Chapter 51: The Empress' Gang

3.8K 75 4
                                    

Chapter 51: The Empress' Gang

Third Person's Point of View

Mabilis na lumipas ang mga oras, hanggang sa isang linggo na pala ang nakakalipas. At isang linggo na ring walang contact ang Princess kay Summer. Tinatanong nila si Wynd, pero wala rin itong sagot sa kanila. Hindi nila alam kung alam ba ni Wynd kung nasaan si Summer o kung pati ba ito ay naghahanap rin sa partner niya.

"Bakit sila nandito? Naghahanap ba sila ng away?" Nagpanting ang tenga ni Sophia dahil sa narinig niya. Agad siyang napalingon at laking gulat na lang niya nang makita ang grupo ng mga tao.

The Empress' Gang. The Black Royalties Gang.

Pero ang nakakapagtaka ay wala ang Empress. Wala ang babaeng nakasuot ng black mask. Ang tanging nandoon lang ay si Reina at si Reese at nasa likod ng dalawang dalaga ang tatlong lalaki (Natsu, Ken, Mitsuo), wala si Empress. Simple lang ang suot ng dalawang babae naka-ruffled off shoulder blouse, fitted jeans at high healed black boots si Reina, habang nakasuot naman ng plain white off shoulder si Reese, fitted jeans at high healed black boots pero mababakas sa aura ng mga ito na kaya nilang magpatumba ng mga kalaban.

Ilang sandali lang ay nasa harap na niya ang grupo. Natatakot si Sophia sa pwedeng gawin sa kanya ng mga ito. Pero sinubukan niya ang lahat para kumalma ang sarili niya.

Nakakunot noong tumingin si Reese kay Sophia na nakatitig lang sa kanila. Walang balak na kahit anong masama ang grupo niya. Ang tanging ipinunta nila dito ay makausap ang isang taong nakakaalam ng lahat ng tungkol sa kanya. Pinakiusapan nila ang Lolo ni Summer at binigyan naman sila ng VIP pass kaya nakapasok sila ng malaya sa University.

Ngumiti si Reese kay Sophia na ikinabigla naman ni Sophia. Hindi alam ni Sophia na dahil sa ngiti ni Reese ay napanatag ang loob niya. Na walang gagawing masama ang mga ito sa kanya o kahit na sino.

"You must be Miss Sophia Ynarez, right?" Kahit na nagulat si Sophia dahil alam ni Reese ang pangalan niya ay tumango siya kaya napangiti si Reese.

"Then, you must be Miss Reese." Reese nodded while having a bright smile in her lips. She really looks like an angel with that smile of hers.

"We won't do anything unnecessary. Kailangan ko lang siyang makausap." Sinabi ni Reese ang pangalan ng hinahanap niyang tao at nanlaki ang mga mata ni Sophia nang marinig kay Reese ang pangalan na iyon.

Sa bandang huli ay walang nagawa si Sophia kung hindi ang samahan si Reese kung nasaan ang taong hinahanap niya. Naiwan naman si Reina, Natsu, Ken at Mitsuo sa office ni Narrisa, kahit na ayaw magpaiwan ni Reina ay wala siyang nagawa nang sabihin ni Reese na kailangan niyang maiwan para bantayan ang kilos ng tatlong lalaki na lapitin ng mga gulo.

"How interesting." Napatingin si Reina kay Narrisa dahil sa sinabi nito. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ni Reina at umangat naman ang gilid ng labi ni Narrisa. At sabay na tumayo ang dalawa kaya napatingin ang tatlong lalaki sa kanila.

"Let's go. Simple work, isn't it?" Pagkabukas nila ng pinto ay ang pag-ihip naman ng malamig na hangin. Sumabay sa ihip ng hangin ang buhok ng dalawa at ilang sandali lang ay nawala na sila sa paningin ng apat na lalaki.

"I can smell trouble." Nasabi na lang ni Kean kaya napailing na lang si Ken.

Binuksan ni Sophia ang pinto at tumambad sa kanila ang madilim na silid. Pero dahil sa pagbukas ng pinto ay pumasok ang konting ilaw. Napalingon sa kanila ang taong kanina pa nila hinahanap. At sa sandaling iyon ay nakita nila ang gullible side nito. Ang mga mata nitong nagsasabi na matagal na itong may hinahanap. Ang mga matang nagsasabi na may kulang dito na isang bagay na mahirap mahanap. Ang mga matang nangungulila. Ang mga matang napupuno ng kalungkutan.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ