Chapter 55: Gunshot

4K 85 4
                                    

Chapter 55: Gunshot

Summer's Point of View

All I can hear is his voice. His calling my name. But, his voice is faint and it is almost a whisper to me. I can't feel anymore. I tried to reach the sky when I saw the clouds above me. I raised my right hand trying to reach the sky, but instead of touching the sky, someone held my hand.

"Don't... please hold on." I wanted to hold his hand longer, but it is just like my strength was drained for some reason that I don't know.

"Summer." After he called my name, everything went black.

Third Person's Point of View

Mabilis ang naging pangyayari. Ang sunod na lang na alam ni Wynd noong sipain siya sa shin ni Summer, ay nakahiga na ito sa sahig. Duguan ang tyan nito at hinahabol ang hininga nito.

Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ni Wynd. Naging blangko ang isip niya. At walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang iligtas si Summer. Agad niyang binuhat ang dalaga at nagsimulang tumakbo papalabas ng gymnasium. Sumunod kay Wynd si Reina.

Naiwan namang biglang-bigla si Mitsuo nang makita niya ang kalagayan ng babaeng mahal niya. Sa sobrang bigla niya ay nabitiwan niya ang baril na hawak niya kaya napatingin sa kanya ang ama niya na ngising-ngisi. Masayang-masaya sa ginawa niya.

"How could you do this to Summer?" Hindi na napigilan ni Reese ang sarili niya at sinugod ang ama ni Mitsuo. Pero bago pa niya ito malapit ay may narinig na lang silang putok ng baril. Ken started to panic when he saw Reese, stopped running in her way.

"Master Mitsuo, daijobou?" Nag-nod lang si Mitsuo sa tanong ng kanyang kanang kamay. Nilapit ni Mitsuo ang ama niya na nakaluhod ngayon at dumudugo ang isang paa nito.

"From now on, I will be the new Mafia Boss. And you, will going to be a trash. This is your pay for what you did to Summer." Agad na lumabas ng gymnasium si Mitsuo habang inaalalayan naman ng mga nagsilitawan niyang mga tauhan ang ama niya na hindi makatayo dahil sa tama ng baril sa paa nito.

Hahabulin pa sana ni Reese si Mitsuo pero pinigilan na siya ni Ken. "We need go after Summer, Reese. Please, calm down."

Ang kaninang galit na expression ni Reese ay biglang lumambot nang maalala niya si Summer. Agad silang tumakbo palabas ng gymnasium. At ang kotse na lang ng dalaga ang ginamit nila. Pero halos habulin ng tatlo ang hininga nila dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo nito sa kotse niya. Oo, sanay na sila sa mga mabibilis na pagpapatakbo nila ng mga kotse nila, pero hindi naman ganito kabilis na halos maiwan na ang mga katawang lupa nila.

Pagkadating nila sa hospital ay agad itinanong ni Reese kung nasaang room si Summer. At sinabi ng nurse na nasa operating room pa ito. Nasa second floor ang operating room, kaya nagmamadali silang pumunta doon. Pagkalabas pa lang nila sa elevator ay nakita na nila kaagad si Wynd sa hindi kalayuan. Kasama nito sina Sophia at Nathalie. Parehong umiiyak ang dalawa at tahimik lang si Wynd habang nakayuko at nakalagay ang mga palad nito sa mukha nito.

"Wynd." Agad na napalingon ang lahat nang may magsalita sa likod nila Reese, Ken at nang dalawa pa nitong kasama. At nagulat na lang sila nang sunod na lang nilang nakita si Wynd na nasa harap ng Ate nito at umiiyak na parang bata.

"A-ate..." Narrisa can't help but hug her little brother. Minsan niya lang makitang umiyak ng ganito si Wynd. Tulad ito ng iyak niya noong mawala ang kapatid nila na si Raymond at noong iwanan siya ni Summer. Wynd really hate to be left. Ayaw niya sa lahat ang iniiwan siya at nagsimula ito noong mamatay sa harap niya ang Kuya Raymond niya.

"Calm your self, Wynd. It'll be okay, don't worry. Summer, is too strong to let go of her life." Ginulo ni Narrisa ang buhok ni Wynd, habang may maliit na ngiti sa mga labi nito. Pero ang mga mata nito ay nagsasabi ng kabaliktaran. Dahil hindi rin siya sigurado kung magiging ayos lang ba ang kalagayan ni Summer.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now