Neo lang ang naligaw sa opisina ko ngayon.

"Kuya? Grabe! Ang tagal mong hindi tumawag! Kumusta?" Bungad ni Mandy nang sagutin nito ang tawag ko.

Mukhang tuwang-tuwa siyang tumawag ako. Eh ang asawa ko kaya? Matutuwang malaman na tumawag ako?

"I'm fine. Kayo? Nga pala, pupunta ako diyan. Makikifiesta ako." Patawa-tawang sabi ko.

"Ayos naman kami. Sige Kuya. Sabihan ko sila Nanay. Matutuwa 'yun."

Bumyahe ako ng hapon at dumating ng madaling araw sa probinsya.

"Magpahinga ka na muna, ijo." Sabi ni Tatay nang papasukin ako nito sa bahay nila.

"Opo. Salamat." Sagot ko naman nang makapagmano na.

'Yung dating kwarto na tinutulugan ko dati ay ganoon pa rin. Doon pa rin din naman ako pinatulog.

Nakatulog din naman ako agad dahil siguro sa pagod sa byahe.

Nagising na lang ako sa malalakas na tilaok ng mga manok. Parating ganito kapag nandito ako. Nakakagulat! Mas nakakagulat pa sa alarm clock ko sa bahay pero nakakatuwa ang buhay dito sa kanila.

"Good morning, Nay!" Bati ko nang makita ko si Nanay.

"Mag almusal ka na ijo." Nakangiting sabi nito.

"Sige po. Salamat." Nakangiting sagot ko naman.

Inilibot ko ang paningin sa kusina at nakakapagtakang may mga feeding bottles na kakahugas pa lang. May bata na pala dito sa bahay nila.

Pagkatapos kong kumain ay lalabas sana ako nang makita ko 'yung lalaking kababata nila na may buhat na Baby habang nakangiti ang asawa ko sa mga ito. Nangunot agad ang aking noo.

Naisipan kong tuluyang lumabas para magpakita sa kanila.

Halatang nagulat 'yung lalaki pero hindi ang asawa ko. Alam niya 'atang pupunta ako.

"Mauli mun-a ako Madeline. Bye Matty!" Sabi nito sa kanya at sa bata.
(Uwi muna ako Madeline. Bye Matty!)

Pinagmamasdan ko sana ang bata pero tinalikod ito sa akin ng asawa ko. Napangisi ako na ikinakunot ng noo nito.

"So, sa kanya 'yung feeding bottles sa kusina?" Kalmadong tanong ko.

"Dala mo ba?" Pag iiba nito ng usapan kaya nag tanong na alam kong she's referring to the annulment papers.

"Yes, Gusto mo na bang pirmahan?" Panghahamon ko.

"Oo. Akin na para makauwi ka na rin." Walang ganang sagot nito.

"Makikifiesta ako dito. Kaninong anak 'yan?" Pag-iiba ko din ng topic habang nakatutok ang mga mata ko sa batang nakatalikod sa akin habang buhat nito.

"Ba't ka pa makikifiesta?" Mataray na tanong nito.

"Para makasama ka. I want to spend time with you before I finally let you go at bago ka pumirma. 'Wag mo naman sanang ipagkait kahit 'yon lang." Mahinahong sabi ko.

Magalaw ang bata kaya nakikita ko pa rin ito kahit pilit niyang tinatago.

"Sandali nga." Biglang sabi nito.

"Bakit tinatago mo 'yung Bata?" Pagtataka ko.

Ramdam ko ang bigla nitong pagkagulat. Nakakagulat ba 'yung tanong ko?

"Ano?" Halatang inis na tanong nito.

"Hindi mo kasi sa akin pinapakita. Iniiwasan mo din mga tanong ko."

"Sandali nga lang." Sabi nito saka pumasok sa kwarto niya. Gusto ko sanang sundan eh kaso sinarhan ako. Lumabas itong wala ng batang buhat. Tinawag niya si Mandy habang ako nakasunod lang at iniisip kung kaninong anak 'yung bata. "...Ikaw muna ang bahala kay Matty. Mag uusap lang kami." Sabi nito sa kapatid na para bang pinandidilatan pa ng tingin.

"Sige Ate!"

Sumunod ako sa kanya sa living room. Naupo siya sa single sofa samantalang sa mahabang sofa ako naupo.

"Sasagutin mo na ang mga tanong ko?" Malumanay na tanong ko.

"Kailangan ko ba talagang sagutin?"

"Of course!" Agad na sagot ko.

"Ano ba 'yon?"

"Kaninong anak 'yung bata?" Puno ng kuryosidad na tanong ko na tinutukoy ang batang buhat niya kanina na tinatago sa akin.

Nagpalipat-lipat kung saan ang mga mata niya na para bang naghahanap sa paligid ng kasagutan.

"Ano..." Mahinang sabi nito saka huminga ng malalim at sumagot. "..Anak ko.." Halos nahihirapang sagot nito.

"Anak mo? Edi anak ko din?" Seryosong tanong ko.

"Anak ko lang. Tyaka 'wag ka na ngang tanong ng tanong!" Biglang tayo sa pagkakaupo nito.

"Ok." Pagsuko ko dito.

I will eventually find out. Malakas ang pakiramdam kong akin ang bata. Not sure but I can feel it.

Napangisi na lamang ako. Impusibleng hindi ko anak ang bata.

-

C1 Posted: January 3, 2017

Dedicated to tkcrom27 - Thank you for adding some of my stories to your reading list, to leaquiray112 - Thank you for adding At Worst to your reading list. Ito ang continuation, to elizabArcial & be-rose-ubay - Thank you for adding It Started In A Vacation to your reading list. And to EarlKimberlyRamoso - Thank you for the votes in Substitute Personal Maid. I really appreciate it. Thank you so much guys. Sana mabasa niyo pa ang iba kong stories. God bless. ❤💋

At Best (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!