Chapter Seventeen

44.1K 1K 18
                                    

Wag! Napabalikwas siya ng bangon. Panaginip. Mga masasamang panaginip na laging dinadalaw ang alaala niya. Mga panaginip na hindi niya alam bakit siya o anong ginagawa sa kanya.

Sinubukan niyang burahin sa isip niya ang lahat. Ang mga nakakatakot at nakakapanlambot na mga pangyayari. Papatayin niya 'ko. Bulong niya. Takot na takot siya.

Bumangon siya mula sa napakalambot na kama at saka iginala ang paningin. Nasaan ako? Bumaha ng takot sa isip at puso niya. Paano kung? Kung hindi talaga siya totoong nakaligtas?

Simple lang ang silid. Walang kahit na anong disenyo. Maliban sa LED TV na nasa dingding. Isang personal computer malapit sa bintana at isang leather couch. Si uno! Kailangan ko nang umuwi! Mabilis siyang bumaba sa kama kahit nangangatog pa ang mga tuhod niya. Pero hindi pa siya nakakaisang hakbang nang bumukas ang pintuan.

Your awake! Natigalgal siya nang makita si Mr. A sa harapan niya. Kung ganoon, hindi nga siya nananaginip nang makita niya itong dumarating upang iligtas siya sa kamay ng mga masasamang loob.

Mr. A! Dahan dahan itong lumapit sa kanya at ibinaba ang tray ng pagkain sa ibabaw ng kama. I know your hungry. I cook for you. Tara kain kana.. Wala siyang maaring sabihin. Nauutal siya sa hindi malamang dahilan.

Nahihiya siya dahil sa kabila ng mga pagiwas niya dito, ito pa rin pala sa bandang huli ang magliligtas sa kanya. Anong oras na po? Wala sasariling naitanong niya. Nasisiguro niyang umaga na. At alam niyang nag aalala na si uno sa kanya.

It's nine already. Mahaba ang naging tulog mo. Dinala kita dito sa condo ko. Kasi ito ang pinakamalapit. Besides, hindi ko alam kung saan kita iuuwe. And about those snatchers. Nasa kulungan na sila. Nagsampa na rin ako ng kaso against them. So you don't have anything to worry about. Mahabang paliwanag nito sa kanya. Siya nama'y natulala. Hindi niya alam na gagawin nito sa kanya ang mga ganoon bagay.

Nagyuko siya ng ulo. Marami pong salamat.. Hindi niya kaya g tumingin dito ng deretso. Kahit pa sabihing utang na niya ngayon dito ang buhay niya.

Eyes up Woman! Mariing utos nito. Hindi ako sanay makipagusap sa taong hindi nakatingin sakin.

Dahan dahan naman niyang iniangat ang ulo at doon nasalubong niya ang tingin nito. Mga tingin may pagaalala. S-Sorry... Hinging paumanhin niya na kahit ang totoo'y hindi niya alam kung para saan ba iyon.

Forgiven. Sabi ng binata at saka iginaya siya sa kama. Eat up! Alam kong gutom na gutom kana. Sandaling natigilan siya. Kung kakain siya, lalo lamang siyang magtatagal. Kailangan na niyang umalis.

S-Salamat nalang po. Pero kailangan ko nang u-umuwi. Kumunot ang noo nito. Saka huminga ng malalalim.

Kumain ka muna, then I'll take you home. I want to make sure that your safe. Halo halong kiliti ang naramdaman niya dahil sa sinabi nito. Is he concerned? Ipinilig niya ang ulo.

Natural lang naman sigurong maging concerned ito lalo pa't ito ang nagligtas sa kanya. Anong ginagawa mo doon sa lugar na 'yon ng ganoong oras? You should be at work by that time right?

Sunod sunod ang paglunok niya. Mukhang hindi yata nito alam ang pag-a-undertime niya. N-Nagpaalam po ako.. Kay Sir Troy.. K-Kung pwede mag-undertime.

At pinayagan ka niya? He is so irresponsible. Paano kung hindi pala ako lumabas para hanapin k---. Sandaling huminto ito. Tama ba ang narinig niya? Hinanap siya nito? Pero bakit? Paano kung h-hindi ako napagawi doon?

I'm sorry po ulit... K-Kailangan ko na pong umuwi. May sakit ang anak ko. Nang maisip si uno ay saka muling tulo ang mga luha niya. Kung hindi pala siya nito iniligtas, hindi na pala niya makikita ang anak niya.

Baka hindi na niya ito makakasama. Dahan dahan itong tumabi sa kanya at saka isinandig siya sa matigas nitong dibdib. Walang pagprotestang hinayaan niyang muli siyang makulong sa mga bisig na iyon. She felt safe and secured.



It feels like home.






To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now