Chapter 31: Master Instructor Trale Ynarez

5.3K 110 7
                                    

Chapter 31: Master Instructor Trale Ynarez

Third Person's Point of View

Third Person's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"This is my rule. Once, we're out in this field, you can pick up a fight with me. Regardless with my rank. Do I make myself clear?" Pagpapa-alala ni Trale sa mga gangster na tine-train niya.

"Do you want to kill me?" Iyon agad ang narinig na mga salita ni Wynd pagkapasok niya sa training room. Binaling niya ang tingin niya kay Trale na buhat-buhat ng isang bagong member sa balikat.

"Yes, Sir!" Pursigidong sagot ng isang gangster sa tabi ni Trale at ng gangster na may buhat sa kanya.

"Then, I'll be giving you five minutes to fight with -" Hindi na natapos ni Trale ang sinasabi niya dahil agad nang nilusob ni Wynd ang kinakausap na gangster ni Trale.

"Put me down." Utos ni Trale sa gangster na may buhat sa kanya. Maingat na binaba niya si Trale at matuwid lang na tumayo sa likod nito na parang sundalo.

Paiwas-iwas lang si Wynd at hindi man lang matamaan ng gangster. Para lang itong naglalaro dahil nakapasok pa sa pocket ng jeans niya ang mga kamay niya. Hangang-hanga naman ang mga gangster dahil sa pinapakitang bilis ni Wynd. Ngayon lang nila nakitang ganito kaganado ang Emperor. Nakuha pa nitong ngumiti kahit na nakikipaglaban ito.

"Ang galing." Iyon nalang ang naibulong ng bawat isa nang makitang bumagsak ang gangster kahit na inihampas lang ni Wynd ang sumbrebro nito sa balikat ng gangster. Nasaktan ng konti ang gangster pero alam nito sa sarili niya na, kaya siya bumagsak ay dahil sa pagod na ito.

Inilibot ni Wynd ang paningin niya at tumalon sa gangster na nakatayo at umupo sa balikat nito tulad nang ayos kanina ni Trale. Buti nalang ay alerto ang gangster kung hindi ay natumba ito.

"What are you doing here Emperor? Break time?" Ngumisi lang si Wynd bilang sagot.

"I'm off duty today." Sagot nalang ni Wynd at napailing nalang si Trale dahil sa kakulitan nito. Malapad na ngumiti sa kanya si Wynd at nagmukha itong batang may ginawang kalokohan.

"Pagkatapos mong mawala nang isang linggo Emp. Bigla ka na lang susulpot sa training room at lulusob sa isang trainee. What do you think you are doing?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trale kay Wynd.

Kahit na si Wynd pa ang Emperor ay wala siyang magagawa kapag si Trale na ang nagsalita. Dahil sa mas matanda pa rin si Trale dito. Kailangan niya pa rin itong respetuhin dahil halos kapatid na niya ito.

"Jeez, stop lecturing me. It hurts you know?" Sabi ni Wynd at natatawa pa ito habang tinatakpan ang dalawa nitong tenga. Napailing nalang si Trale at uminom ng soju.

Sa lahat ng taong kasama ni Wynd ay kay Trale lang talaga niya naipapakita ang kakulitan niya. Walang nakakaalam na masyadong close ang dalawa dahil halos hindi naman ito nag-uusap kapag nasa headquarters ang mga ito o kahit saan pa man na may nakakakilala sa kanila.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now