Chapter Forty Four

47.4K 943 13
                                    

No.. No.. Hold on pangga.. Mahigpit niyang pinagsalikop ang mga palad at saka panay ang usal ng panalangin habang nakaupo siya sa labas ng operating room.

Sinalo ni Tobias ang bala na dapat ay para sa kanya. Binuwis nito ang buhay para lang sa kanya. Tama si penny, maramot siya. Dahil hinayaan niyang may masaktang iba ng dahil sa kanya. Pinahid niya ang mga luha at saka pilit na tuimingala. Ilaw ng kisame ang nakikita niya. Malabo.. Parang ang pag asang natitira sa kanya. Dahil halos may tatlong oras na sa loob ng operating room ang asawa niya.

Natawagan na rin niya ang mga pamilya nila. Si uno ay ipinahatid muna niya sa mga pulis papunta sa mga magulang niya. Pagod na rin ang bata. Pero sasailalim muna ito sa psychological examination. Para matest kung natrauma ba ito o hindi. Si Penny naman ay biglang nagiiyak ng malamang nabaril nito si Tobias. Sigaw ng sigaw. Sa ngayon, ay under observation ito ng ilang mga doktor. Gusto nilang malaman kung may deperensya ba ito sa pagiisip.

Inisip lang naman niya ang kapakanan ng pamilya nila noon kaya inilihim niya kay Tobias na nabuntis nito si penny bago pa man sila nagkakilala. Hindi nagtaksil o ano pa man ang asawa niya. Alam niyang wala itong pagtingin kay Penny. Nagkataon lang marahil na tao din ito, natutukso. Iyon marahil ang pilit na sinasabi ni penny na unang naging kanya ang asawa niya. Pero hindi siya gusto! Hindi siya mahal!

Sinisisi siya nito sa pagkawala ng anak nito. Isinisi nito ang lahat sa kanya. Kaya hindi niya matanggap na humantong sa ganito ang lahat. Hindi niya lubos na maisip na ganito ang kahihinatnan ng lahat.

Lumaban ka pangga.. Para sa amin ng anak mo... Garalgal na bulong niya. All she could think is him. Fighting for his family. For his life. Mali ba na nakaalala pa siya? Mali ba na nagkitang muli sila? Because if it is yes. Handa siyang bumalik sa panahon na kahit ang pangalan nito ay hindi niya kilala basta ligtas lamang ito.

A-Ate.. Nag angat siya ng tingin. Napatakbo siya ng makita niya si Cleo kasama si Troy at ang mga in laws niya. Sshhh.. Hinaplos nito ang likod niya uoang siya'y tumahan. Kilala ko si kuya Toby. Hindi 'yon madaling sumuko. Trust him.

Litong lito na siya. Napapagod na rin siya. Magpahinga ka muna. You look tired. Si Troy. Awa ang nababasa niya sa mga mata nito. Gayun din ang mga magulang ng asawa niya.  Ang biyenan niyang babae ay panay ang iyak. Naaawa siya sa mga taong nagmamahal sa asawa niya. Nasasaktan pati sila.

Kapag pala mahal mo ang isang tao, may mga bagay kang gagawin para patunayan 'yon. Hilingin man niya o hindi. Ay gagawin mo pa rin. Minsan, nakakatanga rin pala. Bakit mo ibubuwis ang buhay mo kung ikakamatay mo lang? Kasi nga mahal mo. Kasi nga mahalaga sayo.

Love is unselfish. Walang pakialam sa sarili. As long as you can provide the love that your love ones need. Walang masasaktan. Walang mahihirapan. Naisip niya bigla si uno. How can she tell him na may tatay pa ito? Na may buong pamilyang naghihintay para dito? He is too young to handle all these troubles. Kasama na ang nangyayari sa asawa niya. Kaya iniisip niya, paano niya ipapaliwanag sa mura nitong pagiisip ang lahat? Without hurting him. She know, masasaktan at masasaktan ito once he know the truth. Especially, Tobias whose still inside the operating room.

Diyos ko! Iligtas niyo po ang asawa ko. Iligtas niyo po siya. Kailangan pa namin siya ng anak namin. She silently prayed. Sana lang ay naririnig ng Diyos ang panalangin niya. Sana lang ay gising Ito sa mga oras na ito.

Until the operating room door opened. Lumabas ang isang doktor. Mabilis silang lumapit lahat. Iisa ang tanong.

Okay na po ang pasyente. Natanggal na namin ang dalawnag balang tumama sa kanya. Good thing that those bullets ay sa buto tumama. Though mahirap iyon pero mas mabuti kaysa sa ugat niya. For now, wala pa siyang malay. We will find him a room for recovery. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.

K-Kailan po siya magigising? Promise, she try her very best to calm her voice.

Don't worry misis. He'll be fine. Maybe later, tomorrow, the next day or weeks. No definite time Mrs. Alejandro. What important now is, he's safe. Tinapik siya sa balikat ng doktor bago ito umalis. Tama, ang mahalaga ay ligtas na ito.

Magigising din si kuya ate. Wag ka nang masyadong mag alala. Niyakap siya nito ng mahigpit.

Hindi ko maiwasan. Hangga't di ko nakikita ang pagdilat ng mga mata niya. I'm still worried. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin. Humihikbing sabi niya.

Babawi pa siya dito. Babawi pa siya sa apat na taon nilang pagkakawalay. Haharapin pa nila ang buhay na mag kasama at bubuo pa sila ng malaki at masayang pamilya. That they will reach their dreams together. Kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Marami pa silang plano. Kaya hindi pa dapat ngayon. Saka na kapag parehong maputi na ang buhok nila.







To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now