Chapter 8: Drop

7.9K 156 0
                                    

Chapter 8: News

Summer's Point of View

Isang buwan na akong hindi nagpapakita sa kanila. Pagkatapos nang laro tumakbo na ako paalis ng field. Pero may nalaman akong sikreto nila.

-Flashback-

"Sasabihin mo ba sa iba Miss Night?" Tanong sa akin ni Prof Kean. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umiling. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Nalaman ko kasi na may relasyon sila ni Miss Narrisa. Wala naman akong balak ipagkalat sa iba.

"Okay, ako na mismo ang magsasabi sa ibang prof mo. Don't worry Empress." Sinamaan ko siya ng tingin bago lumabas ng faculty room. Siya ang may kagagawan kung bakit hindi na ako tinatawag ng mga prof ko kapag nag-aatendance sila. At siya rin ang dahilan kung bakit nang nagtatanong sina Sophia sa mga prof namin kung anong nangyari sa akin ay wala silang sinasabi.

Connection, huh? Naglalakad ako sa hallway nang makita ko ang Princess. Nagtago ako sa isa sa mga classroom na saktong walang klase. Bakit pa sila nandito kung nagring na ang bell para sa lunch?

"Wala pa ba kayong balita sa kanya? Ilang araw na natin siyang hindi nakikita." Narinig kong sabi ni Jc.

"Wala akong balita sa kanya. Summer saan ka na ba nagpunta? Nag-aalala na kami sayo." Iyon ang huli kong narinig kay Nathalie bago sila umalis. Maglulunch na pala sila. Nagpunta na rin ako ng canteen pagkatapos ng limang minuto. Pero nag-aalala sila sa akin? Imposible, isang araw lang nila akong nakasama.

Nagtake-out ako sa canteen at sa bago akong room kumain. I mean not definitely a new room. I mean new place. Pumunta ako ng room at tumalon papunta sa tapat na puno. Dito ang ginawa kong room, simula ng umiwas ako sa kanila. Nauuna akong dumating sa lahat ng kaklase ko para walang makakita sa akin.

Pagkatapos kong kumain, tumayo ako sa sanga ng puno at tumalon at saktong nakaupo ako sa slider ng glass window. Tinapon ko na sa trash can ang pinagkainan ko at tumingin sa blackboard. Oo nga pala, wala yung geometry prof namin. May pinapagawa siya sakin. Lumapit ako sa chalkboard at nagsulat na ng bago naming lesson.

Memorize ko na naman ang module ng geometry book namin kaya nagbigay ako ng example at binigay ang procedure kung paano isolve ang isang problem. Nakalagay na rin ang formula at equation para wala na silang itatanong. Nilagay ko na rin sa board na wala ang teacher namin at isulat ang lecture.

Bumalik na ako sa puno at naghintay na lang doon. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsidatingan na rin sila. Bukas pala ay may meeting ang mga teacher. Kaya iaadvance ang geometry class namin. Hayy.

Kinabukasan nag-advance nga sila ng class sa geometry class namin. At dahil alam ko na rin ang lesson nila ay natulog na lang ako. Ang sarap kayang matulog dito sa itaas ng puno.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo Summer? Kaibigan mo kami bakit hindi mo sinabi na ikaw pala ang Empress? Bakit mo tinago Summer? Bakit?! Sabihin mo bakit?" Kitang-kita ko sa mata ni Sophia ang galit. Galit na galit siya, sila sa akin. Sabi na nga ba. Ganito ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila.

"Ito ang dahilan ko kung bakit ako lumayo sa inyo. Dahil ayokong mapahamak kayo. Wala akong pakialam kung galit kayo ngayon sa akin. Kahit kailan wala akong ibang tinuring na kaibigan except sa mga kagang ko. Dahil simula pa lang pagkabata nandyan na sila sa akin." I'm sorry kung sinasabi ko man ang mga salitang ito.

Ayokong sabihin pero kailangan. Kailangang lumayo na ang loob niyo sa akin. Bago mahuli ang lahat. Nakarinig naman kami ng putok ng baril sa likod ko. At ang sumunod na nangyari sa kanila ay hindi ko na maipaliwanag. Si Jc nakahandusay sa sahig at may tama ng baril sa tyan.

"Jc, lumaban ka." Sabi sa kanya ni Nathalie habang umiiyak. Umiling lang si Jc bilang sagot at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at bigla akong nakonsensya.

"Sabihin.. mo sa kanila.. ang totoo. Promise hindi ka... magsisisi." Minulat ko ang mata ko at bigla na lang pumasok sa isip ko na panaginip lahat ng yun. Pero sasabihin ko sa kanila? Baka pagtawanan lang nila ako. Tumingin naman ako sa harap ko at nakita ko si Emp. Panaginip na naman Summer. Pinitik ko ang noo ko para magising ako. Pero pagtingin ko nandito pa rin siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kumunot naman ang noo niya pero tinignan niya ako sa mata. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kulay itim niyang mata.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong ng ganyan sayo? Anong ginagawa mo dito sa tambayan ko?" Tambayan niya? Tambayan niya ito? Umiwas sko ng tingin dahil nakakailang ang tingin niya.

"Para matulog. Sige una na ako." Tumayo na ako para sana bumaba. Pero bigla kong naalala ang panaginip ko. Paano kung makita niya ang pagtalon ko? Ayokong malaman niya. At alam kong makakahalata siya kapag tumalon ako dito pababa.

Bigla naman siyang tumalon at tumingin sa akin. Sumenyas siya na tumalon na ako at sasaluhin niya ako. Tumalon na lang ako at sinalo niya nga ako. Pero bigla siyang tumakbo kaya pilit akong nagpapababa. Hindi ko napansin na pumasok kami sa isang pinto at nang ibaba niya ako ay tinignan ko siya ng masama. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang buong BDG at Princess.

"Una na ako. Sa susunod na lang." Agad-agad akong umalis sa room na yun. Teka saan nga ba itong room na ito? Tsaka nasa campus pa rin ba ako?

-Flashback Ends-

"Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit hindi na siya pumapasok? Sabihin mo sa akin?" Naririnig kong nagwawala na si Nathalie. Nathalie, bakit ka nag-aalala sa kaaway ng pinsan at kaibigan mo?

"Ate Narrisa please, sabihin mo na." Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Sophia. Mukha na siyang paiyak. Kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin? Pero bakit? Pagmulat ko ng mata ko isa-isang kumawala ang mga luha ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaction nila.

"I'm sorry, pero 3 weeks ago. Nagdrop na siya. Hindi ko rin alam ang dahilan niya." Lumabas na sila nang magring ang bell.

"Tell me Miss Greene, why are you doing this to them? To the Princess?" Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at humarap sa kanya. Kay Miss Narrisa.

"Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaction nila kapag nalaman nila na ako ang Heiress ng Ace of Spade." Habang sinasabi ko ang mga salitang yun, hindi ako makatingin sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Yun lang ba talaga ang dahilan Miss Greene?" Sa pagtatagal ko dito unti-unti ng lumalabas ang impormasyon na tungkol sa akin. Nang tungkol sa bagong tagapagmana ng mga Greene.

"Oo tama na ang hinala mo Miss Narrisa. Natatakot ako sa magiging reaction nila kapag nalaman nila kung sino ako. Kung sino ako sa nakaraan kong buhay." Lumabas na ako sa office niya at naglakad sa direction na hindi ko alam kung saan papunta.

"Akala ko ba nagdrop ka na?" My body suddenly stiff ng marinig ko ang boses niya. Emperor, anong ginagawa mo dito? Oras na nang pasok. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at umarteng hindi ko siya narinig na nagsalita.

Naglakad lang ako nang naglakad pero sinusundan niya pa rin ako. Hanggang sa napunta kami sa harap ng puno kung saan ako madalas umakyat kapag magsisimula na ang klase ko. Isang buwan ko na rin pa lang ginagawa ang pag-akyat baba dito.

Biglang dumaan ang malamig na hangin. Parang horror movie lang ito, hinihintay ko lang ang sasabihin niya. Pero bakit niya nga ba ako kakausapin? Para saan? Asa ka naman Summer!

"Bumalik ka na. Nag-aalala na sila sayo." Liningon ko siya habang nakapasok sa pocket ng coat ko ang dalawa kong kamay. Tama ba ang pagkakarinig ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya? Pero imposibleng magsalita ang Emperor ng ganun.

"Ang Princess, gusto ka na nilang makasama ulit." Tinignan ko siya ng direkta sa mata at nabigla na lang ako sa lumabas sa bibig ko. Mga salitang matagal ko ng gustong itanong.

"Karapat-dapat ba akong maging masaya. At magkaroon ng kaibigan?" Binigyan ko na lang siya ng malungkot na ngiti at umalis na sa kinatatayuan ko. Hanggang ngayon wala pa rin sagot sa tanong ko.

"Oo."

***

Abangan! Chapter 9: Back

"Ang ingay niyo. Alam niyo ba yun?" Biglang tumahimik ang buong headquarters at walang kumikilos. Ang presensya niya, nandito na naman. Ang tagal ko ng hindi nararamdaman ang aura niya sa paligid ko. Kulang na lang ay ang mga insektong maiingay kapag gabi. Gusto kong magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig ko.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now