Chapter 25: Signs

5.2K 114 0
                                    

Chapter 25: Signs

Summer's Point of View

Pagkatapos naming magtraining ay sabay-sabay na lang kaming natumba sa sahig ng training room. Tatlong oras na kaming nandito at five minutes lang ang pahinga namin bawat thirty minutes.

"Mag-ayos na tayo. May nakahanda ng mga pagkain." Agad-agad naman silang nagtayuan ng marinig nila ang salitang pagkain. Mukhang gaganahan akong kumain nito.

"Kapag dumating ang panahon. Ako ang unang mag-e-engage sa atin!" Sabi pa ni Antimony kaya binatukan siya ni Zachery na magkasalubong ang mga kilay ngayon at mukhang seryosong-seryoso.

"Tungeks! Bata ka pa lang at yan na agad ang iniisip mo! Ang dapat na unang ma-engage sa atin ay si Heaven-hyung! Siya kaya pinakamatanda sa atin." Sabi ni Zachery at tumingin kay Heaven na nakatingin lang sa kanila.

"Eh hyung naman. Kapag si Heaven-hyung ang hinintay natin na makahanap ng papakasalan. Baka lumipas na ang twenty years pero wala pa rin tayong asawa! Ang sungit kaya niyan." Sabi ni Alexander na bumalik na sa pagiging makulit niya.

Tinignan naman siya ng masama ni Heaven kaya nagpeace sign si Alexander at ngumisi.

"Ano ba naman kayo, hindi pa ako tapos magsalita eh. Ang ibig kong sabihin ay ma-e-engage na ako sa mga pagkain ko. Kayo no? Kung ano-anong pinagsasabi niyo. Tara na nga Heaven-hyung, hayaan mo na lang sila dyan."

At hinila na niya ang nakaupong si Heaven papunta sa comfort room. Tutal ay sampu naman ang comfort room ay nagkanya-kanya na kami. Bago pa mga ako pumasok sa pinto ng comfort room ay nakita ko pang binatukan ni Alexander si Zachery at nag-asaran pa. Hay nako, mga pasaway talaga.

Pagkatapos naming mag-ayos ng sarili namin ay dumiretcho na kami papuntang dining area. Nag-uunahan pa sina Cesiun, Antimony at Alexander sa pagpasok sa bahay kaya hinila sila nina Vincent, Zachery at Knechtel sa laylayan ng mga damit nila.

Natatawa na lang ako sa mga kakulitan nila. Atleast dahil sa kanila, nakalimutan ko ng panandalian yung mga problema ko. Ang saya kaya nilang kasama.

Ang gagana nilang kumain, lalo na si Antimony na palaging nabubulunan. Paano nag-aasaran pa rin sila kahit na kumakain. Bigla na lang akong napaisip, ang swerte ng mga babaeng mamahalin nila.

Masaya silang kasama at hindi ka mababagot kasi hindi sila nauubusan ng topic na pinag-uusapan. Ulitimo butiki sa kisame at yung mga nagliliparan na dahon sa labas ay naging topic na namin habang kumakain kami.

"Pahinga na kayong lahat. Uuwi na ako bukas. Eh kayo?" Nagkatinginan naman sila tapos nagsitanguhan. Ganoon ba talaga ang mga lalaki? Nagkakaintindihan sa tingin?

"Uuwi na din. Salamat sa tulong mo Summer. Sa susunod ulit!" Nag-thumbs up ako sa kanila at ngumiti bago isara yung guestroom. Pero ilang segundo pa lang akong nasa labas ay naalala ko bigla yung nasa loob ng box sa guestroom.

Kaya kumatok ako, pero mukhang hindi nila narinig kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. At nabigla na lang ako ng marinig ko silang nagkakantahan. Woah! Ang ganda ng mga boses nila.

Si Cesium, Antimony, Vincent at Zachery ang parang vocalist nila. Tapos si Knechtel naman ang sumasayaw sa gitna nila, pero minsan ay sumasabay siya sa pagrarap ng dalawa. Tapos yung dalawa na si Heaven at Alexander ang mga rapper.

Pagkatapos nilang kumanta ay napapalakpak na lang ako. Ang galing nilang kumanta! Dahil sa pagpalakpak ko ay napatingin sila sa direction ko. At ang cute nilang tignan kasi sabay-sabay silang napakamot ng ulo.

"May talent pala kayo bakit hindi niyo sinabi. Pero gusto niyo bang sumikat? May kakilala akong may-ari ng isang entertainment. Baka gusto niyo lang." At nagsimula na naman sila sa eyes meeting. Napakamot na lang ako ng ulo.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now