Chapter 46: Missing, Empress

Start from the beginning
                                    

It's been two days since Summer went missing. Na-hack na rin ni Natsu and Reina ang surveillance camera sa Underground pero wala kaming ibang makita dahil may pumutol ng wire ng mga camera. Nakita rin namin ang host sa isang room na walang malay. Habang si Mitsuo ay patuloy lang sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya.

Alam kong may hindi magandang nangyari kay Summer. Hindi siya umaatras sa laban. Kaya alam kong nasa panganib siya ngayon. Ilang tao ba ang dumukot sa kanya? Pero sino ang may kagagawan? Noong una ay pinaghihinalaan ko ang BDG. Pero may pride si Emperor kaya alam kong hindi niya iyon gagawin para mawala sa landas ang Empress at para madeklara na sila ang nanalo. Hindi siya maruming maglaro.

Halos itapon ko na sa labas ng bintana ang laptop ko nang ayaw mabuksan ng website ng Underworld. Mukhang may anomalyang nangyayari. Pero sino? Sino ang gumagawa nito? Anong connection nito sa amin? Hindi naman siguro iyong mga sindikatong kuminap noon kay Summer hindi ba? Ah no. Malabo, wala na sila dahil tinapos at inubos na sila ni Lolo dahil sa naging epekto nito kay Summer.

Habang busy si Ken sa pagti-try na ma-open ang website ay tumayo ako at sinara na ang laptop ko. Pumunta ako sa kitchen at in-open ang cooler para makakuha ng soft drinks in can. Pagkatapos kong maubos ay umupo ako sa isang stool.

Kahit paano ko usipin kung paano nangyari ang lahat ay ayaw makipagtulungan ng isip ko. Alam kong nandoon ang guardian ng crowned gang (Emperor's Gang), pero pati sila ay walang ginawa o nagawa para mapigilan ang pagkuha kay Summer.

Akala ko kanina ay guni-guni ko lang ang nakita ko kaninang may tumatakbo. Pero dahil madilim ay pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Ngayon pala ay iba na iyon. Kung sana. Kung sanang sinunod ko lang ang instinct ko. Hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to.

Third Person's Point of View

Lumingon si Trale sa direction ni Wynd. Napabuntong hininga na lang siya. Hindi alam ni Trale kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ngayon. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang sabihin ang mga nalalaman niya o kailangan niya pang maghintay ng tamang oras para sa mga bagay-bagay.

Pagkatapos linisin ni Trale ang nga sugat niya ay tumingin ulit ito sa direction ni Wynd. Pero walang pinagbago ang expression nito. Blangko pa rin at may malalim na iniisip.

Kinuha ni Trale ang phone niya sa pocket ng pants niya at tinititigan ang wallpaper. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Ilang taon na ang nakakalipas. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya. Siya ang dahilan kung bakit nagkakanganyan siya ngayon. Pero hindi niya magawang manisi. Because in the first place, wala naman siyang kasalanan sa lahat.

"Please, give me a little more time." Nasabi na lang niya at tumayo tsaka siya nagpunta sa room niya at natulog.

Nakatulala lang si Wynd habang nakatitig sa labas ng bintana ng headquarters. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang emotion na nakita niya sa mata ni Empress Butterfly nang makita niyang may tumulong luha sa mga mata nito.

Nababalot ang mga mata nito ng pagsisisi, pagkamuhi, pagkalito at higit sa lahat ay kalungkutan. Kilala nang lahat, kasama siya, na hindi nagpapakita nang kahit na anong expression ang Empress lalo na kung may Underground fight. Pero habang seryoso silang naglalaban ay nabasa niya sa mata nito ang mga emotion na iyon. Pilit iniisip ni Wynd kung para saan ang mga expression na iyon, pero alam niyang may bumabagabag sa Empress.

Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng pag-aalala dito. Kahit isipin niya ang mga ginawa nito sa kanya ay hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya ang emotion na nakita niya sa mga mata nito sa oras na iyon.

In-on ni Wynd ang phone niya at bumungad sa wallpaper niya ang picture nilang dalawa ni Summer. Gustong puntahan ngayon ni Wynd si Summer sa apartment nito. Pero ayaw ng isip niya. Dahil madalas mabasa ni Summer ang mga nararamdaman niya. Ayaw niyang mag-alala ito.

Napangiti siya dahil bigla niyang na-imagine ang magiging reaction ni Summer kapag nagpakita siya sa ganitong sitwasyon niya.

"I don't want to die in the blazing fire of a dragon." Natatawang sabi niya at tinago ang phone niya sa pocket ng pants niya. "Magpagaling ka Summer."

Kahit papaano dahil kay Summer ay nawala ang konting pagamba at galit niya. At dahil iyon sa babaeng mahal niya. Si Summer Night.

Summer's Point of View

Nag-try akong buksan ang mga mata ko. Pero may nakasuot na blindfold. Para hindi mahalatang gising na ako ay hindi ako kumilos-kilos. Kahit na nanghihina ako ay pinakiramdaman ko ang paligid ko.

Tahimik noong una, pero hindi naglaon ay nakarinig ako ng mga yapak. At papalapit ang mga iyon sa direction ko. Tinry kong alisin ang tali sa kamay ko, pero hindi lang basta tali ang ginamit nila. Chain.

"What are you planning to do with her?" Hindi pamilyar sa akin ang boses ng lalaking 'to. Pinakiramdaman ko ang iba pa at naramdaman kong medyo marami sila.

"I'm going to kill her in front of them. At any cost, I'm going to kill her." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng sumagot. P-pero bakit? Bakit sa lahat ng tao siya pa ang magsasabi ng ganitong bagay?

B-bakit? Bakit sa lahat ng gagawa sa akin ng ganito ay ikaw pa? Bakit ikaw pa ang ta-traydor sa akin?

***

Who's the traitor? Who's the traitor? Hahaha. Sorry, ito po yung nagagawa ng bakasyon sa akin. Boredom strike!

Hindi ko alam kung every week akong makakapag-update. Dahil bakasyon na, ibig sabihin, walang pera pampa-load haha. Kaya sorry po kung next week ay wala akong update dahil sa poor kid lang po ako. Haha.

Abangan! Chapter 47: Clarinet Penelope

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now