Chapter 19: Laundry

6K 135 22
                                    

Chapter 19: Laundry

Sophia's POV

"The top 6 and 5. The Angel Gang and Devil Gang. Also known as the twin gang. Each gang composed of five members including the leader Angelica and Daemon. Sila ang may hawak ng information ng mga nasa middle stage na gang. At sila rin ang may hawak sa mga training nila."

Nakatitig lang ako kay Rain habang nagsasalita siya. Mabilis na naman ang heartbeat ko. And i hate to admit it but i already fall for him. Pero alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya. He doesn't like me more than a friend.

"Furious Gang, the top four. Sila ang pinakakonti ang members. They have only four members, including their leader Georgina. They were skilled in using katana. They are saddist, definitely. Sila naman ang may hawak ng mga trainings sa katana, pero babae lang ang tinuturuan nila."

Iniwas ko ang tingin ko kay Rain dahil naktingin sa akin si Kuya Trale. Baka kung ano pa ang isipin ni Kuya Trale. Observer pa naman ang magaling kong Kuya. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailan kaya makakahanap si Kuya ng katapat niya? I hope, hindi na matagal yun hahaha.

"The top three is composed of seven members. The Sonyeondan Gang. Monster is their leader. Mga artista sila kaya madals ay wala sila. Cover up na din nila. Sila ang may hawak sa training about the gun."

Nakatingin lang ako sa ibaba habang nagpapaliwanag si Rain. Hanggang ngayon kasi ay nakatingin pa rin sa akin si Kuya Trale.

"Golden Black Gang. Composed of twenty-one members. They have two leaders, which is First and Seventeen. They are twelve guy and nine women. Sila ang nagse-secure ng Underworld, also drag racing trainer."

"Red Salamander Gang. You know them already. Redille is Emperor's causin. They are composed of nine members. At sila ang direct messenger. Sila din ang nagse-set ng appointment kapag inutos ng kahit isa sa amin."

Napatingin ako kay Rain dahil sa huli niyang sinabi. Bakit parang hindi ko alam ang tungkol sa kanila? Or wala talagang balak sabihin si Kuya about dito?

"The Hidden Frontier Ripple. They are not considered as gang. Because they are known as the Guardian and protector of the crowned gang. They are more than one hundred members. At ang ilan sa kanila ay nasa paligid lang, they are watching over us. So don't make a bad move everyone."

May nagmamatyag? Pero bakit wala silang sinasabi sa amin? Pero why not di ba? Safe kami kung may magbanta man na may gawing masama sa amin. Lalo na kaming mga babae na hindi marunong magtanggol ng mga sarili.

Knowing gangster world. Minsan na akong nakapunta noon. Ako pa! Ang galing ko kayang magsneak out!

Summer's Point of View

Binuhat niya ako at for the nth time, piggy backride. Hindi ko na nga alam kung pang-ilang beses na ito. Hanggang sa paglabas namin sa forest ay nakasakay pa rin ako sa likod niya. Ayaw niya akong paglakarin, akala ko nga concern eh. Pero maling akala din ako, kasi baga daw makalabas na lang kami ng forest ay gabi na. Kaya binuhat na niya ako.

Kaya nahampas ko lang siya pero tinawanan niya lang ako. Sumandal ako sa likod niya at niyakap siya ng mahigpit ng konti. Pero hindi yung sakal na talaga, baka isipin pa nito na pinapatay ko na siya dahil sa pang-aasar niya sa akin. "Huwag mo namang ipahalata na type mo ako."

Hinampas ko siya ng mahina pero tumawa ulit siya. Nasanay na akong tumatawa siya pero minsan ay nagwawala pa rin ang puso ko. Sabi niya ay ayos lang yun dahil normal lang daw. Hindi ko nga maintindihan yung sinabi niya na normal lang. Normal saan? Yung mabilis na pagtibok ng puso ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti at tumatawa?

Pagkalabas namin ng forest ay magtatakip silim na. Hindi kami kumain ng normal na lunch dahil kumuha lang ng prutas si Comet sa mga puno malapit sa lake. May apple pa nga at macopa kaya naubos ko karamihan. Ang takaw ko nga daw. Hindi ko tuloy alam kung compliment ba yun o insult noong sabihin niya yun. Pero ng maubos ko tsaka ko lang narealize na insult yun at hindi compliment.

"Ano naniniwala ka ba sa sinabi ko? Na kung pinaglakad kita, baka sumapit na ang gabi at nasa forest pa rin tayo." Sabi niya at pumasok na sa bahay. Hindi ko na lang siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan namin at mapupunta sa asaran ang usapan namin. Nakasalubong pa namin sina Jc at Michael na mukhang nagkukwentuhan pa. Mukhang nagkakamabutihan na ah. Ngumiti silang dalawa ng pang-asar tapos palipat-lipat ang tingin nila sa amin.

Pagkapasok sa room namin ay inupo niya ako sa kama ko at agad siyang pumasok sa comfort room. Ilang saglit lang ay may dala na naman siyang box. First aid kit din, pero mas madaming laman itong galing sa comfort room. Napangiwi ako ng makita ko ang sugat ko. Mukhang matagal to bago maghilom. Inalis niya ang nagkalat na dugo at nilagyan ng alcohol habang hinihipan, para mawala ang hapdi. Pagkatapos niyang linisan ay binago na niyang ang bandage.

Nalagyan na nga ng dugo ko yung bedsheet ko. Sabi niya ay papalitan na lang daw niya. Nakaramdam ako ng antok ng painumin niya ako ng tea. Itutuloy ko na talaga ang tulog ko.

Wynd's Point of View

Inihiga ko muna siya sa kama ko dahil papalitan ko ang bedsheet niya na nalagyan ng dugo galing sa bandage niya kanina. Pagkatapos kong palitan at ayusin ang bedsheet niya ay pinanood ko na lang siyang matulog. Hindi ko maiwasang isipin kanina yung usapan namin. Totoo kayang hindi niya alam? Ipinilig ko na lang ang ulo ko.

Inayos ko ang higa niya sa kama ko at tumabi sa kanya. Masakit na ang likod ko dahil sa pagtulog ko kanina. Pagkaahiga ko ay saktong kumilos siya at niyakap ako. Mukha na ba akong unan? Napangiti na langa ko. Nako Wynd, matulog ka na nga lang kaysa sa ano pang iniisip mo dyan.

Pagkamulat ko ng mata ko ay wala na siya sa tabi ko. Napatingin ako sa alarm clock. Bakit hindi ata tumunog o sadyang napasarap lang ang tulog ko dahil ang sakit ng katawan ko kahapon? Tumayo na ako at nakita ko ang isang sulat sa pader.

Kung may kailangan ka, puntahan mo na lang ako sa may sampayan. Naglaba na kasi ako ng damit, bedsheet at mga kumot. Bago na ang bedsheet mo dyan kaya huwag mong dudumihan.

Ang nag-iisang nerd sa buhay mo,
- Summer Night

Napailing na lang ako. Sabi ko sa kanya ay huwag munang ipaglakad ang paa niya. Aish, ang kulit talaga ng nerd na yun. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas ako ng bahay. Pumunta ako sa likod kung nasaan ang sampayan. Humangin naman kaya napasinghap ako. Ang lamig talaga ng hangin dito.

Naririnig ko ang tunog ng mga kumot at bedsheet na sumasabay sa pagaspas ng hangin. Pagkasilip ko sa likod ay nakita ko siya. Nagsasampay siya ng kumot. Tinitignan ko lang siya sa malayo. Summer is a gorgeous woman, she's also cute when she pout. Umupo ako sa upuan na nasa malapit na sampayan. Hindi niya ako makikita dito dahil sa natatakpan ako ng bedsheet.

Pero siya, kitang-kita ko siya dito. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ko siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatawa ng mahina. Mukha akong stalker, no i'm an admirer. "Your like an idiot Wynd. Something happened?"

Kailan kaya titigil sa pang-iintriga sa buhay ko ang magaling kong kapatid? Sino pa ba? Si Ate Narissa. Buti at hindi niya kasama si Kuya Kean? Is that even a miracle to consider? Nah, baka napahiwalay lang si Ate at saktong ako ang nakita niya kaya ako ang pinipeste miya ngayon. "I'm not an idiot. I have a reason to smile. Or even laugh."

"That's the exact reason why i'm asking you. What are you thinking and your smiling like an idiot?" Bumuntong hininga na lang ako. Sinabi ko ang dahilan ko, pero syempre nagsinungaling ako. Iniwan na din naman niya ako pagkatapos. May tumatawag kasi sa kanya. Pati ba naman ngayon uso ang phone call or even business call?

"Anong ginagawa ko dito. May kailangan ka ba?"

Napangiti na lang ako. Ang cute talaga ng taong to!

"Bakit ka nakangiti? Nababaliw ka na talaga Wynd Comet Dean! Makalayas na nga!"

***

Sino yung nakakaalam ng meaning ng "Sonyeondan"? Alam na hahaha. Yes i'm one of YOU.

Gagawan ko sila ng side story. Pwede po ba kayong magsuggest ng girls name?

Salamat! Kamsahamnida. Arigatou! ٩(๑❛▽❛๑)۶

Abangan! Chapter 20: Training

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now