Chapter 20: Training

5.8K 131 3
                                    

Chapter 20: Training

**Part 1**

Summer's Point of View

Napabuntong hininga na lang ako. Naalala ko bigla yung pangungulit ko kay Lolo kahapon. Kinulit ko kasi si Lolo about doon sa hinihingi kong guidance niya para makapasok ako sa training room. Ayaw kasi along bigyan ng duplicate key ni Ms Narrisa, baka daw kasi magalit si Lolo. Kaya nga kahapon buong araw Kong kinulit so Lolo about sa pagpayag niya.

"Are you sure about this Evane? You promise that you'll leave the Underworld. Pero bakit gusto mong magtraining ngayon? Is there something wrong?" Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Wala naman po Lolo, pero alam ko po sa sarili ko na may mangyayari sa susunod na mga araw. Kaya po pinaghahandaan ko na." Sagot ko habang nakahawak sa batok ko.

"Sige ikaw ang bahala Evane. Basta huwag lang itong makakadating sa mga magulang mo." Nagpasalamat ako at naputol na ang tawag.

Hindi talaga ako matitiis ni Lolo. Lolo's girl kaya ako. Kahit na napalayo ako noon sa kanila ay wala pa rin nagbabago. Siya lang din ang tumatawag sa akin na Evane. Ayaw na ayaw din ni Lolo ang nasasaktan ako, natrauma na daw siya noong muntikan ng may pumatay sa akin noong bata pa ako. Kaya lahat ng pag-iingat ginagawa ni Lolo para sa akin. Ako lang daw kasi ang nag-iisa niyang apo, kaya kailangan daw ay binabantayan ako at inaalagaan. Natatawa na lang ako minsan eh.

Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabakasakaling walang tao. Mukhang tulog na ang lahat. Sabagay one thirty na ng umaga. Wala dito sa room namin si Comet dahil sa may iba siyang kasama ngayon. Hindi ko na matandaan yung pangalan ng babae. Basta ang alam ko ay may kulay iyon. Hindi ko nga lang sigurado kung ano nga iyon.

Agad kasi akong umalis noong pinakilala siya sa amin, last week noong dumating yung babae na hindi ko talaga matandaan ang pangalan at pinakilala siya sa ni Comet. Eh saktong tumawag si Ms Narrisa at tinawagan niya ako kasi saw ibibigay na niya ang Susi ng training room. Kaya pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi ni Ms Narrisa at nagtatakbo na ako paalis.. Narinig ko pa noon ang pagtawag sa akin ni Sophia at JC.

Pero hindi ko na sila nilingon dahil nagmamadali ako. Baka kasi magbago noon ang isip ni Ms Narrisa.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga dadalhin ko ay lumabas na ako ng room. Tumitingin ako sa paligid, wala akong nakikitang tao pero alam ko na may nakamasid ngayon. Two weeks na kaming nandito at simula last week ay nararamdaman ko na sila. Ano kayang kailangan nila? Alam kaya ni Comet na may nakamasid sa amin? Iniling ko na lang ang ulo ko at nagpunta sa training room.

Pagkalock ko ng pinto ay nagstretching muna ako, bawas sakit ng katawan. Pagkatapos kong magstretching (na inabot ng sampung minuto) ay kinuha ko ang mga metal bracelet sa isang secret cabinet ni Lolo. Nabigatan ako kaya alam ko na humina na ang physical strength ko. Nilagay ko sa paa ko ang dalawa at dalawa din sa kamay. Muntikan pa akong matumba kung hindi lang ako nakakuha ng balanse. Baka subsob na ako ngayon sa sahig.

Kahit na nahihirapan ay kinuha ko ang phone ko sa back pack na dala ko. Nag-alarm ako ng five in the morning.

Pagkatapos kong si-net ay sinubukan kong lakarin ang buong training room. Mas malaki pa ito kaysa sa gymnasium at sabi ni Lolo ay kasya dito ang dalawang-daang tao kung nagti-training, pero kung hindi naman at normal na pagtitipon lang ay kasya ang limangdaan.

Pagkatapos kong maglakad-lakad ay sinubukan kong magjog. Pagod na ako pero kaya ko pa naman. Pagkatapos kong magjog ay sinubukan kong gumamit ng katana sa pag-e-ensayo. Sinubukan kong magback hand tumbling. Mahirap kapag una pero kapag nasansay ka na ay magiging komportable ka na. Pero sa lagay ko hindi. Dahil sa mga metal bracelets na nakasuot sa akin ngayon.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now