Chapter Thirty Eight

45.8K 1.2K 85
                                    

Napaupo siya sa silyang nasa harapan niya matapos iabot ng doctor ang resulta ng DNA na ipinagawa niya.

Positive Mr. Alejandro. Nagmatch ang DNA niya sa DNA ng asawa niyo. Napapikit siya dahil sa sinabi ng doktor.

Makailang ulit niyang pinakatitigan ang final impression ng Doctor sa baba ng papel. Maliwanag na positive ang nakasulat doon. Ninety-nine point nine percent.

Pangga... Kaya pala ganoon nalang ang pagmamalasakit niya dito. Kaya pala ganoon nalang ang pagaalalaga niya. Because she's my wife.

Pero paanong hindi siya kilala ng asawa niya? Paanong hindi siya natatandaan? Posible ba ang sinabi ni Lex na baka may amnesia ito?

Amnesia? Ulit niya sa salitang binigkas ni lex habang nakaupo silang dalawa sa komedor ng bahay ng mga ito.

Humigop muna ito ng kape. Posible dude. Well itinanong ko yan kay misis kagabi. May tinatawag silang long term memory loss.

Long term memory loss? Para siyang parrot na inuulit ulit ang sinasabi nito. Anong klaseng sakit 'yon?

Based sa study. Tumatagal daw ang ganoong klaseng memory loss ng buwan o taon. And maybe ganoon ang nangyari sa kanya. He sighed. Kaya ba minsan may mga outburst si edy na hindi niya maintindihan? Dahil ba may amnesia siya? Why don't you try to have some test?

A test? What test? Tanong muli niya. Magagamot ba ang amnesia kung sakali?

A DNA test. DNA. Parang may mga ilaw ng bumbilya ang biglang nagpaliwanag sa isip niya. Bakit nga ba hindi niya subukan? Kapag nagmatch ang DNA ni edy sa DNA sample ng asawa mo. Kompirmado. She's your wife. Ang kailangan mo lang ngayon ay makakuha ng materials na magagamit sa test.


Sinunod niya ang sinabi ni lex. Nagbaka sakali siyang tama ang hinala nito. Na baka nga. Salamat Doc. Tumayo na siya at saka ibinalik sa loob ng envelop ang papel na hawak.

Walang anuman Mr. Alejandro. Ngumiti ang matandang doctor sa kanya. Lumabas siya ng klinika nito at dumeretso sa parking lot. I need to see my wife.

Ngayong alam na niya ang totoo. Wala nang dahilan para lumayo ito sa kanya. He dial lex residential number. Dalawang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

Hello? Boses bata. Agad nangilid ang luha sa mga mata niya. Hindi na niya kailangan magtanong kung anak ba niya si uno dahil nasisiguro niyang anak niya ito. Kung paaanong nakasisiguro na siya ngayon na asawa nga niya si edy.

It's me. Simpleng saad niya. Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang sabihin sa bata na siya ang ama nito pero ayaw niyang pangunahan ang asawa niya. Kung kinakailangan niyang maghintay pa ng ilang taon para lang maaalala siya nito gagawin niya.

Tito Toby! Bumaha ng tuwa sa tinig ng bata. Si Nanay po? Susunduin na po ba niya ako? Uuwi na po ba kami? Pinahid niya ang luha dahil sa sunod sunod na pagtatanong ni uno sa kanya.


B-Baka mamaya. Kapag.. Kapag.. Nagkita na kami. Maikling paliwanag niya. Kailangan muna niyang makausap si Edy. If she needs a medical attention dadalhin niya ito sa pinakamagaling neurologist. Apat na taon ang pinaghintay niya.

Nagluksa at nangulila. Nabuhay siya sa loob ng apat na taong parang patay. Walang buhay. Kaya hindi na niya hahayaan na mawalay pang muli silang mag ina sa kanya. Ganoon po ba? Excited na po kasi akong makita si nanay. Marami po akong ikukwento sa kanya. Napuno ng saya muli ang tinig nito.

Kung maaari lang na lumabas ito sa telepono at yayakapin niya. Mahigpit na mahigpit. Pupunan niya ang apat na taong wala siya sa tabi nito. Mga taon na inakala nitong wala siya. Pero may tumayong ama para sa kanya. Gusto niyang makaramdam ng inggit para sa lalaking naging ama ni uno sa ilang panahon.

Mga panahon na sana ay siya 'yon. Na sana siya ang umaalalay kay edy kapag babangom ito sa hating gabi. Siya ang kumukuha ng mga pagkaing gusto nito dahil sa paglilihi. At higit sa lahat siya ang ansa tabi nito habang isinisilang ang anak nila.

Siya sana ang taong iyon kung hindi lamang nawala ang asawa niya sa kanyang feeling. All his regrets are drowning him in sadness. Na para bang kulang ang isang araw para ibigay ang lahat ng oras niya ng dahil sa pagkukulang niya bilang ama at asawa.

G-Gusto mo bang sunduin kita mamaya? Pinigil niyang napahikbi. Bilang isang ama. Kailangan ng isang anak ng matibay at malakas na tatay. At iyon ang bagay na maaari niyang ibigay.


Saan po tayo pupunta? Gusto ko po kasi si nanay ang susundo sakin. Napangiti siya. Mahal na mahal ni uno ang ina. Masaya siya na kahit apat na taong wala siya sa buhay nito. May magulang pa rin na nagmahal ay nagalaga dito.


Ipapasyal kita. Gusto mo ba 'yon? Hindi na nito kailangan sumagot dahil base sa sayang naririnig siya dito ay tuwang tuwang sumasang ayon sa gusto niya.



Mahal na mahal ka ni tatay. Anak.






To be continued...





--------

Not all Father's are like Tobias. May mga ama na, kahit ilang dekada nang nawalay sa pamilya o mga anak. Para paring walang pakialam. Siguro kung ang lahat ng tatay ay gaya ni Tobias, wala na sigurong mga kabataan ang napapariwara ang landas.


Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now