Chapter 15: Heartbeat

6.1K 129 1
                                    

Chapter 15: Heartbeat

Wynd's Point of View

"Te-teka! Summer tulungan mo ako dito please. Malamig!" Pinagtutulak naman nila Sophia si Jc sa dagat. Si Michael naman tawa ng tawa dahil sa kaaway niya si Jc.

Ginising nila kaming dalawa ni Night sa pagkakatulog at nag-ayang magnight swimming. At ngayon para silang mga bata.

Tumingin ako kay Night at pailing-iling siya habang nakangisi. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya ang mahilig ngumisi. Bigla namang nawala ang ngisi niya at nilipat ko pabalik sa ibang side ang tingin ko. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Sabi ko na nga ba, malakas ang pakiramdam niya.

Alam kong may kakaiba sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kakaiba sa kanya dahil hindi ko mabasa ang kanyang mga kinikilos. Masyado siyang misteryosa at kakaiba.

"Kaya mo yan Jc." Sigaw niya at sumama sa mga Princess na magtampisaw sa dagat.

"Emp tara." Tumayo ako ng tawagin ako ni Trale. Himala at hindi tulog ang taong ito. Pumunta kami sa isang cottege at may mga nakahandang alcohol drinks. May balak ba silang maglasing?

"Sali kami." Nakiupo naman sila. Tumabi sa akin si Night. Binigyan siya ni Michael ng isang baso ng t-ice. Nakita ko pa siyang kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago itungga ang t-ice.

"Maglaro tayo." Sabi ni Alice. Kinuha niya ang isang boteng walang laman.

"Kung sinong matatapatan nito ay iinom ng isang baso. Matira matibay, kung sino ang huling matumba siya ang magiging hari o reyna sa loob ng isang linggo? Para exciting, kung sino ang huling dalawang tao na matumba." Pumayag naman silang lahat kaya pumayag na rin naman ako. Beer sa mga lalaki at t-ice sa mga babae.

Pinaikot niya ang bote at unang tumapat ito kay Nathalie. Pagkatapos uminom ni Nathalie ay pinaikot na niya ulit. Pagkalipas ng ilang oras ay natapatan na kaming lahat. Pero ako dalawang beses palang akong natapatan. Sampung beses kay Sophia, pitong beses kay Rain. Anim na beses kay Trale at Nathalie. Siyam na beses kay Michael, Jc, Alice at Louie. Habang limang beses lang si Gabrielle. At si Night ang pinakamadami, labing lima. Anong magagawa ko kung ayaw akong tapatan ng bote? Tsk.

Pero hanggang ngayon ay mulat na mulat pa siya. Ang lakas ng tolerance niya sa alak. Habang ang ibang Princess tulog na. Hinatid muna nila ang mga Princess sa room nila. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay hindi na nakabalik sina Rain, Louie at Trale kaya tinawanan nina Michael at Gabrielle.

"Congratulation Summer ikaw ang panalo sa babae. Pero maiba, sanay ka na bang uminom ng alcoholic drink?" Tanong ni Gabrielle. Umiling lang siya at uminom ulit.

Nagkwentuhan na lang sila habang ako ay nakikinig na lang. Ayokong makisama sa pag-iingay nila. Dahil magkatabi kami ni Night ay pinatong ko ang ulo sa balikat niya. Hindi ako inaantok pero gusto ko lang siyang asarin. Narinig ko pang naghiyawan sina Gabrielle at Michael pero hindi ko sila pinansin. Pumikit na lang ako. Hindi siya umangal kaya pinalupot ko ang kamay ko sa bewang niya. Ano mga bang pumasok sa isip ko at ginagawa ko ito?

"Emp, don't tell me your already drunk?" Tinignan ko si Michael at sinamaan ng tingin. Napailing lang siya pero nakangiti.

"Sabi ko nga lasing ka na." Tumayo na silang dalawa ni Gabrielle at matutulog na daw sila. Bakit kaya hindi na lang sabihin ni Michael na maghahanap siya ng babae? Si Gabrielle naman baka magpapakamatay na. Woman hater kasi.

"By the way Emp. Take it slowly." At nagtawanan pa silang dalawa ni Gabrielle. Mga gago kasi ang dalawang yun.

"Comet tumayo ka na dyan. Inaantok na ako." Ayoko. Ayokong humiwalay sa kanya.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now