Chapter Twenty Nine

41.9K 1K 37
                                    

Unti unting nabubuhay ang takot sa puso niya dahil sa nakikitang mga taong sunod sunod na nagtatakbuhan palabas ng compound nila. May ilang tila mga galit at ang iba nama'y umiiyak.

Anong nangyayari? Narinig niyang tanong ni Tobias. Hindi makapasok ang sasakyan nito sa eskinita dahil may ilang road barrier na nakalagay doon. Idagdag pa ang mga barb wire na nakabakod din.

Si uno! Mabilis na bumaba siya sa sasakyan at sinalubong ang mga tao. Si tobias naman ay mabilis ding humabol sa kanya.

Edizel! Edizel! Sa wakas ay inabutan din siya nito. Sandali nga!

Pumiksi siya. Si nanay at si uno
Baka napapaano na sila. Sumidhi ang takot sa kanya. May ilang kababaihan silang nakasalubong.

Aling trining! Aling trining! Tawag niya sa ginang na humahagos. May bitbit itong ilang bag. Ito ang ina ni nica. Nang sa wakas ay lumingon ito. Mabilis niya itong nilapitan. Ano ho bang nangyayari? May sunog ho ba?

Naku edizel mabuti at narito kana. Yong nanay mo nagmamatigas pa doon. Ayaw paring umalis. Sabi ng ginang. May ilang humahagos din.

Naguguluhan siya. Bakit ho ba?

Hindi mo pa ba alam? Ngayon na ang demolisyon! Ang buong akala ng lahat ay may isang buwan pa tayong palugit. Pero hindi pala pumayag ang may ari ng lupa. Inamin naman ni kapitan na may mali siya dahil hindi niya tayong lahat na abisuhan na lumikas pero matigas ang may ari. Kailangang kailangan na daw ang lupa. At isa pa----. Hindi na niya tinapos ang iba pang sinasabi nito. Sinalubong niya ang tila dagat na mga taong lumalabas sa maliit na eskinita.

Mas natatakot siya sa kapakanan ng pamilya niya. Mabilis din namang nakahabol si Tobias sa kanya na para bang may magnet ito na kayang abutan siya. May mga demolition team ang inabutan niyang ginigiba na ang ilang karatig bahay nila. Napatakbo siya sa bahay nila. Nay! Uno!

Sa ilang paulit ulit na tawag saka niya nakita amg kanyang biyenan na nanatiling nakaupo sa kawayang silya. Nilapitan niya ito. 'Nay!

Edy! Yumakap ito sa kanya habang umiiyak. Sisirain na nila ang bahay natin.

Hinaplos niya ang likod nito. Ssshh.. Tahan na 'nay. Luminga siya sa paligid. Si uno ho?

Suminghot muna ito bago sumagot sa kanya. Hindi niya makita ang kanyang anak. Nasa eskwela na. Mabuti na lamang at nakapasok na ang batang 'yon bago pa nagkagulo dito kanina.

Nakahinga siya ng maluwag. Saan tayo titira? Ito nalang ang natitirang alaala ng anak ko. Muli na namang umiyak ang matanda.

Kahit siya ay napapaisip din. Heto nga't puyat pa siya. Ang gusto lang niya'y makatulog pero mukhang mapapaaga ang paghahanap niya ng malilipatan ngayon.

You can stay in my condo---for the meantime. Napagawi ang mga mata niya kay Tobias na tahimik palang nakikinig sa kanya.

Hindi. Agad niyang sagot. Kumunot ang noo nito. Ayaw kong maabala ka namin. At isa pa saan ka titira?

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now