Special Chapter: Deep Oceanic Sea

58.2K 1.3K 87
                                    

Tobias! Aahh! Halos mapunit na ang leeg niya sa ginawang pagsigaw pero parang bingi ang asawa niya. Napahawak siya sa railings ng roof deck. Nalibot na niya ang buong yate pero hindi niya makita ang kanyang mag ama. Masakit na masakit na ang tiyan niya.

At nararamdaman niya na anumang oras ay lalabas ang bata sa sinapupunan niya. Dama niya ang unti unting pag agos ng mainit na likido sa binti at hita niya. Nanlaki ang mga mata niya. My water broke! Bulaslas niya. Tobias! Letse ka! Nasaan ka na ba? Manganganak na ko! Halos mamaos na siya kakasigaw hangganh sa nakarinig siya ng mga paghampas ng alon. Nang dumungaw siya sa railings ay nakita niya ang kanyang mag ama na paakyat sa yate.

Pangga! Dali dali siyang dinaluhan nito at iniupo. Bakas pa sa mukha nito ang takot at kaba. Manganganak ka na ba? Nagtatanong sa hinaplos ang kanyang tiyan. Pero napahiyaw lang siya.

You moron! Bakit mo ko iniwan dito mag isa! Lalabas na ang bata! Natatarantang nagpalakad lakad ito at saka binalingan si uno. Big boy! Call tito lex. Sabihin mo na manganganak na si nanay.

Masakit na masakit na ang tiyan niya. Pakiramdam niya ay hinahati siya sa dalawa. Aahhh! The baby.. Inalalayan siya ni Tobias pahiga sa recliner chair at saka itinaas ang laylayan ng suot niyang summer dress. W-What are you doing? Ibinaba nito ang panty niya at sinipat ang baba niya. Kahit mag asawa na sila ay parang hindi pa rin siya sanay na sinisipat nito ang pagkababae niya lalo pa kung umaga!

I'm checking the baby. Ibinuka nito ang mga hita niya at saka hinaplos ang maumbok niyang tiyan. God! Nakikita ko na siya!

Aahh! Lalabas na talaga! Napapasipol siya sa hapdi at sakit. Parang may mga sariling isip ang laman loob niya at humahawi iyon ng kusa upang sumayaw sayaw ang bata sa tiyan niya.

Push pangga! Push! Utos ng asawa niya habang hinahaplos ang tiyan niya. The head!

Naramdaman niya ang paglabas ng ulo ng bata sa bukana niya. Umire pa siya ng ubod lakas bago parang isang ilog na umagos ang tubig mula sa talon. Aaahhhh! Habol niya ang paghinga ng sa wakas ay naramdaman niya ang magaang pakiramdam. Nakalabas ang bata. A-Ang baby? Kinakabahan niyang tanong. They don't have any idea kung lalaki ba o babae ang magiging anak nila. They're staying in the yacht for almost five months already. Bumili ng yate si Tobias dahil gusto daw nitong mamasyal sila sa dagat. Because she can't able to sail in the cruise ship. Nagtiis muna sila sa yate.

And in her ninth months she didn't expect na dito siya aabutin ng paglalabor. Ang usapan nila ni Tobias na dadaong na sila upang makapaghanda pa. The OB said within this week ay lalabas ang bata.

Idinapa ni Tobias sa dibsib niya ang sanggol. A bouncing baby boy. Kita niya ang pagkislap ng luha sa mga mata ng asawa niya. He came... He muttered softly. Ngumiti siya at saka nilapatan ng halik sa noo ang batang humihikbi matapos umiyak ng buhatin ni Tobias. He look like---us.. Ani nito habang titig na titig sa anak nila.

Noon naman dumating si uno. Nanay! Tatay! Mabilis itong lumapit sa kanya. Ang pogi naman po niya. Mana sakin. May pagmamalaki sa tinig ni uno.

Big boy! Parang kay tatay nagmana ang baby brother mo. Napakunot noo siya sa tonong ginamit ni Tobias sa anak.

Tatay.. Sakin po siya nagmana. Kasi pareho kaming gwapo diba 'Nay. Natatawang hinalikan niya si uno sa pisngi.

Gwapo naman kayong tatlo nila tatay. Sa kanya kayo nagmana e. Ngmuso si uno. Kay tatay lang? Di ba pwedeng sa inyo din po?

Matalino nga ito. Oo sa amin dalawa.

Yey! Narinig mo 'yon Dos? Nagmana daw tayong dalawa kay nanay at tatay. Masayang pagkausap ni uno sa kapatid.

Nagkatinginan silang mag asawa. At sabay nagsalita. Dos?

Bakit Dos? Sabi ni Tobias.  Miski siya ay nagtataka din.

Ngumiti si uno. Labas ang mga ngipin. Diba po ako si Unofre o uno. Siya naman po si Dos.  Deep oceanic sea.

Sabay silang nagtawanan dalawa dahil sa binuong pangalan ni uno. Oo nga naman may sense ang sinabi nito. Naaliw na ginulo ni Tobias ang buhok ni uno. Where did you learned that big boy?

Tatay uso na po ang internet ngayon. At saka isa pa. Nasa gitna po tayo ng dagat! In her logical mind. Hindi niya lubos maisip na maiisip ni uno ang ganoon bagay. Hello Dos.. Ako ang kuya mo.. Si kuya uno.

Bumulong si tobias sa kanya. Tamang tama. Sundam na natin si Dos. Tapos pangalanan naman nating Tres.. Theresa   Reshelle. Kung babae.. Pero naniniwala akong babae ang susunod. Magaling kaya akong umasinta ng----. Tinampal niya ang bibig nito.

Tres ka d'yan. Ikaw ang te-tres-in ko dahil sa mga kalokohan mo. Alam mong naririnig ka ng anak natin. Suway niya sa makulit niyanh asawa. Pero gusto niya ang ideya na may anak silang babae.

Okay lang po nanay. Masaya nga pong maging tatlo na kami. Narinig nilang sabi ni uno habang nilalaro si dos.

Nagkatinginan silang dalawa. Iba ang lawak ng isip ni uno. Okay tres! Here we come...





----------

Promise last na po ito.. Si matteo nman po ang abangan natin. Hehehe..

Natatawa ako kay uno. Ang galing niya.. Naisip niya ung pangalan na un. Good job uno!

Alam ko inisip niyo ang weird ko talaga magbigay ng names. This is me. Weird. Hehehe.. Doon nga po pala sa mga message na hindi ko nasasagot pa. Wag po kayong mag alala. Binabasa ko po. Di lang po ako agad makareply. Pasensya na po..

Salamuch po sa walang sawang pagmamahal.

Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Kde žijí příběhy. Začni objevovat