Chapter Nineteen

43.4K 935 7
                                    

Kumakabog ang dibdib niya sa dahan dahang paglapit nito sa kanya. Ang distansya nila ay tila gahibla nalang. Mahigpit pa rin nitong hawak ang kamay niya. Parang nahihipnotismong tinitigan niya ang mga mata nito.

Sarili niya ang una niyang nakikita. Takot na takot at kinakabahan. Pero habang matagal siyang nakatitig ibang mukha na ang nakikita niya.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. S-Sir bitiwan niyo po ako. Pagpalag niya. Pero nanatiling hawak pa rin nito ang kamay niya. Hindi naman siya nasasaktan. Para nang napakasarap manatiling hawak siya nito.


Pero hindi maaari. Alam niyang may kakaibang damdamin ang sumisibol sa puso niya para dito. Pero hanggang doon lamang iyon. Hindi maaaring lumalim pa.


Mahal... Ang aga mong gumising. Diba mamaya pa namang alas diyes ang duty mo? Aniya sa mister na nakita niyang nagkakape na sa hapag. Sekyu ito sa isang bangko. Tuwing umaga ang duty nito na umaabot hanggang alas dos ng hapon. Kung minsan kapag may Overtime ay inaabot hanggang alas sais ng gabi. Madalas kasi ay mag overtime ito. Pambili daw ng diaper at gatas. Ayaw kasi siya nito payagan magtrabaho. Ito daw ang padre de pamilya kaya ito daw dapat ang nagtataguyod sa kanila.

Tumayo ito at saka siya niyakap ng mahigpit. Ngingiti ngiting tinapik niya ito sa braso. Naiipit ang bata. Aniya dito.

P-Pasensya na mahal.. Kinuha nito sa mga braso niya ang kulang kulang dalawang taon na anak nila. Uno.. Papasok muna si tatay ha! Ikaw muna ang bahala kay nanay. Wag mo siyang papaligawan habang wala si tatay. Pagkausap nito sa bata. Na para namang naintindihan ng bata dahil panay ang tawa nito sa ama.

Siraulo ka talaga! Anong ligaw ligaw ang sinasabi mo? Tawa tawa niyang sabi. Nilapitan niya ito sabay baba ng scramble egg na mabilis niyang niluto. Paborito nitong palaman iyon sa tinapay.

Aba! Ubod ganda ng misis ko! Baka mamaya may mga umaakyat na ng ligaw dito. Yari sila kay uno.. Diba anak? Tumawa muli ang bata. Para talaga silang nagkakaintindihan.

Naku! Kayo talagang mag ama. Siya! Tayo'y kumain na. Dadalhin ko pa sa center si uno mamaya.. Umupo ang mister niya at saka naman siya tumabi. Si uno nama'y hindi na bumitiw sa ama. Oh! Ba't ganyan ka makatingin? Puna niya nang matapos siyang sumubo ng kanin ay nakatingin parin ito sa kanya.

Hinawakan nito ang isa niyang kamay at saka pinisil. May mga maling bagay akong nagawa sayo. May mga pagkakataon na nauubusan kana ng pasensya sakin. Pero sana lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Na hindi magbabago ang lahat kahit---.

Bakit mo sinasabi 'yan? Salubong na kilay na tanong niya. Kung magsalita kasi ito akala mo'y nagpapaalam na sa kanya.

Pagak itong natawa. Mahal.. Gusto ko lang naman ipaalala sayo. Ayokong makalimutan mo na ginagawa ko ang lahat dahil mahal kita. Kayo ng anak natin. Ani nito sabay halik sa noo ni uno.

Pinahid niya ang luhang umalpas sa mga mata niya. Alam ko namang mahal na mahal mo kami. Kaya nga nagpapasalamat ako sayo...

Dinala nito sa mga labi nito ang palad niyang hawak nito. Mawala man ako sayo.. Babalik at babalik ako. Babantayan ko kayong dalawa ng anak natin.

Tinapik niya ito sa braso. Kung mag salita ka parang iiwan mo na kami a!

Mabilis niyang pinahid ang luha. Your crying! I'm sorry! Narinig niyang sabi ni Mr. A

Mabilis nitong binitiwan ang palad niya at saka naman niya pinahid ng luha ang mga mata. H-Hindi lang kayo ang nawalan.. Kumunot ang noo nito. Maging ako rin. Kaya sana wag kayong malito samin ng asawa niyo... Dahil gaya niyo----namatayan din ako. Pilit na sumisiksik sa alaala niya ang huling umaga na nakasalo niya si Joaquin sa almusal. Kung paano nito paulit ulit na sinabing mahal siya nito. Kaya pala, dahil iyon na ang huling beses na makakasama niya ito. Na iyon na ang huling pagkakataon na kakargahin nito ang anak nila. Kaya kung ipinagkakamali niyo ako sa asawa niyo. Nagkakamali po kayo.. Dahil nasisiguro kong magkaibang magkaiba kami.


Isinukbit niya ang bag at saka hinawakan ang panara ng pinto at binuksan iyon. Akmang bababa na siya ng sasakyan ng hagipin nito ang braso niya.


I'm sorry...






To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon