Chapter Sixteen

44.3K 1K 15
                                    

Naiinip na siya sa kahihintay ng dadaang pampasaherong dyip. May dumadaan man kaya lang punong puno na. Kung magtataxi naman kasi siya, nasisiguro niyang malaki ang babayaran niya. Isa pa nagtitipid siya, lalo pa't dadaan ang bagong taon. Kailangan kahit papaano ay may nakahanda silang pagkain para sa média noche.

Mabuti na lamang at pumayag si Sir Troy na mag under time siya. Pinilit pa rin niya kahit nakausap na niya si nica na okay naman na si uno. Pero gusto pa rin niyang makasiguro.

Nagaalala parin kasi siya. Hindi siya sanay na nagkakasakit ang kanyang anak. Halos pasado ala-una na ngadaling araw. Pero hindi pa rin siya nakakasakay.

Kung babalik naman siya sa bar, medyo malayo layo na ang lalakarin niya. Nasa mismong shed kasi siya. Ilang bloke ang layo sa bar. Mga pribadong establisimento ang katabi noon kaya lang ay pawang mga sarado na.

Kinipkip niya ang maliit na shoulder bag at saka mas hinapit ang itim na jacket sa katawan. Nanunuot sa balat niya ang hangin na galing sa paligid.

Nangangalay na rin siya sa kakatayo. Bawat dyip na parahin niya ay laging puno. Alangan namang sumabit siya? Hindi na kakayanin ng nangangatog niyang tuhod.

Inilabas niya ang cellphone na nasa loob ng bag at nagbaka sakaling makakatawag kay vina upang sabihing nasa labas pa rin siya pero mabili namang namatay ang cellphone niya. Kainis! Ngayon pa 'ko nalowbat. Palatak niya. Ibinalik niyang muli ang cellphone sa bulsa ng kanyang bag.

Doon na lamang siya marahil maghihintay sa tapat ng bar. Kahit na siguro taxi. Sasakay na siya. Basta makauwi lang siya.

Tutal marami namang nagaabang na taxi doon dahil sa mga pasahero na lalabas galing bar.

Humakbang siya pabalik. Pero hindi pa siya nakakalayo sa waiting shed ng isang motor naman ang humarang sa daraanan niya.

Nahintatakutang napahinto siya. 'Akina ang bag mo! Biglang utos ng lalaking angkas ng motor.

Hinigpitan niya ang sakbit sa bag. Pampacheck up ni uno ang perang natitira sa kanya. Natatakot na umatras siya. W-Wag... Po.. Halos bulong lang niyang sabi.

Miss.. Wag mo ba kaming pahirapan. Ibigay mo na yang bag mo. Sabi naman ng lalaking siyang nasa unahan.

Tatlong beses siyang umiling. Sa pagatras niya saka naman mabilis na bumaba sa motorsiklo ang lalaking nakaangkas doon.

Bago pa man siya makatakbo ay nahablot na nito ang braso niya. Saan ka pupunta ha? Halos dumiin na sa kanya ang katawan nito dahil sa lakas ng pagkakahila sa kanya.

Pilit na hinihila ng lalaki ang bag niya na nakasabit parin sa balikat niya. Pero hindi siya natinag. Sinubukan niyang lumaban. Putang in* hablutin mo na 'yan! Aabutan tayo dito ng parak! Sigaw ng lalaking siyang nakasakay sa motorsiklo.

Bitiwan mo ko! Madiing saad niya sa lalaking mahigpit na nakahawak sa braso niya. Maawa ka sakin please. May sakit ang anak ko...

Galit na binalingan siyang muli ng lalaki. Wala akong pakialam sa anak mo!

Please... Buntis ako.. Maawa ka sa anak ko.. Her eyes are swollen already. It clouded with tears and fear. Hindi niya gustong mamatay sa ganitong paraan. Her husband must have known about her pregnancy. Ang pamilyang pangarap nila.

Wala akong pakialam sa anak mo! I don't care kung buntis ka! Papatayin kita! Kitang kita niya sa mga mata nito ang galit at poot sa kanya.

Nagtiwala siya. Ibinigay niya lahat. Pinagkatiwala niya ang lahat dito. At ano ang isinukli sa kanya? Katraydoran at pagtataksil? He will going to kill you sa oras na malaman niya ang ginagawa mo! At ang ginawa mo sakin! Pinalakas niya ang loob sa kabila ng takot na nadarama. She neeed to be strong. Para sa anak niya. Iluluwal pa niya ito ng ligtas.

Humalakhak ito na parang baliw. Do you think maiisip niya na may alam ako dito? Sa tingin mo ba ay bubuhayin pa kita pagkatapos nito? She almost lost her breath nang maramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita niya. Ang baby ko! Sumibol ang takot sa kanya. Patuloy ang pagdaloy ng masaganang dugo..

Goodbye dear...


Wag kang lalapit! Natatakot na sigaw niya nang may mga brasong pilit na niyayakap siya. Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa masaganang luhang dumadaloy sa mga mata niya.

Pilit siyang pinapakalma ng taong gusto siyang yakapin. Takot na takot siya. Bakit parang nangyari na sa nakaraan niya ang lahat? Maaawa ka---maawa ka sa a-anak ko. Mahinang bulong niya.


Ssshhh... Hush now sweetheart.. I'm here. Nakulong siya sa matitigas na bisig. Kusa niyang ipinikit ang mga mata. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin ng kadiliman naririnig pa niya nag sirena ng pulisya.

Ligtas na 'ko.





To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now