"Sure ka? Eh panu kung may iba pang kasama yun." Nagulat ako sa tanong ni Kim pero natawa lang ako.

"Hahaha so anung gusto mong sabihin?" Natatawang tanong ko.

"Ang ibig ko lang namang sabihin masyado ka ng kampante kay Kaye at hindi mo na inaalam kung sinu at kung saan-saan sya nagpupunta."

"May tiwala ako kay Kaye and I'm sure trabaho lang yung pinagkakaabalahan nya ngayon at hindi nya gagawin sakin kung anuman yang sinasabi mo ngayon Kim. Di ba Nicky?" Tanong ko kay Nicky. Napatingin kaming dalawa ni Kim sa kanya.

"Ha? Oo naman." Simpleng sagot ni Nicky.

"See? Sabi ko sayo kaya wag na nating pag-isipan ng masama si Kaye ha. Tara na magplano na lang tayo." Nakangiting sabi ko. Hindi na umimik si Kim at tahimik na ulet kaming tatlo.
























*****

KAYE'S P.O.V.

"Okay ka lang?" Tanong ni Tyng.

"Ha? Oo naman pagod lang." Sagot ko.

"Sure ka? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko parang malalim yang iniisip mo. Bakit?" Tanong nya.

"Wala."

"Kaye kilala kita."

"Wala lang may iniisip lang."

"Anu nga?"

"Si Reah."

"Anung meron kay Reah?"

"Wala."

"Hay naku Kaye anung wala ka dyan? Anu nga kasi?" Ang kulet nya talaga. Ayaw nya kong tigilan hangga't hindi nya nalalaman.

"Wala naisip ko lang malapit na anniversary namin pero wala pa kong plano." Sagot ko at nagulat ako ng bigla syang natawa.

"Hahaha sigurado ka yan problema mo? Kaye kailan ka ba nawalan ng idea pagdating sa ganyan?" Natatawang tanong nya.

"Hindi ko alam pero yung totoo wala talaga akong balak gumawa ng kung anu."

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Wala lang. I'm sure busy din naman sya nun magiging ordinaryong araw lang yun para saming dalawa." Sagot ko.

"Ganun? Ngayon ko lang yata narinig sayo yan ha. Ngayon ka lang nawalan ng ganang magplano ng surprise para kay Reah. Bakit?"

"Hindi ko alam. Teka may gagawin pa ba tayo?" Tanong ko para maiba yung topic namin.

"Wala naman na pero nag-aaya sila Janna gusto mo bang sumama?"

"Saan?" Tanong ko.

"Dyan lang anu you want?" Napaisip ako bigla sa tanong nya. Gusto kong sumama na parang ayaw ko pero dahil mukang wala pa naman si Reah sa condo kaya sasama na lang ako.

"Sige."



















"Kaye! Buti sumama ka." Natutuwang sabi ni Janna pagkadating namin ni Tyng sa lugar na palaging pinupuntahan nila ni Jane.

TWO HEARTS (Book 3)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα