Chapter 16: Clearing Feelings

5.9K 127 1
                                    

Chapter 16: Clearing Feelings

Nathalie's Point of View

Next Day

"Hey Nathie, tignan mo si Summer. Para siyang lutang." Sabay kaming tumingin ni Alice kay Summer na nakaupo ngayon sa veranda.

Nakatulala siya habang malapit ng pumikit ang mata niya. Nasa malayo ang tingin at mukha siyang puyat. Ano kayang iniisip niya? Hindi ba siya nakatulog ng maayos.

"Puntahan natin?" Umiling lang ako bilang sagot. Binigyan naman niya ako ng nagtatakang expression.

"Nandito na rin siya mamaya. Pero bago yan, penge munang pain reliver. Ang sakit ng ulo ko, hungover eh." Natawa naman siya at may kinuha sa pocket niya. Pain reliver pala. Kinuha ko ang gamot at pumunta sa kitchen. Iniwan ko muna siya sa cottage.

Nakasalubong ko naman si Gabrielle kaya umiwas ako ng tingin. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay bigla akong nahilo. Pagkagising ko kanina ay nahihilo pa rin ako. Napahawak ako sa sink pero hindi ko napansin na may tubig doon kaya nadulas ang kamay ko. Akala ko ay babagsak na ako sa floor pero may humawak sa bewang ko. Pagtingin ko si Gab. Akala ko umalis na ito kanina?

"Ahm ano. Thank you." Binitawan naman niya ako kaya pumunta ako sa side para kumuha ng tubig sa refrigerator. Pagkalagay ko ng tubig sa baso ay napatitig ako sa pain reliver.

Wala bang syrup na pain reliver? Hindi kasi ako sanay na tablets ang iniinom ko. Since i was a kid, palagi akong nasusuka kapag umiinom ako ng tablets. Even vitamins nasusuka ako. Hindi ko alam kung bakit. Kaya nga ayokong nagkakasakit kasi ayoko ng uminom ng syrups na gamot. Nakakahiya, para akong bata.

Huwag ko na lang kayang inumin ang pain reliver? Pero hindi maaalis ang sakit ng ulo ko kapag hindi ako uminom ng ganito. Hindi din ako umiinom ng coffee. Mapait kasi ang panlasa ko sa coffee. Tsaka sumasakit ang sikmura ko kapag umiinom ako ng coffee.

Kumuha ako ng spoon at doon ko muna nilagay ang pain reliver. Para hindi madumihan. Yuyuko muna ako dito sa kitchen table, malay ko ba kung titigilan na ako noon ng headache.

"Why did you place that medicine on that spoon?"

"Ay baklang palaka ka!" Halos mapatalon ako dito sa upuan dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Tumawa naman siya kaya mas lalo akong nagulat. He never smile at me nor laugh. This is the first time.

But Nath! Take note! Move-on, he will never love you back. Tumayo na ako at kinuha ang pain reliver sa spoon at aalis na lang ako dito. Ayokong maiwan sa isang lugar na kasama siya. Palabas na sana ako ng pinto pero pumunta siya sa harap ko at sinara ang pinto. Nabigla ako sa ikinilos niya, what is he doing? Is he insane already?

"Hey! I need to go out. Excuse me, lalabas na ako." Naramdaman kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya tinitignan habang nagsasalita ako. Hinawakan niya ako sa chin ko at itinaas niya ng konti para magmeet yung mga mata namin. Pero tumingin ako sa side para hindi ko makasalubong ang mga tingin niya na nakakailang.

"Nathalie, look at me." Pero yumuko ako at tumitig sa mga sapatos ko. Bakit kinakabahan ako? Feeling ko hindi maganda ang kalalabasan nito kapag nagtagal pa ako dito. Feeling ko hindi ako makakahinga ng maayos dahil sa kasama ko siya sa isang lugar lang.

Inangat niya ulit ang chin ko pero tumingin ulit ako sa kabilang side. Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga. Akala ko ay titigilan niya na ako pero nabigla ako ng hapitin niya ang bewang ko at nagulat na lang ako sa susunod niyang ginawa. Bakit niya ako hinalikan? Anong dahilan ni Gabrielle at ginawa yun?

Hindi ko napansin na tumutugon na pala ako sa mga halik niya. At nakahawak na ako sa batok niya. Akala ko ba Nathalie iiwas ka na sa kanya? Akala ko ba magmo-move-on ka na? Anong ginagawa mo ngayon? Humiwalay ako sa halik niya at tinulak siya paalis sa harap ko at lumabas na ako ng pinto ng kitchen.

Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay hinila na niya ako papasok ng kitchen at nilock ito. Pumunta ako sa sulok ng kitchen at doon yumuko at umiyak ng tahimik. Simula't-sapul, ako na yung nasasaktan. Simula nung makilala ko siya at minahal ko siya. Kahit na nasasaktan na ako ng sobra-sobra ay mahal ko pa rin siya. Hindi ko nga alam kung bakit nainlove ako sa isang woman hater!

Naramdaman ko namang tumabi siya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Nathalie, look at me. If you didn't look at me, i'll kiss you hard." Napatingala naman ako dahil sa sinabi niya. Nung una ay nakakunot ang noo niya pero nang mapansin niyang umiiyak ako ay lumambot ang expression niya. Hinawakan niya ko sa pisngi at pinunasan ang luha ko.

"Why are you crying?" I was taken aback when he ask that question. Why did he care? Di ba kapag woman hater ka, wala kang pakialam sa mga babae? Bakit siya nagtatanong?

"Why do you care?" Tanong ko sa kanya. Nang hindi siya makasagot ay yumuko na lang ako. Bakit nga ba tinanong ko pa yun? Wala naman talaga akong halaga sa kanya di ba? Hindi ko nga alam kung tinuring niya ba talaga akong kaibigan. Natatawa na lang ako. Baka nga hindi eh. Baka hindi niya ako tinuring ni kaibigan man lang.

"Because, i care for you." Napaangat ako ng tingin dahil sa sagot niya. What? Nabibingi na ba ako? He care for me?

"Nagpapatawa ka ba? You care for me? Is that a joke Gabrielle? Tell me para tumawa na ako." Nagbago naman ako ang expression niya. He looks mad at this moment.

"Bakit ba ayaw mong maniwala Nathalie? What's wrong with the thought that i care for you?! That's not a joke! Okay? That's a fact!" Para akong napipi dahil sa sigaw niya. Yuyuko sana ako ulit pero hinawakan niya ang right palm ko at itinapat sa left chest niya. A-ang lakas ng heartbeat niya. Napapikit na lang ako at itinapat ko ang tenga ko sa chest niya.

Ang sarap pakinggan ng heartbeat niya. Para akong hinehele. Akala ko dati hindi ko na siya ng ganito kalapit. Para ko na rin siyang yakap. Kung dati nalalapitan ko siya dahil sa away namin, ngayon ay hindi. Ibang-iba ngayon.

"Gabrielle, bakit hindi mo ko kayang mahalin? Hanggang kaibigan na lang ba?" Hindi ko maiwasang hindi matanong ang tanong na yun. Pwede bang kahit ngayon lang ay umasa ako na mahalin niya rin ako? Kahit ngayon lang? Pagkatapos ng araw na 'to ay iiwas na ako sa kanya. At magmo-move-on na ako.

"High school back then, there is a guy who was named L. She met a princess named N. They became friends and then L fell inlove to N. Then the time came, N confessed to L that she loves him. That is the happiest day to him, but he remembered who is he. He forget that he can't fall inlove. He turned down N just to have her safety. That was the day that he forget how to love other girls. He love N from afar. He can't confessed. But he loves her more than his life."

"Who is N?" I ask. Parang love story ko lang. Ganun na ganun ang nangyari sa amin. But he didn't love me, the way L loves N.

"The gorgeous lady besides me. I'm L." Napaangat ako ng tingin and accidentally our lips met. Magsasalita na sana ako pero, hinila na niya ako at hinalikan ako for the second time. I kiss him back and it was full of love. We kiss passionately and full of love.

But he loves me?! He trully loves me?! Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. I thought he will not going to love me. Akala ko mamahalin ko na lang siya sa malayo. We broke the kiss but when he saw me crying he wipe my tears.

"I love you Nathalie Natividad. I am in love to you since the day that i met you. But the truth is, that was the time we're in the middle of war. Gang war to be exact. Lahat ng kalaban namin ay kumikilos, hinahanapan nila kami ng kahinaan kaya lumayo kami. Kaya sinaktan kita at sinabi kong hindi kita mahal dahil sa may nakatutok noong baril sayo. And i hate the fact that i can't guard you all the time i want. But this is the right time. I will always protect and love you Nathalie."

"I love you to Gabrielle." Then i hug him with a smile on my face. Happiest day ever.

***
Sorry sa late update. I'm busy with my study.

Abangan! Chapter 17: Basketball

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz