Chapter 11: Awkward

7.1K 141 1
                                    

Chapter 11: Awkward

Summer's Point of View

Pinaliwanag na sa amin ang gagawin namin. At hindi kasali ang paglalaba doon. Si lolo talaga pinagloloko na naman ako. Si ako naman naniwala. Nahalata ko lang nagiging ordinaryo na akong tao ngayon. Dati kasi madalas kong malaman kung pinagloloko ba ako ng isang tao o hindi. Pero ngayon iba na, si Comet kanina hindi ko alam kung tulog ba talaga yun o hindi. Pero pabayaan na nga.

"Summer, bakit parang masaya ka ngayon? Kanina naman sa bus nakasimangot ka." Napatakip ako ng mukha dahil sa sinabi ni Prof Kean. Oo Prof Kean, hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya dito sa tabi ko e. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"Anong nangyari kanina sa bus?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kasalanan ng lalaking yun e. Kung hindi siya nakatulog hindi sana ako nagkakaganito.

"W-wala." I compose myself. Para na akong nagha-hyperventillate dito. I grow fond with him kahit na ilang minuto ko pa lang siyang kausap. Mabait naman kasi siya, bigla naman siyang ngumiti tapos nakatingin siya sa isang direction. Tumingin ako sa tinitignan niya pero wala naman. Nababaliw na ba si Prof Kean?

"Hindi ako nababaliw. May nakita lang ako. Sige una na ako. Ayoko pang mamatay." Sa isang iglap, wala na siya sa harap ko. Teka, saan na yun? Don't tell me gangster din si Prof? Malayo yun, wala siyang aspect ng pagiging gangster. Pero hindi e. Ay bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Tumigil ka na nga Summer, baka ikaw pa ang mabaliw dyan.

Magkaugali nga sila ni Miss Narrisa, parehong misteryoso. Paano kaya nila nagustuhan ang isa't-isa? Ayoko ng isipin. Sino kaya yung tinitignan ni Prof Kean kanina? Tumingin ulit ako sa direction na tinitignan niya kanina. At nakita ko si Comet na nakatingin sa direction ko? Tumingin ako sa likod ko at wala namang tao. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang.. nakangiti? As in ngiti na normal at hindi ang ngiting demonyo, pero malayong mangyari yun.

Bigla namang bumukas ang pinto at lumabas si Miss Narrisa. Inalerto ko ang sarili ko sa sasabihin niya. Pero bago pa siya makalapit sa amin ay lumapit sa kanya si Prof Kean. At dahil na-develop din ang pandinig ko ay narinig ko ang mga sinasabi nila. Tinatanong lang ni Prof Kean kung ano ang sasabihin ni Miss Narrisa. And the rest is para sa kanilang dalawa. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit na sa amin si Miss Narrisa.

"Pumunta muna kayo sa mga rooms niyo. Alam niyo na rin hindi ba? Go. After 3 hours of rest ay bumalik kayo dito. Na naka-jogging pants and t-shirt." Room 15 kami pala ni Comet. Pumasok na ako ng room at inilagay ko ang bag ko sa napili kong kama. Nasa third floor kami ng bahay. Pumunta ako ng balcony at umupo sa isang upuan. Ang ganda dito, sa likod ng bahay may makikita kang mukhang forest at sa gitna noon ay may lake.

Gusto kong pumunta doon kapag outing na talaga. This past few days ay maingay ang buhay ko, dahil sa mga nag-aaway, normal na pala sa akin yun. Inaamin ko, mas masaya ako ngayon sa bago kong buhay. Tahimik at walang gulo na nangyayari sa akin. Hindi ko kailangan makipag-away para lang sa isang trono. Pagkapasok ko pa lang sa Ace Spade University, may sarili na akong trono. Yun nga lang ang trono ko ay ang pagiging nerd.

Atleast permanent na sa akin yun, pero yung pagiging Empress ko ay kailangan ko pang protektahan para lang hindi maagaw sa akin ng iba. Nakakapagod na rin. Kaya ako pumayag sa gusto ni Mama na umuwi ako ulit ng Pilipinas. At nangako rin ako sa kanila na aalis ako sa pagiging gangster.

"Ang lalim ng iniisip mo." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Comet. Nakasandal sa pader habang nasa loob ng pocket ng jeans niya ang mga kamay niya. He looks cool in that way.

"Paano mo nalaman?" Hindi naman siya sumagot at nakatingin lang siya sa tinitignan ko kanina. Iniwan ko na lang siya doon at nahiga sa kama ko. Ngayon ko lang naramdaman ang antok. Pero paglipas ng ilang minuto ay hindi na naman ako inaantok.

Minulat ko ang mata ko at tinitigan ko lang ang pader na kulay white. Simple lang itong silid na ito. Parang sa apartment ko lang. Humarap ako sa kanan at nakita ko doon si Comet na nakahiga, nakapikit at nakaharap din sa direction ko. Bakit siya nakatulog na? Ako hindi pa. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya. Dahil sa kanina sa bus, kahit alam kong hindi niya iyon sadya.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Bigla kong hinablot ang kumot ko at nagtakip agad ng mukha. Nahuli niya ba akong nakatingin sa kanya? Para naman akong bata na may ginawang kasalanan dito. Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko siyang naglakad at bumukas ang isang pinto. Sumilip ako ng konti at pumunta pala siya ng comfort room.

Pumunta na lang ulit ako balcony at doon umupo. Pero tumayo kaagad ako at naglakad-lakad sa buong room. Tumingin ako sa wristwatch ko at dalawang oras pa ang pahinga namin. Humiga ulit ako sa kama ko at tumitig na lang sa kisame. Biglang bumukas ang pinto ng comfort room kaya automatic na napatingin ako doon. Hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang mata ko dahil sa ayos niya.

Hindi maalis sa isip ko yung kanina. Nakakahiya yung kanina. Mas lalo na ngayon. Bakit? Kasi bigla ko siyang nakita sa tapat ng pinto ng comfort room na nakatapis ng tuwalya habang nagto-toothbrush. Pagkatapos niyqang magtootbrush ay bumalik siya ulit sa tapat ng pinto ng cr at tumingin sa akin habang nakasmirk.

"Sabi ko na nga ba gising ka pa rin e. Enjoying the view?" Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang init ng pisngi ko. Bigla siyang tumawa at lumabas na ng cr.

"Magbihis ka nga!" Hinagis ko sa kanya ang isang unan at tinakpan ko na ng tuluyan ang ulo ko sa kumot. Swerte at hindi mainit dito at fully air-condition ang bawat room. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakabalot ng kumot. Tinatamad na akong tumayo. Gusto ko munang ipahinga ang katawan ko. Hindi naman masakit ang katawan ko kasi sanay na naman ako, pero gusto ko lang talagang humiga ngayon.

"Hindi ka ba naiinitan niyan sa ginagawa mo?" Inalis ko ang pagkakabalot ko sa kumot at tinignan siya ng masama. Pero bumalik na lang ulit ako sa ayos ko kanina. Nagtakip ako ulit ng buong katawan gamit ang kumot. At nag-stay sa ganoong position. Ayoko muna siyang kausapin, hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya. Dahil ba sa nangyari kanina sa bus? Pero natutulog nga siya noon di ba?

"Hindi, hindi ako naiinitan." Sagot ko na lang para hindi na siya magsalita ulit. Napapansin ko ngayon kay Comet, dumadaldal siya. At madalas din siyang ngumiti. Pero aaminin ko na, gwapo naman siya e. Lalo na kapag ngumingiti siya, yung mga mata niya sumisingkit.

"Sigurado ka?" Hindi ba siya nauubusan ng tanong? Hindi ko na lang siya sinagot. Pero biglang tumahimik kaya hindi ako kumilos. Maya-maya nakarinig ako ng foot step na papalapit sa lugar ko. Huwag mong sabihin na...

Bigla niyang hinila ang kumot ko kaya agad-agad akong umupo at sumandal sa pader. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin, aatras pa sana ako pero naalala kong nasa sulok pala ako kaya wala na akong mapupuntahan. Nakangisi siya ngayon at nakatingin sa akin. Tinulak ko siya kaya napa-hakbang siya palayo sa akin. Aalis na sana ako pero agad-agad siyang nakalapit. Hindi ko siya tinitignan sa mata, bakit hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kanya?

"Hoy! Lumayo ka nga sa akin. Alis!" Hinampas ko siya ng unan ng ilang beses. Lumayo naman siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumalikod na siya sa akin pero tumigil siya ulit at lumapit sa akin. Akala ko kung ano na naman ang gagawin niya pero, bigla niyang pinitik ang noo ko sabay takbo.

"Mag-ayos ka na. Malapit ng matapos ang rest hour. Hinatayin kita sa lobby." Lumabas na siya ng room at biglang tumahimik ang paligid. Nakahawak lang ako sa noo ko at doon lang nagsink in lahat.

"Wynd Comet Dean!"

***

Abangan! Chapter 12: Sweet

"Minsan hindi ko alam kung magkasundo ba kayo o hindi. Kanina narinig ko pa si Summer na sumigaw. Nang anong dahilan?"

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now