Chapter Twenty Seven

44.5K 1K 47
                                    

Salamat... Usal niya nang maihatid niya sa tarangkahan ng bahay si Tobias. Pasado alas tres na ng madaling araw. At hupa na ang ingay sa paligid. Tulog na din ang anak niya at ang kanyang biyenan.

Your welcome. I'm happy na hinayaan mo akong makiselebra sa inyo. Sabi nito. Wala naman na rin siyang nagawa nang manatili na ito. Isa pa ito ang mismong sagot sa mga tanong ng kanyang biyenan.

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. Bakit ka nga ba dito nagbagong taon? Hindi na niya napigilang magtanong. Kating kati na siya kanina pa na itanong iyon.

Tipid itong ngumiti sa kanya. Ngiti na bihira niyang makita o mas madaling sabihing ngayon lang niya nakita. Bahagya pa itong lumapit sa kanya. At ikinagulat naman niya lalo na ng tumaas ang kamay nito papunta sa kanyang mukha.

Ang akala niya'y hahaplusin nito ang pisngi niya iyon pala'y hahawiin lang nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Libo libong pagpipigil ang hinawa niya upang wag mapapikit dahil sa kakaibang pakiramdam ng dahil lang sa ginawa ni Tobias sa kanya. Mas maganda ka kapag nakalugay ang buhok mo.

Alam niyang nagkulay makopa ang pisngi niya dahil sa papuri nito. Salamat na lamang at madilim. Madilim. Kaya paano niya nasabing mas maganda ako kapag nakalugay? Bolero!

H-Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ganting saad na lamang niya sa sinabi nito. Ayaw niyang patulan ang pakikipagbolahan dito dahil ano mang oras ay maaaring may makakita sa kanila at baka kung ano ang isipin. Isa pa, kahit matagal na siyang biyuda masama pa ring tignan na sa mismong labas ng bahay nila'y nakikipag usap at bolahan siya sa iba.

Humalukipkip ito. I don't know. Basta ang alam ko lang... I want to know you better.

Dahil curious ka. Mabilis niyang tugon. Oo nga't kahit siya'y nabibigla sa mabilisang paglapit nito sa kanya. Kahit batid niya na kamukha daw niya ang namatay nitong asawa. Iniisip mo pa rin bang baka ako ang asawa mo? Deretsahang tanong niya.

Umangat ang ulo nito upang tumingala. Tumanaw ito sa malawak na kalangitan at sinilip ang nagtatagong buwan sa maulap na dilim. Maybe yes, maybe no... I can't help thinking you and her. It's too much coincidence na marami kayong bagay na pagkakapareho.

Nanatili itong nakatingala. May mga tao na nagkakataong nagkakapareho pero hindi ibig sabihin niyon ay iisa na sila.

Yah! I know.. I know.. Kaya nga sinusubukan kong isipin na baka nagkataon lang ang lahat. Besides, she's already four years gone. Matagal na panahon na. And maybe she's already in there... Utinuro nito ang isa sa pinakamaningning na bituin sa kalangitan. Watching me every night and day.

Paano nakakasurvive ang ganitong klase ng tao? Na nabubuhay sa ganitong panahon. Kung siya marahil ang nasa kalagayan nito.. Baka manghina na siya at hilingin na kunin na rin siya ng Panginoon.

Kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong binabantayan ka lang niya. Tinitignan kung masaya ka ba. Bumaba ang mga mata nito sa kanya.

If that happens. Ako mismo ang magsasabi sa kanya. Gusto niyang mag iwas ng tingin dahil pakiramdam niya'y matutunaw siya dahil sa mga titig nito.

M-Magsasabi ng ano? Hindi niya maiwasang kabahan. Ang mga titig nito na tila tumutunaw sa kanya.

That i already found my happiness now... Mabilis na sagot nito kasabay ng malalim na paghinga niya.

Nag iwas siya ng tingin dito. Hangga't maaari iiwasan niyang mahulog dito. Ano namang masama? Biyuda ka. Biyudo siya. Aba! Perfect partner kayo! Agad niyang sinuway ang makulit niyang pag iisip.

Kahit kailan, hindi niya hihilingin na mahulog ng tuluyan dito. Dahil sa oras na mahulog siya. Baka hindi na siya makaahon pang muli. Lakad na. Umalis kana. Umagang umaga na. Pagtataboy niya dito. Itinulak pa niya ito. Inaantok na rin kasi siya. At saka baka magising si uno na wala siya sa tabi nito.

Humarap ito sa kanya at sinalubong ang mga tingin niya. Hindi mo na ko iiwasan ha? Because if you do.. Ako ang gagawa ng paraan para mapansin mo.

Hindi niya napigilang ngumiti. KSP ka pala kung ganoon.

KSP? Kunot noong tanong nito. Kulang sa pansin. Mabilis naman sagot niya. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

Akala ko naman ay,  Kyut at Sobrang Pogi. Nahampas niya ito sa braso.

Ang kapal! Itinulak na niya ito lalo. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan nila. Bye na..

Lumabas ang pantay pantay na mga ngipin nito dahil sa pagngiti sa kanya. Goodbye...

Ngumiti siya. At nang isasara na niya ang tarangkahan nila. Muli ay malapit na naman ito sa kanya. At natagpuan na lamang niya ang sarili niya sa loob ng bisig nito habang kulong kulong sya doon. At magkalapat ang mga labi nila!

'Nay!




To be continued...


-------

Ang haba na pero parang wala pa kong nakikitang liwanag sa ginagawa ko. Hehehe..

Pwede pong humingi ng pabor?
Wag niyo po ako tawaging otor, author, Ms. Author, ate author, Ms. A o kung ano pang katawagan. Ms. Writer etc. Hindi po ako author. At lalong hindi po ako writer. Isa lamang po akong ordinaryong babae na kagaya niyo. Isang babae na may malikot na imahinasyon. Iba po ang depinisyon ng writer at author para sakin.. Kapag sinabing author or writer ibig sabihin manunulat ka na nakakapaglimbag na ng aklat o mayroon nang aklat. Nakaimprenta ang pangalan mo na katibayang ikaw ang nagsulat. Sa kaso ko po, wala akong libro.. Masaya na po akong tawagin niyong Ai or Ate Ai.

Yun lamang po at maraming salamat.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now