Chapter Thirty One

45.5K 1K 30
                                    

Niyuko niya ang sarili bago ipinasyang bumaba ng sasakyan. Isang simpleng dark blue cotton blouse ang suot niya na tinernuhan niya ng puting pants.

Lumingon siya sa mga ilang bisita na nakakasabay nila. Pawang magagara pati ang kasuotan nila. Pakiramdam niyang para siyang basahan kung itatabi sa kanila.

Relax, mas maganda ka pa rin sa kanila. Tipid lang niyang nginitian si Tobias dahil sa sinabi nito. Nasa party sila ngayon ng kaibigan nito first birthday daw ng anak ng kaibigan nito.

Sa bakuran pa lamang ng bahay ay marami nang batang nagtatakbuhan may mga hawak na lobo. Si uno ay agad na may nakilalang bata at sumama para makipaglaro. Ayaw sana niyang payagan na makihalubilo ito pero pinigilan siya ni Tobias. Wag daw niyang bawalan ang batang maranasan na makipaglaro sa iba.


Sinalubong sila ng host ng party. Brad! Isang matangkad na lalaki ang may kargang cute na cute na batang lalaki ang lumapit sa kanila at niyakap si Tobias. Finally! Akala ko hindi ka makakarating.

Pwede ba naman 'yon. It's dex special day. Narinig niyang sabi ni Tobias. At nang gumawi ang mga mata ng lalaki sa kanya ay gayon na lamang ang panlalaki.

Gayon din ang babaing katabi nito na kakasunod lamang. Oh God!

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya sa mga ito o ano. Totoo bang malaki ang pagkakahawig nila ng namatay na asawa ni Tobias para pati ang mga ito ay magulat din. Tila naramdaman ni Tobias na may kakaiba sa paligid kaya mabilis itong umakbay sa kanya at saka siya pinakilala sa mga ito. Lex, Daphne... Siya si edy.. Bumaling si Tobias sa kaniya. Sila ang mga magulang nitong si dex. The birthday celebrant.

Ang babaing sinabing Daphne ang pangalan ang naunang makahuma sa dalawa. Hi edy.. It's nice to finally meet you. Nagulat siya ng yakapin siya nito. Totoo ang mga ngiting nakikita niya dito kaya ngumiti din siya.

Ang nagngangalang lex naman ay nakatulala pa rin. Na kung hindi pa ito siniko ng asawa nito ay hindi pa kikilos. H-Hi.. Hi.. Welcome to my son first birthday.

Hindi na niya inawat si Tobias ng hawakan siya nito sa palad. Sinabi ni lex na dumating na raw ang ibangga kaibigan ni Tobias kaya nauna silang maglakad na dalawa. Nahuhuli ang mag asawa kaya narinig pa niya ang bulungan ng dalawa.

How come that she exactly looks like Edizel? Narinig niya sabi ng nagngangalang lex. Paano nga bang magkamukha sila? May kakambal ba siya na hindi niya nalalaman?

Maraming mga matang nakasunod ang tingin sa kanila. Kaya hindi niya maiwasang magyuko ng ulo. Mali na sumama silang mag ina dito. Dapat ay hindi siya pumayag. Pero hindi naman niya kayang tanggihan si Tobias.

Sa grupo ng mga kaibigan ni Tobias. Nakilala na niya ang mga ito. Si John na pinsan pala ni Lex kasama ang asawang si Amanda. Si Cain at ang asawa nitong si Gen. Kapatid pala ni Cain si Abel na bali-balitang bagong may ari ng Eve's Garden. Kagaya ng mga nauna ay may asawa na rin pala ito.

Nakilala din niya ang ibang mga kaibigan ni Tobias na pawang mga bachelor's pa. Nakasanayan na niya ang mga paminsan minsan ay panlalaki ng kanilang mga mata sa tuwing siya'y magsasalita.

Si uno naman ay masayang masaya dahil napakaraming bata ang nakakalaro nito. Maraming mga palaro na walang inurungang sinalihan lahat ni uno. Natutuwa naman siya at nag eenjoy ito.

Si Tobias naman ay hindi umalis sa tabi niya. Okay kalang ba? Bahagyang pinisil ni Tobias ang isang palad niya.

Bahagya lang din siyang tumango. Iba na ang nararamdaman niya. Mas malalim na sa akala niya'y pangkaibigan lang.

Napaka-ideal na lalaki ni Tobias. Sa katunayan, nadagdagan lalo ang paghanga niya dito dahil sa mga pinapakita nitong pakilitungo kay uno. Isang lalaking napakahaba ng pasensya kahit maraming tanong si uno.

Kanina habang nagpaparty game ang lahat. Nilapitan ito ni uno at sinabing sasali silang dalawa.

Okay Kids, Go to your dad at isama niyo sila dito sa gitna. Maglalaro tayo! Sabi ng emcee habang hawak ang mikropono. Malungkot na bumalik si uno sa tabi nilang dalawa ni Tobias.

Okay lang 'yan anak. Pwede ka namang sumali sa ibanh game diba? Sabi niya sa anak at saka hinaplos ito sa ulo.

You can join uno. Sasamahan kita. Nagningning ang mga mata ni uno. Talaga po? Magpapanggap ka pong tatay ko?

Nakangiting ginulo ni Tobias ang buhok ni uno. Bakit ayaw mo ba?

Labis niyang kinagulat ang biglang pagtalon ni uno pababa sa kandungan niya at papalapit kay tobias. Niyakap nito ang lalaki. Maraming salamat po tito toby.

Ipinilig niya ang ulo. Masayang masaya si uno. Sa katunayan nanalo ang team nila ni tobias kaya mayroon na siya ng helicopter RC na siyang gustong gusto nito. Nagkataong iyon pala ang premyo. Masasabi niyang matalino ang anak niya.

Nanalo sila sa pinoy henyo kanina. Para bang iisa ang isip ng dalawa dahil hindi man lamang yata sila pinawisan.

Napangito siya. Alam mo kinakabahan na ko sayo. Nilingon niya si Tobias. Titig na titig kasi ito sa kanya. Bakit naman? Inosenteng tanong niya.

Panay kasi ang ngiti mo. Nahampas niya ito sa braso. Iniisip mo bang nababaliw na ko? Ang sama mo!

Yumakap ito sa kanya at isinubsob ang mukha sa balikat niya. Oo. Iniisip kong baliw kana. Na baliw kana sakin.



Kapal mo!




To be continued...



--------

Kahit tapos na ang bagong taon. May magtatangka paring magpaputok! ABANGANHehehe

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon