Chapter 10: Smile

7.6K 141 0
                                    

Chapter 10: Smile

Summer's Point of View

Five pa lang ng umaga nandito na kami ng mga kaklase ko sa harap ng bus. Kasama ko ang mga Princess at BDG. Lahat ng mga babaeng kaklase ko ay nakatingin ng masama sa akin kasi kasama ko ang mga sikat sa campus. Ako lang ang naligaw sa kanila. Sabi ni Louie huwag ko na lang daw silang tignan. Tapos biglang sumingit si Alice at sinabing isasalvage niya daw ang mga estudyanteng mang-aaway sa akin. May pagkasadist din pala si Alice.

"Ipapartner namin kayo. Ang mga partners niyo ang makakasama niyo sa lahat ng activities and ang room mate niyo. Don't worry kayo mismo ang bubunot ng magiging partners niyo. Bawal ang magpalitan." Sabi ni Prof Kean. Pinaline niya kaming mga girls at ako ang nasa pinakadulong line. Bakit? Kasi sabi ni Jc, mas exciting. Naniwala naman ako sa kanya. Adventurous kasi si Jc e.

"Now girls ang mga partners niyo ang makakatabi niyo sa seats niyo sa bus. Ganoon din sa pag-uwi natin, bawal magkagulo ang mga seats dahil once na umalis kayo sa seats niyo sa oras ng byahe ay absent kayo. Walang aangal." Kilala na talaga kami ni Prof Kean. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sila pala ni Miss Narrisa. Hindi ko nga maimagine kung paano niligawan ni Prof Kean si Miss Narrisa. Nang matapos kami sa pagbubunot ng mga papel ay pinabukas na sa amin ang papel. Para akong binagsakan ng langit nang makita ko ang pangalan niya. Bakit siya pa?

Tinignan ko si Sophia, ang pula ng pisngi niya. Pasimple kong tinignan ang papel niya. Si Rain pala ang katabi niya. Bigla namang nagtatalon sina Louie at Alice, i guess alam niyo na kung bakit. Huwag niyo ng itanong sina Jc at Nathalie. Alam niyo na kung sino ang partners nila. Napatingin ako kay Prof Kean at tama nga ang hinala ko. May daya yung bunutan. Pasaway na Prof. Mas pasaway pa siya sa mga estudyante niya. Pero pinabayaan ko na lang siya, tutal hindi naman ako ang mahihirapan sa partner ko. Sana?

"Sabihin niyo na kung sino ang magiging partner niyo." Sinabi nila kung sino ang magiging partner nila. May kinilig dahil partner nila ang crush nila, may nainis dahil kaaway nila ang partner nila, may natuwa dahil kaibigan nila ang makakapartner nila. At gusto ko ng tumawa sa reaction ni Nathalie at Gabrielle. Si Nathalie kasi nag-acting na masusuka, tapos si Gabrielle parang nandidiri. Ganoon na ba nila kaayaw sa isa't-isa?

Nakatingin silang lahat ng masama sa akin. Except Princess at BDG. At si Prof Kean at Miss Narrisa, halata ang dalawang ito na pinlano nila. Ako lang pala ang nakahalata since walang sinabi ang mga Princess. Yung mga Princess at ang ibang member ng BDG nakangiti, yung iba lang sa BDG a. Pumunta ako sa pinalikod. Malas, kaming dalawa lang. Walang gustong tumabi sa kanya kasi una nakakatakot daw siya, pangalawa konti lang kaming magkakaklase.

Tatlong row ang layo namin sa iba naming kaklase. Hindi ko alam kung lalaki ba talaga ang lalaking ito. Ang arte talaga, pero ang tapang. Hindi talaga kita maintindihan Comet. Pfft, natatawa ako sa pangalan niya. Ang weird kasi, Wynd in tagalog hangin, iniba lang yung spell. At Comet in tagalog Kometa. Hangin, kometa? Ang weird. Sa tabing bintana ako umupo, tapos siya sa tabi ko.

Ang laki kaya ng upuan sa likod. Pang-apatan na tao tapos dito pa siya sa tabi ko uupo? Humarap ako sa tinaasan siya ng kilay. Pero dedma lang siya, ayoko ng gumawa ng arguement kasi sasakit lang ang ulo ko sa lalaking mas matigas pa sa bato ang ulo. Umandar na ang bus at tahimik ang lahat. May mga tulog na, may mga gising na katext ang katabi. Wala akong makausap, sandali kailan pa ako naghanap ng kadaldalan? Yung katabi ko kasi tahimik lang, hindi ko alam kung tulog ba siya o hindi.

Nakatingin kasi ako sa bintana. At tinitignan ang ilaw ng mga gusali, mga sasakyan na kasabay naming nasa daan. Mga taong, naglalakad, may nakabike at nagjo-jogging. Kahit na maaga pa, busy na ang mga tao. Habang kami, nakatunganga lang sa kawalan. Ako lang pala, kasi tulog na silang lahat ngayon. At uulitin ko, ayokong tignan ang katabi ko kaya hindi ko alam kung tulog ba siya o hindi. Pero sige na nga. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, mahirap na baka makita niya pa akong nakatingin sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakayuko habang nakapikit. Tumingin ako ulit sa bintana, pero tumingin ako pabalik sa kanya pero saktong pagkaharap ko sa kanya. Bigla siyang natumba at ang ulo niya ngayon ay nasa balikat ko na. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi. Pero hindi ko alam kung bakit ako napangiti dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. May pagkacute din pala siya.

Sinilip ko kung tulog ba talaga siya o natripan niya lang na pagtripan ako. Pero hindi e, tulog talaga siya. Tumingin ako sa harapan at saktong walang gising kung hindi ang driver lang at ako. Inaayos ko ang ulo niya pero ilang minuto lang ay babalik na naman siya sa pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko. Ilang beses ko bang ginawa yun? Tatlong beses, nagsawa ako sa pag-aayos kaya pinabayaan ko na lang.

Ngayon alam ko na kung bakit pinagpapantasyahan siya ng mga estudynateng babae, matangos na ilong, kissable lips, may maamong mukha at gwapo siya. Sandali nga Summer, ano bang pinagsasabi mo dyan? Huwag mo na nga lang siyang tignan, baka kung ano pang masabi mo.

"Comet gumising ka dyan. Comet." Ayaw magising. Inayos ko na lang upo ko at inayos ang ulo niya sa balikat ko. May konsensya din naman ako, kahit na hot-blooded siya sa akin. Tao pa rin yan. Emperor pa naman yan ng mga gangster Summer kaya umayos ka. Hindi ko alam kung bakit ayaw maalis ng ngiti sa labi ko. May kumokontrol ba sa akin kaya ako nakangiti?

Kinakagat ko na nga ang lower lip ko pero wala pa rin. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako kaya ngumingiti na lang ako ng mag-isa? Huwag naman sanang umabot sa pagkabaliw ito. Pagkatapos ng dalawang oras, nandito na kami sa stop over. Pero itong katabi ko, ang sarap ng tulog. Sana ako din makatulog, gustong-gusto kong matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok ngayon.

Pero teka nga. Bakit ngayon ko lang naalala. Ang mga partners niyo ang makakasama niyo sa lahat ng activities and ang room mate niyo. Di ba ganoon ang sinabi kanina ni Prof Kean? So it means siya ang kasama ko sa one month na nandito kami? Yeah, you read it right? Pinaliwanag sa akin ni Lolo kung bakit may one month outing.

-Flashback-

"Lolo, bakit ang tagal naman po ng outing? One month? Parang bakasyon na po iyon a." Narinig ko namang tumawa si Lolo sa kabilang linya. Hindi ko kasi siya pwedeng puntahan, baka may makakita pa sa akin. Kaya tinawagan ko na lang siya.

"Parang ganun na rin. Pero every Saturday and Sunday may taekwondo classes kayo. Pero one week bago kayo pumasok ulit na school ay yun talaga ang outing. May ipapagawa silang activities sa inyo kaya galingan mo. By the way, maglalaba kayo ng partner mo. Kaya good luck." Bago pa ako makasagot ay napatay na ni Lolo ang linya niya.

Ako maglalaba? Ayos lang sa akin yun, pero paano yung magiging partner ko? Paano kung hindi siya marunong maglaba? Ako rin ang maghihirap. Life is so unfair. Napabuntong hininga na lang ako. Hayy, bakit palaging ako?

-Flashback Ends-

Tumingin ulit ako sa partner kong hanggang ngayon ay tulog pa rin. Pipilitin ko na nga lang matulog. Tutal malayo pa kami. Gusto ko ng matulog pero biglang kumilos ang katabi ko kaya pumikit ako. Pero napamulat ako ng yakapin niya ako, pero nakapatong pa rin ang ulo niya sa balikat ko. Teka! Tao po ako Comet at hindi teddy bear or unan. Paano ko aalisin itong kamay niya?

Aaaah! Paano ako matutulog kung nakayakap sa akin ang isang lalaki na cute na nga, gwapo pa?

***
Abangan! Chapter 11: Awkward

Hindi maalis sa isip ko yung kanina. Nakakahiya yung kanina. Mas lalo na ngayon.

"Magbihis ka nga!"

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now