Chapter Seven

51.6K 1.1K 32
                                    

Nasa maliit pa lamang siya ng bakuran nila ay nakakaamoy na siya ng gaas. Mabilis siyang tumakbo patungo sa likod bahay. Di nga siya nagkamali. Doon niya naaamoy ang gaas.

Nay! Tawag niya nang makita itong nagsisindi ng uling sa kanilang kalang abo.

Nariyan ka na pala! Gagawa ako ng almusal mo. Sabi nito saka muling bumalik sa ginagawa. Pero inagaw niya ang pagsisindi nito.

Nay diba ang bilin ko sa inyo ay pumirmi lang kayo sa loob ng bahay. Bakit kayo nagluluto? Alam niyo namang bawal ang usok sa inyo. May ashma kasi ito kaya iniiwasan nilang makakalanghap ito ng usok.

Anak, alam kong pagod kana sa trabaho. Gusto ko sana ay makakain ka muna bago matulog.

Nay! Diba ang bilin ko sa inyo ay wag niyo nang aalalahanin ang mga bagay na 'yan? At saka nakabili naman po ako ng lutong ulam at kanin doon sa kanto. Kaya di na niyo kailangan gawin yan. Aniya at saka inakay ito sa loob ng bahay.

Ayoko lang naman isipin mong pabigat na ako. Nakakahiya na kasi sayo. Sabi nito nang maiupo niya sa silyang kawayan. Nilagyan niya ng maliit na unan ang likod nito upang di mahirapan sa pagsandal at maging komportable ito.

Ano ka ba nay? Pamilya kita. Pamilya ko kayo ni uno. Kaya hindi ka pabigat. Inabutan niya ito ng tubig. Ay si uno nga po pala?

Kasama na ni nica. Dinaaanan dito kanina. Wala ka pa kasi. Akala ko nama'y nagovertime ka. Malungkot na napatango na lamang siya.

Paniguradong nagtatampo na naman si uno sa kanya. Sinabi pa naman nito kagabi na kung maaari ay maaga siyang umuwi. Nagpatawag po kasi ng biglaang meeting ang boss namin kaya nalate po ako ng uwi.

Bumawi ka na lamang sa ibang araw. Maiintindihan naman niya iyon. Tumango na lamang siya sa sinabi nito.

Malaki na ang pagkukulang niya kay uno. Sa kanyang anak. Madalas kasi ay uuwi siya pagod na o kaya nama'y antok na antok na siya.

Napabugtong hininga na lamang siya. Kung naririto lamang sana ang asawa niya. Kung buhay lang sana ito. Hindi nito hahayaan na magtrabaho siya para lamang mabuhay sila.

Ito ang gagawa ng paraan para sa kanila. Simula ng mamatay si Joaquin. Siya na ang tumaguyod sa kanilang pamilya. Hindi na niya inihiwalay sa kanilang mag ina ang nanay tinay niya. Ina ni Joaquin. Biyenan nman niya.

Bukod kasi sa may iniinda itong karamdaman. Wala naman itong maaari pang tuluyan maliban sa kanilang mag ina. Wala naman kasing ibang kapatid ang asawa niya. Alangan namang pabayaan pa niya ang matanda.

Matapos pakainin at painumin ng gamot ang kanyang ina. Pumasok siya sa silid nilang mag ina. Inayos niya ang ilang naiwang damit sa di kalakihang katre at saka siya nagbihis ng pantulog.

Mamayang alas sais ay may pasok ulit siya. Namimiss na niya si uno. Hindi na niya ito nakakatabi pag tulog. Minsan lang kasi sa isang linggo ang rest day niya.

Minsan natatapat pa sa araw na may pasok ang anak niya. Napagawi ang mga mata niya sa litrato nilang mag anak. Bagong panganak lamang siya noon kay uno. Buhay pa si Joaquin.

Dalawang taon pa lamang silang mag asawa ni Joaquin nang mawala ito. Nanghihinayang lamang siya sapagkat hindi nito nakitang lumaki si uno.

Matutuwa siguro ito kapag nalaman nitong napakatalino ng anak nila. Hinawakan niya ang litrato at saka inilapit sa kanyang dibdib. Ngayon niya nainintindihan ang pangungulila ng boss niya sa asawa nito.

Dahil maski siya ay nawalan din. Nawalan din siya ng katuwang at kabiyak. Pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi. Miss na miss na kita asawa ko...






To be continued...





--------

Natatawa ako sa predictions ng iba tungkol sa asawa ni Tobias. Hehehe.. May iba na, baka daw may amnesia lang siya o kaya ay may nagsabi na baka reincarnated ni edy ang asawa ni Tobias. Nakakaenjoy magbasa ng messages nila...

Sana nageenjoy kayo sa kwentong ito. Happy reading.

Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now