Chapter Fifteen

45.5K 965 17
                                    

He watched her from a far. Mabilis ang kilos nito. Marami na kasing tao. Mostly are, some teenage group. Mga kabataang ang hanap ay mga party.

Hindi niya ugaling manatili sa bar kapag mga ganitong oras. Pero simula nang makilala niya ang babaing siyang-siya ng asawa niya, inisang lagok niya ang alak na nasa baso niya.

Nakausap niya ang kanyang ina kanina. Pinapakiusapan siya nitong magbakasyon muna. Sinabi ni Troy sa mga magulang nila ang nangyayari sa kanya.

Mahabang diskusyunan ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang ina. Maybe he really need a break. Baka kapag nagpaka layo layo siya'y maging maayos din siya.


Papatayo na siya sa inuupuan niya nang magring naman ang cellphone niyang nakapatong sa lamesang nasa harapan niya.

What? He immediately asked nang sagutin niya ang tawag. He heard some random voices at the background. Kilala niya ang mga boses na 'yon.


We're on our way there bud.. Fuck! Mambubwiset na naman ang mga kaibigan niya. Magsasalita pa sana siya nang mamatay na ang tawag.

Mabilis niyang isinilid sa bulsa ang cellphone at bumama sa deck. Kuya! Narinig niyang sabi ni troy nang makitang nagmamadali siya. Kapag sila lang dalawa ay kuya ang tawag nito sa kanya. Saan ka pupunta? Puna nito.

Sa kabila lang ako. Aniya rito. When he said "kabila" ang eve's garden ang tinutukoy niya. Dahil alam niyang doon balak magpakasasa ng mga kaibigan niya.

Anong gagawin mo 'don? Sabi mo uuwi kana? Nakasunod pa rin si Troy sa kanya kahit paakyat na siya sa back stairs na deretso sa VIP room nila.

Tumawag si Abel. Papunta na sila. And I'm very sure na doon nila balak lumangoy. Napangisi siya. Baliw ang mga kaibigan niya. At alam niya na kapag kompleto ang mga ito, nasisiguro niyang hindi lang basta party ang gusto ng mga ito na mangyari.

Tinapik siya ni troy sa balikat at saka iniwan na siya. Nagtuloy tuloy naman siya sa pagakyat.

Hoy! Ano na naman 'yang nililinga linga mp d'yan? Napaigtad naman si edy nang marinig ang boses ni vina sa likuran niya.

W-Wala.. Lahat nalang napapansin mo. Sabi niya. Nilampasan niya ito pero sinundan din siya. Ilang oras nalang mag aa-out na siya. Under time siya ngayon dahil nilalagnat si uno nang umalis siya kanina. Hindi kasi siya mapakali. Kaya gustong gusto na niyang umuwi.

Pumasok siya sa service area pero hinagip nito ang braso niya. Ano bang nangyayari sayong babae ka? Para kang pusang di mapaanak sa ginagawa mo.

Bumugtong hininga siya. Nilalagnat kasi si uno nang umalis ako ng bahay kanina. Nagaalala lang ako kung kamusta na siya.

Nagiba ang mukha nito. Bahagyang tumamlay. Naku kawawa naman ang baby mo. E paano? Uuwi kana ba mamaya? Tanong nito.

Yun ang isa pang problema niya. Hindi pa niya nakakausap si sir Troy. May problema? Takang tanong ni vina.

Hindi ko pa kasi nakakausap si Sir Troy. Hindi ko alam kung papayag siyang mag under time ako. Sabi niya. Ibinaba niya ang tray na hawak sa stainless counter at saka sumandal doon.

Humarap si vina sa kanya. Nakita ko si Mr. A kanina. Bakit hindi ka nalang sa kanya mag paalam. I'm sure papayag iyon.

Nagrigodon ang tibok ng puso niya nang marinig ang sinabi nito. Nakita nga din niya si Mr. A kanina. At hindi siya magkaintindihan sa ginagawa dahil ramdam niya palagi ang pagsunod ng mga mata nito sa bawat kilos niya.

Hindi niya alam pero bakit parang gusto lagi niyang nakadistansya siya sa boss niya. Hindi naman ito mukhang manyakis o masamang tao. Dahil ilang beses ka na niyang naiipagkamali sa asawa niya.

Buti pa ako nalang ang mag sabi kay Mr. A. Sure akong pagbibigyan ka non. Naging maagap naman niyang hinawakan sa braso ito. Bumakas ang gulat sa mga mata nito.


Wag! 






To be continued...






--------

Ola!
How's your Christmas? Sana masaya kayo sa last Christmas niyo.
Sorry kung matagal bago ulit nagkaroon ng update. Sinulit ko kasi ang holiday e. Pasensya na po ulit.

Alam ko naiinip na kayo sa story na ito. Kapit lang mga besss.. Hehehe.. Uusad din po tayo.

Happy reading.

Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Donde viven las historias. Descúbrelo ahora