Chapter Twenty Two

43.9K 1K 25
                                    

Sir! Halos atakihin siya sa puso nang makita itong namamaluktot sa ilalim ng rumaragasang tubig sa ilalim ng shower. Tanging boxer short lang ang suot nito.

At ito rin ang naririnig niyang umuungol. Dali dali siyang lumapit dito at pinatay ang shower. Sir! Diyos ko! Ano bang nangyari sa inyo? Natatarantang hinawakan niya ito sa kamay at akmang itatayo ngunit para siyang napasong muntik mabitiwan ito. Mainit. N-Nilalagnat kayo!

Sinalat niya ang leeg at noo nito. Gayon na lamang ang kaba at takot niya dahil inaapoy ito ng lagnat. Kaya pala umuumgol ito. Basang basa ito dahil sa bukas na shower. Marahil ay maliligo sana ito kaya lamang ay hindi kinaya ng katawan.

Itinayo niya ito. Hindi niya ininda ang bigat ng katawan. Inakay niya ito palabas ng banyonat dinala sa salas. Dahan daha naman niyang inihiga ito doon. Hapong hapong binitiwan niya. Para siyang hilaw na isda na biglang nasunog dahil sa init ng katawan nito.

Mabilis ang mga kilos na bumalik siya sa loob ng banyo at naghanap ng tuwalya. Nakita niya sa tabi ng lavatory ang maliit na cabinet. May mgaputing bathroom towel ang nakarolyo sa loob niyon. Kumuha siya ng isa at saka bumalik sa salas.

Kung paano niya ito natagpuan sa banyo ganoon pa din ang hitsura nito ngayon. Namamaluktot. Sir! Nangangatal na rin ito sa lamig. Hinanap niya ang remote ng air conditioner at saka pinatay iyon. Bago niya muling nilapitan ang lalaki.


Tinuyo niya ang basang basa nitong katawan gamit ang tuwalyang nakuha niya sa banyo. P-Pangga... Nakapikit ang mga mata nito pero pabaling baling ang ulo.

Tumitig siya sa mukha nito. Bakit ba ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo? Pinunasan niya ang mukha nito. Nakakunot ang makakapal nitong kilay. Ang labi nitong bahagyang kumikibot kibot na tila may sinasabi siya.


Please ---stay.. Pangga.. Bulong ito ng bulong. Iniisip siguro nito na asawa nito ngayon ang nasa harapan niya. Damang dama niya ang bigat sa dibdib. Wala namang dahilan para maapektuhan siya pero kabaliktaran ang nararamadaman niya. Naroroon ang lahat ng sakit.

Hindi niya namalayang may luha na palang tumulo sa mga mata niya. Pinawi niya iyon at saka itinuloy ang pagpupunas dito. Dinadaig ng singaw ng init ng katawan nito ang mga tubig na unti unting natutuyo sa balat nito.


Bahagyang nagmulat ang mga mata nito. P-Pangga... Wala sa sariling ngumiti siya dito. Kaya naman bahagya siyang nagulat nang umangat ang isa nitong palad at haplusin ang mukha niya.

Banayad nitong hinaplos ang pisngi niya. Nakadama siya ng pamilyar na kiliti. Na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Napapikit naman siya dahil doon. Your back.. Your here! Bulong lang nito iyon pero parang malakas na tinig iyon sa pandinig niya. Ang tagal kitang hinintay... I-I don't believed that you we're died then. I missed you pangga... Nakita niya ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. Alam niyang nasasabi nito ang lahat ng iyon dahil may sakit ito.

Nakikita nito ang sarili nitong asawa sa katauhan niya. Awang awa siya dito. Nakikita niya ang sarili niya dito noon. Noong hindi pa niya matanggap na wala na si Joaquin.

Patuloy niya itong pinunasan. Habang hawak naman ng dalawa nitong kamay ang isa niyang palad. Na para bang mawawala siya anumang oras. Wag kang aalis... Tuluyan nang pumikit ang mga mata nito. At nang makita niyang tulog na ito. Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakaupo at naghanap ng maiipalit sa suot nitong boxer at damit.

Kumuha na din siya ng palanggana at alcohol. Nagpainit din siya ng tubig at binatuan niya ng malamig. Kailangan bumaba ng lagnat nito. Siya kasi ang natatakot para dito.

Bigla naman siyang nataranta nang biglang kaligkigin ito ng ginaw. Binalot na niya ito ng makapal na comforter at sinuutan ng medyas pero ginaw na ginaw parin. Diyos ko! Paano ba ito? Tarantang tanong niya. Hindi niya alam kung tatawag na ba siya ng ambulansya o ano.

P-Pangga... Pati boses nito ay nanginginig din. Naalala niya si uno noong magkasakit.

Nanay giniginaw po ako... Hinila nito ang kumot at saka niyakap ang sarili. Mabilis siyang humiga sa tabi nito at niyakap ito.

Nandito na si nanay..

Ssshhh.. Andito na ko.. Tumabi siya dito at niyakap ng mahigpit. Doon man lamang ay mabawasan ang ginaw na nararamdaman nito. Hindi kita iiwan..pangako.. Bulong niya sa ulo nito. Hinayaan niyang makatulog ito sa mga bisig niya.

Hindi niya alam pero gusto niya itong alagaan.



To be continued...



-----

#IputokSaLabasWagSaLoob
#Putok2017
#BabalaBawalMagPaputok

Oha! May sakit naman pala e! Kung ano ano kasing kahalayan ang iniisip niyo. Hahahaha.. Porke't naungol may milagro agad? Di ba pwdeng kinukumbolsyon lang?

I don't know when will i post the next chapter. Maybe January na po..

Happy new year sa lahat. Ingat sa pagpapaputok! Bawal nga pala ang fire crackers... Hehehe.. Tama na tayo sa torotot!

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now