Chapter Eighteen

44.4K 1K 27
                                    

Sir hindi niyo na po sana ako hinatid. Edy keep on murmuring while his eyes are focused on the road. He insists na ihatid ito. Ayaw man niyang aminin pero natatakot siya na baka mapahamak ulit ito.

Nasa pangalawang eskenita na sila nang pigilan na siya nito. Sir dito na lang po. Awat nito sa kanya. Inihinto niya ang sasakyan. Dito na ba ang bahay niyo? Luminga linga siya sa paligid. The congested area are far from the place that he imagining in his mind. Iniisip niya na sa isang maayos na urban area ito na nakatira. Pero salungat sa inaasahan niya.

Nagkalat ang mga batang kalye, mga tsismosang kapitbahay those cricket's love to spread gossip. Mga taong ginawa nang hanapbuhay ang pagkwentuhan ang buhay ng ibang tao.

What makes his brows moving? 'Yung mga kalalakihang tambay na bote ng alak ang nasa harapan sa almusal! Ganyan ba sila araw araw? Wala sa sariling tanong niya.

Alin po sir? Narinig niyang tanong dun nito. Somehow, he felt worried again. Paano nito nalalampasan ang ganoon buhay araw araw? Ang tumira sa tabing estero at mamuhay kasama ang mga taong tinalikuran na ng siyudad?

Itimuro niya ang mga lasing na nagiinuman. Those drunk man. Aniya niya.

Nakita niya ang pagak nitong pagtawa. Normal na buhay na 'yan dito Sir. Araw araw alak na ang dumadaloy sa mga ugat nila. At yang mga kumpulan ng mga babae na yan? Sabay turo sa mga babaing nasa tabi ng water pump na kanya kanyang paglalaba. Pero sinasabayan naman ng tsismisan at hagikgikan. Yan na ang buhay nila. Nakakaawa ay ang mga anak nila. Napapabayaan dahil sa pansariling interest ng mga magulang nila. Kung mayaman lang ako.. Ako na mismo ang mag aalaga sa kanila. Ipagpapatayo ko sila ng sarii nilang bahay. Yung may mga helper na magaalalaga sa kanila.

He suddenly get froze after he heard what she said. The familiar tightness in his heart came unexpectedly.

I want to provide those street children their own home. Yung may mga magaalaga sa kanila. Unlike their parents na walang alam kung hindi magsugal at tumambay. His wife said while her beautiful eyes settled to those street children. Traffic kasi at nakahinto ang sasakyan.

Alam niyang maawain ang asawa niya. Napakalambot ng puso para sa iba. Lalo na sa mahihirap. Hindi lang dalawa o tatlo ang charity institution na tinutulungan nito. Sa katunayan, nagpatayo na ito ng sarili nitong bahay ampunan. Pangga, why don't you let their parents to prove themselves? Baka naman hinahanap din sila ng mga magulang nila.

I doubt it! Mabilis na sabi nito. His wife ia a very argumentative person. Kapag alam niyang nasa tama siya she won't let you to win against her. Pinagtatrabaho sila ng mga magulang nila! Look at them! Sabay turo sa mga bata. Ang papayat! Halatang kulang sa nutrisyon. Kahit umuulan sige sila sa panghihingi tapos ano? Yung mga magulang nila? Instead of providing foods for their children mas pinipili pang magsugal. Madali talagang uminit ang ulo ng asawa niya kapag nakakakita siya ng mga ganyang bata. Mga nanghihingi sa kalsada para lang may maipakain sa mga magulang. Akala ko mahirap ang magpalaki ng mga anak. Mas mahirap palang magpalaki ng magulang!

He grabbed her hand and squeezed it. Relax pangga. Don't worry i will asked Troy kung anong magagawa natin sa kanila. Paano natin sila matutulungan. Her eyes glisten in excitement.

I know pangga.. That we always have the same heart. Sabi nito. Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. Hindi ako nagkamali nang ikaw ang piliin ko. I love you pangga...

He lowered down his head and he gently kissing her parted lips. I love you more pangga...


Sir! Sir! Napaigtad siya ang tampalin siya ni edy sa pisngi. Natulala kayo!

Ibinukas sara niya ang mga mata. How come na pati ang pangarap ay iisa ang mayroon sila? Two different woman have all the same things. Mas lalong gumugulo ang isip niya. Mas lalo siyang nahihirapang alamin kung tama ba ang lahat ng ito.

Hinawakan niya ang palad nitong nasa pisngi pa din niya. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang tangkang paghila sa kamay nitong hawak hawak niya. S-Sir!

Tinawid niya ang distansya nila at lumapit ng bahagya dito. Kita niya ang pagkataranta at takot sa mga mata nito. He need to do this. Dahil hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. And the only thing para malaman ang totoo ay ang...




To be continued...






-------

Last update for today. Happy reading.

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now