Chapter 9: Back

8K 159 0
                                    

Chapter 9: Back

Sophia's Point of View

"Sophia." Bigla akong napatayo nang marinig ko ang boses niya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Magkakaheart attact na naman ba ako? Bigla naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang wrist ko, pero hindi mahigpit.

"May masakit ba sayo? Ang bilis ng pulse mo." Umiling lang ako bilang sagot hindi kasi ako makahanap nang isasagot kong mga salita.

"Ehem! Mamaya na yan. Si Kuya Wynd parating na. May kasama daw." Bigla kong kinuha ang wrist ko sa kanya at tumingin ng masama kay Jc na nakangsi.

"Sinong kasama niya?" Tanong ni Nathalie habang umiinom ng softdrinks in can. Nandito kami ngayon sa headquarters ng BDG. Wala kasing pasok. In-announce ng board member. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang wrist ko at pinaglalaruan ang bracelet ni Summer na nahulog noong tumakbo siya paalis ng headquarter. One month na rin simula noong huli ko siyang nakita.

"Hindi ko alam eh." Sagot ni Jc. Saan na kaya siya napunta? Tapos kahapon, sabi ni Ate Narrisa nagdrop-out na daw siya. Kahapon wala ako sa sarili ko. Tahimik lang ako buong araw. Kahit na ilang araw lang namin siyang kasama, napamahal na rin siya sa amin. Sa aming mga Princess. Pero pagkatapos ng isang linggo, nabigla ako nang buhat-buhat siya ni Kuya Wynd habang nagpupumiglas siya. Tapos bigla na lang siyang nagtatakbo palabas at mukhang biglang-bigla pa nang makita niya kami.

At yung expression ng mga mata niya. Parang siya si Kuya Wynd, parehong-pareho sila ng expression. Malamig at nakakatakot tumingin sa mga mata niya. Pero may nakita ako sa mata niya na hindi napansin ng iba ko pang kasama. Malungkot ang mga mata niya. Ang mga mata niya na kasing lamig ng yelo at kasing dilim ng surname ni Summer.

"Sophia, ayos ka lang ba talaga? Palagi ka na lang tulala." Napatingin ulit ako sa kanya. Tulala? Ako hindi a. Malayo yun.

"Hindi. I mean ayos lang ako." Tinignan niya muna ako habang nakakunot ang noo niya. Pasaway talaga. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi na namin tinignan, si Nathalie kasi at Gab nagbabangayan na naman. Si Jc at Michael nasa kitchen. Si Kuya Trale naman as usual natutulog na naman. Si Louie at Alice, wala dito. Ewan ko sa dalawang yun kung saan nagpupupunta.

"Ang ingay niyo. Alam niyo ba yun?" Biglang tumahimik ang buong headquarters at walang kumikilos. Ang presensya niya, nandito na naman. Ang tagal ko ng hindi nararamdaman ang aura niya sa paligid ko. Kulang na lang ay ang mga insektong maiingay kapag gabi. Gusto kong magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig ko.

"Yah! Akin ang line na yun. Bakit mo kinuha Summer?" Napangiti ako dahil sa pagmamaktol ni Kuya Trale. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya. Narinig ko naman siyang tumawa. First time ko siyang nakitang tumatawa, kasi dati ngumingiti lang siya.

"Di nga Trale?" Nagtawanan kami dahil nakatingin siya ngayon kay Kuya Trale na nakakunot ang noo. Oo nga naman, yun pala ang madalas sabihin ni Kuya kapag gusto niyang matulog kaso lang hindi siya makatulog kasi maingay. Nagpeace sign lang si Summer habang nakangiti.

"Yeah, sige alis muna ako. Matutulog ako." Pumunta siya sa kwarto niya dito sa headquarters at nilock niya pa ito. Nakisali na ang ibang Princess kaya natumba kaming lima sa sofa.

"Mga Princess, anong nangyari sa mga mata niyo? Bakit may eyebags kayo?" Tanong ni Summer. Nagkatinginan naman kaming apat at sabay-sabay namin siyang niyakap ulit.

"Pasaway ka kasi Summer e. Ano yung sinasabi nila na nagdrop ka daw?" Bigla naman siyang ngumiti. An evil smile, bigla akong kinilabutan sa ngiti niya. Parang si Kuya Wynd na naman siya. Parang si Kuya Wynd kapag may naiisip na masamang bagay. Bigla naman siyang lumapit sa akin at may sasabihin ata. O ibubulong?

"Kuhang-kuha ba ang ngiti ni Comet? Huwag kang maingay na tinawag ko siyang Comet." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero ngayon ko lang narealize, ang weird ng pangalan ni Kuya Wynd. Nagthumbs up ako sa kanya, pero hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung ngiti niya.

"Waaaah! Sa wakas. I'll throw a party." Biglang sumigaw si Alice kaya napangiti ako. Si Jc at Michael ang paniguradong gagawa ng drinks and dessert.

"Yeah right here, right now." Baliktad ba? Si Michael mahilig magluto pero hospital ang pinapatakbo ng family niya. Tapos si Gabrielle naman ang magaling sa paggagamot. Actually pareho sila, si Michael mahilig siyang magluto at the same time magaling din siya sa hospital. Vice versa lang. Si Nathalie na ang tumawag kay tita Rielle, mommy ni Gabrielle. Close kasi sila, yung anak lang ni Tita Rielle ang hindi ka-close ni Nathalie.

"Talaga bang kailangan ng party?" Tanong ni Summer. Tumango naman ako sa kanya. Humarap naman ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya.

"Swerte at nakatagal ka kay Kuya Wynd?" Ngumiti naman siya bago sumagot.

"Sanay na naman ako sa dark aura niya. Cold-hearted and expressionless jerk." Humagalpak naman ako ng tawa sa sagot ni Summer. Shocks! Habang sinasabi niya kasi yun e parang wala siya sa sarili niya. Nakakunot ang noo niya at parang may iba pang iniisip.

"Hoy nerd, narinig ko yung sinabi mo!" Nagmamaktol na sabi ni Kuya Wynd at umupo sa harapan namin. Ngumisi lang si Summer kaya mas lalong napakunot ng noo si Kuya Wynd. Mukhang madadagdagan na naman ang mag-aaway dito. Pero mukhang alam ko na kung sino ang palaging talo at panalo. Paano kaya kung sila yung magkatuluyan? Isang moody na babae at isang lalaki na hindi mo madidiktahan ang kilos.

Hindi ko maimagine kung ano ang magiging ugali ng anak nila. Masisiraan siguro ako ng ulo kakaisip kung magmamana ba ng pagiging moody kay Summer and unpredictable kay Kuya Wynd. Teka bakit anak na agad ang iniisip ko kung ang dapat muna nilang gawin ay magpakasal. Tapos ako ang magiging maid of honor-

"Sophia! Kanina pa kita tinatawag, tulala ka na naman!" Nagpeace sign lang ako kay Nathalie na nakasimangot na naman.

"Sorry may iniisip lang ako. Teka nasaan si Summer?" Wala kasi siya dito sa tabi ko, baka saan na naman nagpupunta yun. Tinuro niya ang kitchen.

"Kasama niya si Jc at Michael, nagpapaturong gumawa ng dessert and mix na drinks." Aah, akala ko kung saan na siya napunta. Pero sandali nga.

"Nath, di ba deal sina Kuya Wynd and Summer?" Ngumisi naman si Nathalie kaya napangisi din ako. Nakalimutan na ata ni Summer at Kuya Wynd ang deal nila. Well, kami ni Nathalie hindi. Pero pababayaan na lang namin si Summer.

"Okay! Kainan na!" Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay nagsiupo na kami sa kanya-kanya naming upuan dito sa living room. Katabi ko sina Jc, Nathalie and Kuya Trale. Lumabas na rin siya pagkatapos ng isang oras. Ang hilig talagang matulog ng kuya ko.

"Guys, pinapasabi pala ni Miss Narrisa na may outing daw tayo next week." So, it is explain na may outing din ang ibang section noong nakaraang one month. Every month kasi may umaalis na 10 sections. Iba-iba yung destination nila, isang section every place. May 10 resthouse na pinapagamit sa bawat section. Pagmamay-ari ng Ace spade, hindi lang sila basta-basta rest house. Malalaman niyo rin.

"Saan daw yung lugar ng rest house natin?" Tanong ni Alice na mukhang nabuhayan na ng buhay. Kanina kasi daldal ng daldal kay Louie, well vice versa naman.

"Sa Tagaytay, yun kasi ang lugar na nabunot ko." Pero bakit si Summer ang pinabunot ni Ate Narrisa? I mean hindi naman sa nag-iisip ako ng kung anu-ano. Bakit hindi si Kuya Wynd, tutal kapatid niya naman ito. But knowing Ate Narrisa, she's unpredictable like Kuya Wynd. She's really mysterious.

"I know nagtataka kayo kung bakit ako ang pinabunot ni Miss Narrisa ng lugar natin. May problema siya kasi sa isa dyan." Mahina na lang yung pagkakasabi niya sa huli pero malinaw ko pa rin itong narinig. Pinigilan ko ang pagtawa ko, kagaya ko, pinigilan rin nina Nathalie, Jc at Kuya Trale ang pagtawa.

Mukhang alam ko na kung sino at ano ang dahilan ni Ate Narrisa. Si Kuya Wynd ang sinasabi niya at dahil masyadong madaya si Kuya Wynd kapag ganyan ang laro.

***

Abangan! Chapter 10: Smile

Pero hindi ko alam kung bakit ako napangiti dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. May pagkacute din pala siya.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now