Chapter 46: Missing, Empress

4.1K 75 2
                                    

Chapter 46: Missing, Empress

Sophia's Point of View

"Ano na kayang nangyari sa laban nila. Nanalo kaya sila?" Napatingin ako kay Nathalie na pasulyap-sulyap sa phone niya. Kagabi niya pa kasi hindi ma-contact si Gabrielle.

Sinubukan kong tawagin si Kuya Trale. Pero biglang pumasok sa isip ko na papalit-palit iyon ng sim card dahil ayaw niya daw may contact sa amin. Baka daw kasi pagtripan pa namin siya kaya once na na-contact na niya kami gamit ang isang number ay asahan lang na isang oras matapos ng tawag na iyon, ay wala na ang number na iyon. Ibig sabihin ay nagpalit na siya ng phone number.

Gusto ko talagang itanong kina Mommy at Daddy kung kapatid ko ba si Kuya Trale. Bakit ang layo ng ugali ko sa ugali niya? Hindi naman siguro palaging pinapasama ni Daddy ang loob ni Mommy noong nagdadalang-tao ito kay Kuya Trale, hindi ba? Kung ganoon ang nangyari, ay hindi na ako magtataka.

Bigla kong naalala ang naging expression ni Kuya Wynd nang marinig niya kung sino ang makakalaban niya. His dark expression at kill, he wanted to kill her. He wanted to kill Empress Butterfly because someone told him that she's the one who killed Kuya Raymond.

Napatayo naman kaming lahat nang malakas na humampas ang pinto sa pader. Pagkatingin ko ay ang buong gang. Mukhang may masama silang balita base sa expression nila. Nilapitan kaagad ni Nathalie si Gabrielle at hinila palabas. May pasa kasi si Gabriella sa gilid ng labi. Mukhang napuruhan sila.

Napatingin ako kay Kuya at kay Rain na magkatabi habang nakaupo sa sofa. Napakagat na lang ako ng labi. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko sa kanila. Bahala na!

Tumayo ako at lumapit kay Kuya, pero hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan ay tumingin siya sa akin pagkatapos ay ngumiti ng konti at umiling. Tinuro niya si Rain, kaya tumango ako, kaya pumunta na lang ako sa harap ni Rain at dinala siya sa clinic. Tsk! Hindi man niya lang ginamot ang sugat niya.

"Dapat ginamot mo ang sugat mo. Kahit first aid lang. Tignan mo namamaga na. Tsk! Tsk! Kapag ikaw na-infection dahil dito." Kahit na sanay na akong nakikita siyang may sugat ay hindi pa rin ako sanay na nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon.

Namamaga na ang kamao niya at ang gilid ng labi niya. Kaya iyon agad ang ginamot ko. Hinuli ko na ang ibang scratches dahil sa maliliit lang ang mga iyon. Binalutan ko ng bandage ang kamao niya pagkatapos ko iyong lagyan ng gamot.

Sinunod ko ang labi niya. Pero ilang segundo pa lang ay bigla na lang ako nakaramdam ng pagkailang. Napatingin ako sa mga mata niya at inatras ko ng konti ang mukha ko dahil ang lapit ko pala. Umubo ako ng peke pagkatapos ay binilisan ko ng gamutin ang sugat niya sa gilid ng labi niya.

Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay agad na akong tumayo. "Maiwan muna kita ah. Pupuntahan ko muna si Kuya."

Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nagulat ako ng hilain niya ako pagkatapos ay isinandal niya ako sa pinto. Nasa balikat ko ang dalawa niyang kamay. Nanlalaking mga matang napatingin ako sa kanya pero agad din akong umiwas nang tingin nang mapansin kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"This may be a wrong timing to say this but, I can't let this time slip off my chance to say this. So just listen Sophia Ynarez..." Bigla akong kinabahan nang banggitin niya nang buo ang pangalan ko.

"I love you."

Reese's Point of View (Black Royalties Gang Headquarters in the Philippines)

Napayukom na lang ako ng kamay nang marinig ko ang report about kay Summer. Pagkatapos mag-report ay nag-bow sila pagkatapos ay umalis na.

"Relax, my queen. We can find Empress in no time." Hinawakan ni Ken ang kamay ko na nakayukom at pinakalma ako. Sumaldal ako sa balikat ni Ken at napapikit na lang. Minasahe niya ang ulo ko at mabuti na lang ay nakatulong ito para mawala ang sakit ng ulo ko.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum