Chapter Nine

46.8K 1K 53
                                    

Nay! Nakangiting sinalubong ni Edy ang anak na si uno. Nakasakbit sa likod nito ang maliit na back pack.

Alas kwatro na ng hapon, handa na rin siya para pumasok sa trabaho. Nay! Nang makalapit ang apat na taong gulang niyang anak ay mabilis itong yumakap aa kanya. Bakit ngayon lang po kayo? Sabi niyo po ihahatid niyo ako sa iskol. Kinabakasan niya ng lungkot ang tinig nito.

Alam niyang nagtatampo ito sa kanya. Pagpasensyahan mo na si nanay anak ha! Tinanghali ako ng uwi kanina e. Kinarga niya ito. Nakita naman niya si nica ang dalagitang kasama ng anak niya. Nica salamat ha. Ngumiti sa kanya ang dalagita. Ang Day care center na pinapasukan ni uno ay katabi lang mismo nang national high school na pinapasukan nito.

Kapitbahay nila ito kaya kapag papasok ito at wala pa siya. Isinasabay na nito si uno sa pagpasok. Wala po 'yun ate. Mauna na po ako. Paalam nito at saka umalis na.

Iniupo naman niya si uno sa kawayan na upuan sa loob ng bahay nang makapasok sila. Aalis po ba kayo ulit? Malungkot na tanong ng kanyang anak. Lumamlam ang mga mata nito. Mga mata na katatakutan mong makitang umiiyak.

Lumingon muna siya sa kanyang biyenan na nakaupo din sa tabi nila. A-Anak kailangan magtrabaho ni nanay hindi ba? At saka paano mabibili ni nanay ang gusto mong laruan sa pasko kung hindi ako magtatrabaho. Paliwanag niya sa bata.

Alam niyang sa edad ni uno. Dapat ay naalalayan niya ito araw araw. Pero palagi kasing wala. At kung nasa bahay man siya. Kapag wala siyang pasok. Pero kulang pa ang isang buong araw para punan niya ang ilang pagkukulang sa anak. Pero 'nay..

Bahagyang humikbi ito. Oh! Diba big boy kana? Bakit may luha? Humihikbing pinahid nito ang luha sa mata.

Kasi po aalis na naman kayo. Nalulungkot na niyakap niya ito. Ito ang dahilan bakit hindi niya tanggapin ang alok ng ina ni nica na nasa Dubai upang magtrabahong domestic helper doon. Natatakot kasi na baka hindi kayanin ng anak niya ang malayo sa kanya.

Ito pa nga lang na dito siya sa maynila nagtatrabaho ay hindi na niya alam kung paano. Doon pa kaya sa dagat ang layo. Inayos niya ang buhok nito. Kakaiba ang buhok ni uno. Na kapag hinawi mo ay hindi pantay ang kulay. Madilaw dilaw na mapula pula ang dulo ng buhok nito mula sa anit. At ang kalahati ay itim na. Sabi ni Joaquin noon, pinaglilihian daw niya noon ay isang artista na hindi naman niya matandaan kung sino.

Ang tanging natatandaan lang niya ay mahilig siyang kumain ng tempura at sushi. Na labis na kinakaangal ng asawa niya dahil pagkaing mayaman daw iyon. Agahan niyo po ang balik nanay ha! Kasi bukas na po ang Christmas party namin. Sabi ng bata. Nakangiti siyang tumango. Bukas na nga pala ang party sa school ng mga ito. May ilang regalo naman siyang nabalot na.

Noong nakaraang linggo ay bumili siya ng ilang bagay na mapapakinabangan ng mga bata. Dumayo pa siya ng divisoria para lang makamura. Pero ang nagiisang regalong gusto ng anak niya ay hindi pa niya nabibili. Masyado kasing mahal. Sa tingin niya ay isang buwang sahod niya ang katumbas na halaga ng laruang gusto nito.


At iyon ang pinagiipunan niya. Oo anak, sasamahan ka ni nanay bukas. At saka day off ni nanay kinabukasan kaya okay lang na magkasama tayo maghapon.

Nagliwanag ang mga mata nito. Talaga po nanay? Yehey! Mahigpit ulit siyang niyakap nito at saka pinugpog ng halik. 'Nay pwede po ba tayong mamasyal bukas pagkatapos ng Christmas party? Isama po natin si lola.

Nako apo. Kayo na lamang ng nanay mo. Dito na lamang ako magpapahinga. Mabilis na apela ng matanda. Tamang tama at sweldo niya bukas. Sana lang ay hindi malaki ang kakaltasin sa sweldo niya ngayon.

Napatingin siya sa lumang relo sa kamay. Anak aalis na si nanay. Baka mahuli ako. Trapik kasi ngayon. Hinalikan niya ito sa noo. Nagluto si nanay ng maruya. Magmerienda kana ha.

Tango ng tango si uno. Maswerte siya na may anak siyang gaya nito. Muling yumakap ito sa kanya at bumulong. Mahal po kita nanay.. Napapikit siya dahil doon. Ninamnam niya ang higpit ng yakap nito.


I love you... Hindi niya alam pero sandali siyang natigilan dahil tila may isang tinig siyang narinig mula sa kabilang bahagi ng isip niya. Ikinibit balikat na lamang niya iyon.


Mas mahal na mahal ka ni nanay.. Sabi niya.




To be continued...






-------

Muli, inihihingi ko po ng pasensya sa inyo kung sa bawat chapter na binabasa niyo ay nakakakita kayo ng grammatical errors, misspelled, typo error. Aaminin ko po sa inyo. Hindi ako magaling dyan. At lalong hindi po ako nageedit. Kapag po sinubukan kong mag edit. Inaabot na po ako ng tamad at panis pero hindi parin ako tapos. Kapag po kasi tapos ko na pong isulat, deretso publish na ko. Wala nang preview preview. Napakatamad ko po kasi.. Kung anong bilis ng update.. Kasing bagal naman po ako ng pagong magedit. Ang isang chapter po sakin ay halos tatlo o apat na araw bago ko maayos. Kaya sana maunawaan niyo po. Kung hindi niyo po maintindihan... Wag niyo nalang pong basahin.. Ayoko na mastress kayo o makunsumi sa kakabasa na puro naman mali..

Gusto ko rin po ihingi ng pasensya kung bakit ubod tagal ng ud. Unang una, marami po akong trabahong inaasikaso kaya nawawalan po ako ng oras. Pangalawa, tinatamad po akong isulat ang kwentong ito. Hindi ko alam kung bakit, pero nawawalan ako ng gana. Sa katunayan, buo na ito sa isip ko e. Isusulat nalang. Kaya lang kapag nagtatype na ko. Inaabot ako ng tamad.. Kung ihohold ko naman ito. Mabibitin naman kayo. At saka baka mapagiwanan. Kaya pasensya na kayo kung hindi ito umabot o aabot sa expectations niyo. Dahil aaminin ko... Wala po akong ganang isulat si Tobias..


Maraming salamat po.
Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now